T7

5 0 0
                                    

T A G A P A G M A N A    Vll

Araw ng Linggo , nagsimba kaming lahat maliban kay Nanang Cita . Si Roma naman ay hindi na pumasok sa  loob ng simbahan . Nanatili lamang siya sa labas dahil rinig naman hanggang doon ang misa . Bata pa lamang kami ay naririnig na namin ang kasabihang ' kapag aswang ka , engkanto at iba pa , sa sandaling tumapak ka sa tahanan ng Diyos ay uusok ka' .

Habang taimtim na nagdadasal si Roma ay hindi niya namalayan ang paglapit sa kanya ng isang binata . Mataman nitong tinitigan ang aking kapatid , hanggang sa halos hindi na ito kumukurap .

Kaya nang magmulat si Roma ay sabay pa silang nagulat pagkakita sa isa't - isa .

Roma : X-Xandro ? ! K-kanina ka pa ba r-riyan ? 

Bumuka ang bibig ng binata ngunit hindi naman agad nakaapuhap ng isasagot sa dalaga .

At nang akmang magsasalitang muli si Roma ay .  .  .

Carling : Sino yang lalaking kausap mo .   .  . Roma ?!

Hindi kayang salubungin ng tingin ni Roma ang mapanuring titig naming lahat  , lalo na kaming mga manong niya . At sa labis na pagkataranta ay napilitan siyang ikuwento sa amin kung paano niya nakilala ang binatang  si Xandro .

Ben : Bakit hindi mo agad sinabi sa amin ang muntik mo nang pagkapahamak , Roma ? Wala ka bang tiwala sa amin ?

Roma :  H-hindi naman sa ganon , mga manong .  A-ayoko lang na mag-alala pa kayo . Kahit ang totoo , gulong-gulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon . Kinabukasan kasi pagkatapos iyong mangyari , natagpuang patay ang grupo ni Raul.  A-at napakabrutal ng pagkamatay nila !

Matinding pagkagulat ang naramdaman ko  pagkarinig  sa mga isiniwalat ni Roma . Sa isip ko ay may hinalang unti-unting nabuo ngunit mas pinili ko na lamang  na itikom ang aking bibig . Matapos naming pasalamatan si Xandro sa pagliligtas sa aming bunso ay niyaya na namin si Roma na umuwi .

(BG Music)

Magmula noon , naging madalas na ang pagkikita ng dalawa . Inamin ni Xandro na ilang linggo na rin niyang sinusubaybayan si Roma , dahil mula nang makilala niya ang kapatid ko , ay hindi na ito mawaglit sa kanyang isipan .

Ginawa ni Roma ang lahat upang pigilan ang sarili na  mahulog ang loob niya sa binata ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana .

Hindi ito tumigil  sa panunuyo sa aking kapatid . Hatid-sundo sa eskwela at kung anu-ano pang mga bagay na ginagawa ng isang manliligaw . Nais naming tumutol nina Manong Ben  ngunit naaawa kami kay Xandro . Napagdaanan din namin ang ganoong yugto ng pagiging binata at bilang lalaki , nararamdaman at nakikita kong malinis ang intensyon niya sa aming kapatid .

Masipag , mabait at maginoo si Xandro . Kahit hindi umamin sa amin si Roma  , bakas naman sa kaniyang mga mata na mayroon siyang pagtingin para sa binata .

Kaya naman nang magpaalam si Xandro na  pormal ng aakyat ng ligaw sa aming dalaga ay pinayagan namin siya . Sa aming puso , umaasa kaming baka magkaroon ng buhay na katulad ng kina Nanang at Mamay ang aking kapatid . Na sa kabila ng pagigiging aswang , matagpuan niya rin ang isang wagas na pag-ibig . Dahil wala kaming ibang nais kundi maging maligaya siya at magkaroon din ng sariling pamilya .

Carling : Paano ba iyan , Xandro . Magtatapos pa raw ng pag-aaral si Roma.  Kung sakali , mahihintay mo kaya siya ? 

Xandro : Oo naman , Manong Carling . Tamang-tama iyon para makapag-ipon pa ako lalo . Huwag kayong mag-alala , handa akong maghintay kay Roma at hindi ako magiging hadlang sa mga  pangarap niya .

(BG Music)

Napag-alaman naming tubong probinsya din sina Xandro at una silang nakipagsapalaran sa maynila bago sila napadpad dito sa Batangas . Noong sanggol pa lamang daw siya ay nangyari ang isang trahedya sa kanyang pamilya. At  para makalimot sa masalimuot na nakaraan , nagpasya ang kanyang ama na lisanin ang Negros . At nang magbinata na si Xandro , namana niya rin ang pagiging mahusay ng kanyang tatay sa larangan ng pagkakarpintero .

Tales Of YGWhere stories live. Discover now