LOLO ETAL 1 (ANG BANKERO)

9 0 0
                                    

- - -Bata pa lamang ay mahilig na ako sa mga kwento (lahat ng klase kahit spg😂chos bawal un sa bata). Tanda ko pa noon halos lahat ng books ko (English at Tagalog) ay natatapos kong basahin bago pa sumapit ang bakasyon.

Sa sobrang hilig ko magbasa, pati iyong mga libro ng kapitbahay na higshchool na noon ay hindi ko pinatawad (with permission naman☺).

Kaya bago pa man namin mapag- aralan ang Florante at Laura at Ibong Adarna ay kilala ko na sila.

Grade two ako nang unang makahawak ng pocektbook. Tumatak na sa akin ang mga bida na sina Bea at Ram pati na ang author ng naturang nobela, si Helen Meriz.

Mahilig din kasi si Papa magbasa ng mga ganoon lalo na ng komiks (pornhub noong araw 😂).- - - -

 Ako nga pala si Jhon Rey. JR ang palayaw ko. Nakatira ako ngayon sa Batangas City pero nagmula ako sa Simara - isang isla na sakop ng Romblon.
Ako
Ang Romblon ay isang kapuluang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong 4B, MIMAROPA.

Kilala ito bilang pangunahing prodyuser ng mataas na uri ng marmol.

  Ang  bayan ng Corcuera o mas kilala bilang Isla Simara ay kabilang sa tinatawag na MAGHALI (magkapatid) group of Islands na sakop ng Romblon. Ang dalawa pang isla na kabilang sa MAGHALI ay ang Banton at Sibale.

Ito maliit na isla lamang na napapalibutan ng dagat. Mayroon itong puting buhangin at magagandang baybayin na di pahuhuli sa Boracay.

Payak at tahimik ang pamumuhay ng mga nakatira rito, sariwa ang hangin at mga pagkain, sagana sa mga gulay at prutas at masisipag ang mga tao. Tila ba ito isang tagong paraiso.

At sa lugar na ito iikot ang istorya ni LOLO ETAL...

29 taong gulang na ako ngayon, binata. Bata pa lamang ako ay mahilig na ako sa mga kwento. Basta may makita akong libro at kahit iyong mga komiks na nagkalat sa bahay di ko pinalalampas.

  Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang kapatid ng lolo Arturo ko (tatay ni Mama) , si lolo Eleazar o mas kilala bilang LOLO ETAL. Isa siya sa mga taong hinahanggan ko noon at hanggang ngayon. 

  Sobrang nakakawili ang mga papitlo  o bugtong niya kahit mahirap hulaan ang karamihan.

  Halos gabi- gabi, kapag bakasyon noon sa escuela ay naroon ako sa bahay nila. Walking distance lang mula sa amin.

  At ang isa sa hindi ko malilimutang kwento niya ay ang tungkol sa bankero na si Tata Alberto....

***********************************

  Taong 2002
Sitio Sohotton, isla ng  Simara, bayan ng  Corcuera, lalawigan ng Romblon.

  Pagkatapos maghapunan ay nagpaalam ako kay Mama na pupunta muna kina lolo Etal. Bakasyon naman, walang pasok kinabukasan kaya pwedeng magpuyat. Si Mama na ang bahala sa mga hugasin. Alam kong di pa rin siya matutulog dahil hihintayin niya pa si Papa. Nasa kumpare niya at nag- iinuman.

'Huwag kang magpapagabi masyado, madilim na sa daan at baka makatulog kami ng Papa mo, walang magbubukas sa'yo. "

"Opo Ma...", maikli kong sagot sa kanya . Walang kuryente sa lugar namin maliban sa kabayanan, dulong barrio kasi kami. NAPOCOR ang source ng kuryente at mga may sinasabi lamang sa buhay ang afford iyon.

  Ang gamit namin sa isla ay gasera. Isang bote, minsan ay kalahati ang binibili naming petrolyo sa tindahan. Ilang araw na naming gamit iyon.

  Maaga kaming naghahapunan kaya maliwanag pa nang makarating ako kina Lolo Etal. Bago ang kanila ay bahay muna ng kanilang ina na si Lola Leona.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now