GOODBYE, CARISSA

10 0 0
                                    

Change is the only constant thing in this world.And it's always better to experience love even if in the end you will lost it,than to never have loved at all.

To the person I considered my soulmate.
My first love and first heartache.

Sabi nila expect the unexpected.Ganoon mismo ang nangyari sa buhay ko nang dumating ka.Hindi ko inaasahan ang lahat.After high school di ako nakapagpatuloy sa college for some personal reasons kaya pinagbakasyon muna ako ng parents ko sa Carissa,a place somewhere in Rizal.

I was just 17 that time,young and innocent, especially when it comes to love. Hindi ko alam kung paano ihandle ang isang relasyon.Napaka- immature ko.Pero sabi ko noon sa sarili ko I would love you and not gonna lose you.

You were my first boyfriend-my love, my everything. I was so thankful and happy cause I found someone like you. Caring,loving,sweet and understanding. You were very thoughtful, too.

Ang dami mong magagandang katangian kaya naman napakabilis nahulog ng loob ko sayo. Kahit naninibago pa ako nun at nag- aadjust. Ikaw ang nagdala ng relasyon natin.

Mahusay kang basketball player.Star player ka noon ng team nyo. Peymus ka.☺ Pero mas lalo nainlab ako sa husay mong kumanta. Lagi mo akong hinaharana noon. Music lover pa naman ako.

Ikaw rin ang unang lalaking kinantahan ko. Ikaw ang nagsilbing audience ko sa mala- audition kong performance. Mahiyain kasi ako hindi gaya mo. Kaya mong kumanta sa harap ng maraming tao at wala naman sila maipipintas sayo kasi mahusay ka naman talaga at maganda ang boses mo, ninyong magkapatid.

Hindi ka mayaman, wala kang kotse at hindi ka rin maporma. Hindi rin tayo kumakain sa mga sikat na restaurants pero pakiramdam ko noon jackpot na ako sayo. Mabait ka kasi.

You were full of surprises.Sino ba naman ang hindi kikiligin? Ako naman ang may gustong sa mga simpleng lugar lang tayo kumain at mamasyal kasi simpleng tao lang din naman ako,simpleng babae.

Simple lang din mga pangarap ko at pinahahalagahan ko kahit yung mga pinakamaliliit na bagay mula sa iba. Kaya mo nga din ako siguro nagustuhan kahit mukha akong manang noon. Haha.

Malakas ang topak ko minsan baliw ako. Madalas kita awayin napakamaldita ko. Bigla na lang akong nagagalit ng walang dahilan. Siguro dahil kulang ako sa atensyon at pagmamahal ng pamilya. Parang hindi kasi nila nakikita ang mga magagandang katangian ko, alam kong meron hahaha.

Grabe ang insecurities ko sa buhay alam ko ang sarap sarap ko na sapakin pero tiniis mo lahat yun. Palagi ko akong inuunawa at kahit ako yung madalas mali ikaw yung palaging nagsosorry. Ikaw ang nagdala sa relasyon natin siguro kasi naiintindihan mo na amateur pa lang ako.

Marami ka ng nakarelasyon before at saka mas matanda ka naman sa akin.Hehe. Mahal na mahal mo ako,ramdam ko naman. At mahal na rin kita. Natutong umibig ang musmos kong puso.Ganoon pala ang pakiramdam ng umiibig. It was overwhelming. It was so magical.❤

Ang dami nating pinagdaanan at pagsubok nalampasan.Tumagal ang relasyon natin ng isang taon at apat na buwan. Kung tutuusin maikli na yun kasi yung iba nga 7- 10 years ang long diba?

But for me ours was long enough sa dami nating memories together. We had lots of pictures! Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko lahat ng taong mahalaga sa akin at naging bahagi ng buhay ko may larawan sa akin.

Mas better kung magkasama kami larawan. Buti ba lang hindi ka kj ikaw mismo ang nagyaya na magpapicture tayo.☺Alam mo ba na ikaw ang unang taong nagparamdam akin ng pagtanggap? Sa kung ano ako at lahat ng mayroon ako. Good at bad side.

You loved all my perfect imperfections. Pinaramdam mo s akin na sobrang halaga ko. Minahal mo ako ng totoo. Alam mo bang pangarap ko yun? Ang mahalin at tanggapin ako, hindi lang bilang isang babae kundi bilang isang tao. And you made me feel so special,honey.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now