DAYO 3 (Kahayukan sa Dugo't Laman)

8 0 0
                                    

MATAPOS ang matinding encuentro ni Celso at ng aswang na si Roma, mas lalo pang naging alerto ang buong pamilya nya.

Halos hindi na rin siya naggawi sa bahay nila na kung saan ay malapit lamang ang kubo na pinamumugaran ng dayong aswang.

Naglagay rin sila ng asin at dinikdik na bawang sa lahat ng sulok ng bahay ni Nanay Ising. Ang mga anak ni Celso na sina Aida at Ana ay hindi na rin nila halos pinapalabas kahit sa bakuran.

Ising: Huwag niyo ring aalisin ang inilagay ko na nakatiwarik na walis sa bawat pintuan dito sa bahay. Noel..maglagay ka rin ng kahit anong matalas na bagay sa may bubungan lalo na sa tapat ng higaan ng ate Celia mo.

Celso: Nay..hindi ba dapat nating bigyan ng babala ang mga kababarrio natin? Nang sa gayon ay makapag- ingat din sila.

Ising: Anak...naisip ko na rin ang bagay na iyan, kaya lamang..hindi tayo nakatitiyak kung maniniwala ba sila sa atin. Mas makabubuti siguro kung manahimik na lamang tayo dahil baka lalo lamang sumidhi ang poot ni Roma at balikan ka na naman. Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sa'yo noong nakaraan? Labis kaming nagpapasalamat Poong Maykapal dahil nakauwi ka pa ng ligtas.

Celso: Ako man ay ganoon din, Nay. Kung nagkataong napatay ako ng aswang...baka hindi ko na kayo nakita at nakasama ulit, lalo na ang aking mag- iina. Hanggang ngayon nga ay hindi pa naghihilom ang mga tinamo kong sugat sa sagupaan namin, lalo na itong nasa bandang dibdib.

Ising: Kaya nga anak, ilihim na lamang muna natin ang lahat hanggat maaari. Ang pinakamahalaga ngayon ay ang ating pamilya. Lalo na ang mag- iina mo..

At ganoon nga ang ginawa ni Celso. Patuloy pa rin siya sa pagtatrabaho ngunit nakiusap siya sa kanyang amo na kung maaari ay uuwi na siya ng alas kuwatro. Mas inaagahan na lamang niya ang pasok para naman hindi siya makalamang sa iba pang mga katrabaho.

Ang mga naiwan naman sa bahay na sina Celia at Rebecca ay halos hindi na nagbubukas ng pinto kahit araw lalo na kapag sila lang ng mga bata. Kailangan din kasi ni Noel pumalaot paminsan- minsan para naman may katulong si Celso sa mga gastusin araw- araw. Si Nanay Ising abala rin araw- araw sa maliit nitong bukirin.

May mga pagkakataong nararamdaman nila sa gabi ang presensya ng aswang, ngunit dahil sa mga pangontra na inilagay nila ay tila tumigil na rin iyon sa pagtatangka sa buhay ng pamilya ni Celso. Nang mga sumunod na gabi kasi ay hindi na muling bumisita pa ang aswang kaya naman nakakatulog na sila ng mahimbing.

Hanggang isang araw ay ginimbal sila ng isang nakakakilabot na trahedya...

Noel: Nay! Kuya Celso!
(Humagangos galing sa labas)

Ising: Ano ka ba Noel, balak mo ba kaming patayin sa nerbiyos?

Kasalukuyang nag- aalmusal noon sina Celso. Araw ng Linggo kaya wala siyang pasok sa trabaho.

Noel: Nay! Iyong anak ng tanod na si Mang Estong, kahapon pa raw nawawala . At kaninang umaga, natagpuan nila sa ilog. Wakwak ang tiyan! Nawawala rin ang mga lamang- loob at iba pang mga bahagi ng katawan ng bata. Ang paniniwala nila ay nilapa ng mabangis na hayop!

Napasigaw sina Celia at Rebecca sa mga narinig mula kay Noel. Si Nanay Ising naman ay napausal ng pangalan ng Diyos habang si Celso ay mahinang napamura habang nakakuyom ang mga palad.

Celso: Talagang sobra na ang pamemerwisyo ng Roma na iyan dito sa ating lugar! Sigurado ako, hindi na matatahimik ang hayup na iyon hanggat hindi niya tayo nauubos lahat!

Celia: Celso..a- ang mga anak natin. N- natatakot ako para sa mga bata...

Hindi napigilang mapaiyak ni Celia sa labis na pangambang nadarama. Isa siyang ina na labis na nagmamahal sa kanyang mga anak, at kilala niya ang batang walang awang pinaslang ni Roma, kaklase iyon ng anak nilang si Ana.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now