T8

3 0 0
                                    

T A G A P A G M A N A  Vlll
(Pag-ibig o Pamilya?)

*Exclusively Written For Ingkong*

Kagaya ng pangako ni Xandro, hindi  siya nagmadali sa panliligaw kay Roma. Kitang-kita sa kanyang mga kilos at pananalita kung gaano siya kaseryoso sa aming bunsong kapatid. Sa ilang buwang panunuyo niya kay Roma, hindi nagbabago ang kanyang ugali at pakikitungo sa aming lahat. Napakasipag din niya at magaganda ang mga pangarap sa buhay. Patunay lamang na maayos ang pagpapalaki kay Xandro ng kanyang mga magulang.

Ngunit sa bawat pagkakataong nasa bahay namin si Xandro, hindi ko alam pero may kakaibang napupuna ako kay Nanang Romancita. Madalas ko siyang mahuling makahulugang nakatitig sa manliligaw ng aming kapatid, at sa tuwina ay tila ba  nababalisa siya sa presensya nito. Kaya isang araw hindi na talaga ako nakatiis at tinanong ko siya.

Carling : Nang Cita...  M-may problema ho ba kayo kay Xandro? Hindi niyo ba siya gusto para kay Roma?

Cita : I-ikaw pala, Carlito. Ano ba ang sinasabi mo, apo? Hindi ko kailanman sasaklawan mga desisyon ninyong magkakapatid lalo na kung sa usaping may kinalaman sa pag-ibig. Naririto lamang ako upang gabayan kayong magkakapatid. Lalung-lalo na si Roma.

Carling : Napapansin ko lang ho na madalas ninyong titigan si Xandro, Nang. Tapos parang nababalisa kayo 'pag nandito siya sa bahay.

 Hindi nakaligtas sa akin ang biglang pag-ilap ng mga mata ni Nanang Cita. Noon ko natiyak na tama nga ang hinala ko. May itinatago siya. Pero ano kaya iyon?

Cita : Ang totoo Carlito, may naaalala ako tuwing nakikita ko ang binatang iyon.

Carling : S-sino ho, Nang? Iyong dating kasintahan niyo ba? Si Tatang Manuel?

Cita : Hindi, apo. Isang kakilala ... isang taong may malaking bahagi sa nakaraan ko. At batid kong hahanapin niya ako, upang singilin sa nagawa kong malaking kasalanan sa kanyang pamilya! (medyo naiiyak)

 Nang makita kong parang naiiyak si Nanang ay hindi ko na itinuloy ang pag-uusisa. Ngunit naging malaking palaisipan na naman sa akin ang kanyang mga binitawang kataga.

(BG Music 🎶)

 Dahil may tiwala na kami kay Xandro, pinayagan na namin silang mamasyal ni Roma pagkatapos magsimba. Palibhasa ay mayroon na kaming kanya-kanyang pamilya ni Manong Ben, diretso na kami sa bahay. Si Rico naman, dahil binata pa, ay mayroon ding sariling lakad.

Carling : Basta iyong bilin ko sa inyo, Xandro. Huwag na huwag kayong magpapagabi ng uwi ni Roma.

Xandro : Makakaasa ka, Nong Carling. Hindi kami magtatagal ni Roma...kakain lang kami at sasamahan ko siyang bumili ng mga gamit niya sa eskwela at pagkatapos ay ihahatid ko na rin siya pauwi.

 Pagkatapos noon ay naghiwa-hiwalay na kami, wala rin kasing kasama si Nanang Cita,  kaya kahit nagyaya si Xandro na ililibre kaming lahat ng Pancit Guisado ay hindi na namin siya napaunlakan.

Tinupad nga ni Xandro ang pangako niya sa amin. Pagkatapos nilang kumain at makabili ng mga kailangan ni Roma, kahit maaga pa ay umuwi na sila. Habang daan ay masayang nag- uusap sina Xandro at Roma.

Xandro : Alam mo ba, Roma, napakasaya ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang pumayag ang mga Manong mo na lumabas tayo ng hindi sila kasama.

Roma : Malaki na kasi ang tiwala ng pamilya ko sa'yo, Xandro. Kaya sana, huwag mong sisirain iyon.

Xandro : Oo naman. Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwala nila sa akin. Eh, ikaw, Roma, nagtitiwala ka na rin ba na malinis ang hangarin ko sayo? H-hindi naman sa naiinip na ako sa magiging sagot mo... pero siyempre, bilang manliligaw, gusto ko sanang malaman kung may p-pag-asa ba ko sa'yo?

Tales Of YGWhere stories live. Discover now