Haligi Ng Tahanan 2

3 0 0
                                    

Pagkaalis ni Romeo ay nagmamadali kong tinapos ang pagpapaligo kay Lito. Natitiyak akong isusumpa ako ng anak ko sa sandaling matuklasan niya ang binabalak ko sa pinakamamahal niyang kapatid.

"Malinis na malinis ka na, Lito...at mabango...."

Ang makahulugan kong wika sa kanya habang siya naman ay kumikislap pa ang mga mata sa tuwa. Walang kaide-ideya sa mga karumal-dumal na bagay na tumatakbo sa aking isipan...

" Tay, dito lamang po ako maglalaro sa loob ng bahay. Para pagdating ni Nong Miyong mamaya, malinis pa rin po ako at mabango."

Napangiti ako sa mga sinabi niya pero agad ding napawi ang mga ngiting iyon nang mapatitig ako kay Lito. At unti-unti na namang nagbalikan sa aking isipan ang mga alaala ng nakaraan...

(start of flashback)

" Pareng Ansel, mabuti na lang at napapayag ka rin naming sumama sa amin na mamyestahan Maraming magagandang dilag doon. Tiyak na pag-uwi natin ay may nakabihag na rin ng pihikan mong puso..." ani Roberto na  alam kong nagbibiro lamang. Ako na lang kasi ang binata pa sa aming magkakaibigan. Lahat sila ay may mga pamilya na.

Sa katunayan, ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng kasintahan. Nakalaan kasi lahat ng oras ko sa pamilya. Mahirap lang kami at bilang panganay, maaga akong nagtrabaho upang makatulong sa aking mga magulang sa lahat ng mga pangangailangan ng aming pamilya. At nang maulila kami ng kapatid kong si Santiago, naiwan sa akin ang responsibilidad ng aming mga magulang.

" Hindi naman ako nagmamadaling mag-asawa, mga pare. Naniniwala ako na kusang darating iyong babaeng para sa akin....kahit hindi ko siya hanapin."

Lalong lumakas ang kantyawan at tawanan ng mga kasama ko ngunit sa halip na mapikon ay nakitawa na lang ako sa kanila.

Masaya kaming nagkuwentuhan habang tinatahak ang sanga-sangang daan patungo sa barrio kung saan mayroong piyestahan.

Pagdating doon  palibhasa ay unang beses kong sumama kina Roberto, halos wala man lamang akong kakilala sa lugar. Basta nakasunod lamang ako sa kanila kung saan sila magpunta. Ang una naming tinungong bahay ay naging mainit naman ang pagtanggap sa amin. Ipinakilala ako ng mga kaibigan ko at nalaman ko na isa pala iyon sa palagi nilang pinupuntahan tuwing sasapit ang pyesta sa barrio na iyon.

Sumunod na rin ako sa kanila sa kusina kung saan naroon ang isang mahabang lamesa na pinaglalagyan ng mga handa. May isang planggana na katamtaman ang laki kung saan  nakalagay ang kanin. Nang makita kami ng mga nakatoka sa kusina ay agad nilang inalis ang saging na nakatakip sa planggana. Napansin ko rin agad ang nakapatas na plato, kubyertos at mga baso.

Sa tabi ng planggana ay nakahilera ang mga lalagyan na may lamang iba't ibang putahe ng ulam. Halos lahat ay masasarap sa tingin ko pa lamang. Bigla tuloy kumalam ang aking tiyan pagkakita sa mga iyon. Bukod sa nakakagutom at nakakapagod ang maglakad ng ganoon kalayo ay pawang nakakatakam din ang mga nakahain sa lamesa.

Dito sa mga probinsya, napakabihira ang makatikim ng ganoong klase ng mga pagkain. Madalas, tuwing may mahahalagang okasyon lamang katulad ng piyesta, kasalan at kapag may mga anak na nagtatapos na nakakuha ng karangalan sa eskwelahan.

"Kumain ka lang ng kumain, pareng Ansel! Tinitiyak ko sa'yo, masasarap lahat ng mga niluto nila. Kaya samantalahin mo na, minsan lang ito. Pag-uwi natin, mapupurga na naman tayo sa daing na isda, bagoong, balinghoy at iba pang mga pagkaing bukid."

Nahihiyang ngumiti ako kay Roberto at tumango. Dahil naninibago pa sa lugar at mga tao , pinauna ko  sila sa pila. Nang makakuha na sila ng mga pagkain nila ay bumalik sila sa salas dahil naroon ang mga upuan at iba pang mga bisita.

Tales Of YGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora