KARIBAL

10 0 0
                                    

SOBRANG moderno na ang mundo... at ang mga bagong tubo ng kabataan ay hindi na naniniwala sa mga kuwentong marahil ay nabasa na lamang sa komiks ng kanilang mga magulang...

Pero ako ang buhay na saksi sa katotohanang hindi lamang normal na mga tao ang naninirahan sa ating mundo...

​May ibang mga nilalang na gumagala sa mundo ng mga tao... Kahalubilo natin sila—bagamat sila’y hindi nakikita ng lahat... May ilan lamang na mga nilalang na napagkalooban na wika nga’y pangatlong mata—o sa tawag ng marami ay “third eye.”
​At kabilang ako sa mga nilalang na may pangatlong mata. May kakayahan akong makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng iba...

​At hindi ko lang basta nakita. Naging kaagaw ko pa sa aking unang pag-ibig. Kakaibang nilalang na naging karibal ko sa babaeng unang nagpatibok sa aking puso.

Itago ninyo na lamang ako sa pangalang Antonio.
​Ang kuwentong ito ay may kaugnayan sa aking kabataan... Siguro’y mga labingsiyam o dalawampung taong gulang ako noon, nang makilala ko sa isang sayawan sa kabilang nayon...

si Amelita.

Noong aming kapanahunan, hindi pa uso  ang maiikling damit o mga kasuotang naglalantad ng dibdib o mga hita ng isang babae. Simpleng-simple pang mag-ayos noon ang mga kadalagahan... lalo kung isang dalagang taga-nayon.

​Ganuon si Amelita...

​Ngunit lutang na lutang ang kanyang kagandahan sa kabila ng kasimplehang iyon. Hindi ko pa man siya ganap na kilala ay nabihag na niya ang puso ko.

​Piyesta noon sa Baryo Talang-Bato, isang liblib na nayon sa katimugang Tagalog. Bisperas ng piyesta ay mayroong sayawan... na noong panahong iyon ay isa ng malaking okasyon sa aming bayan. Nakahilera sa paikot at pinagdugtung-dugtong na bangko ang mga dalaga, sa isang bulwagang binakuran ng mga tinilad na kawayan at mga dahon ng niyog.

At sa pag-ilanlang ng malamyos na awiting nagmumula sa trompa ng stereo, nag-uunahan ang mga kabinataan sa paglapit sa mga babaeng gusto nilang maisayaw...

Upang makalikom ng pondo ang komite de festijos, nagbenta ng mga ribbon para sa mga lalaking gustong makasayaw. Iba’t ibang kulay ang mga lasong ibinenta, upang maging basehan din kung sino ang grupong puwedeng sumayaw sa isang partikular na tugtugin.

​Kulay asul ang ribbon na unang tinawag. ​Dilaw ang ribbon namin ng kaibigan kong si Dante.
​Naghintay muna kami at nag-abang ng aming torno.

​Sa aking pagtataka, halos lahat ng babaeng nakaupo kanina ay kinuhang kasayaw ng unang grupo ng mga kabinataan... Pero naiwan sa upuan si Amelita... Sa ganoong okasyon, mukhang nakakaawa ang babaeng nagbubutas ng bangko.

​Sa aking tingin ay siya ang pinakamagandang dalaga sa pagtitipong iyon. Ngunit bakit tila hindi iyon nakita ng ibang kabinataan? Dahil doon ay binulungan ko si Dante.

Antonio:  Dan, bakit tila wala yatang nakikisayaw doon sa isang dalaga? Maganda naman siya...sa tingin ko nga ay siya ang pinakamagand sa lahat ng dilag na naririto ngayon..

Dante: Walang sinuman sa lugar na ito ang magtatangkang lapitan si Amelita.

Antonio: Kilala mo siya?

Dante:  Oo...halos lahat ng tagarito ay kilala siya...dahil hindi lamang siya isang ordinaryong babae..

Antonio: A- anong ibig mong s- sabihing hindi siya o- ordinaryo?
B-bakit, ano ang kanyang pagkakaiba?

Dante: Balitang- balita kasi na may nag- aalagang Kapre sa kanya!

​Bigla akong natawa sa winika ng aking kaibigan.

Antonio: Kapre? Ano ka ba naman, Dante. Kuwentong kutsero lang ‘yung kapre! Naniniwala pa rin kayo sa mga ganyang bagay sa panahong ito?

Naputol ang pag- uusap namin ni Dante dahil ​sunod na tinawag ang kulay ng aming laso. Dilaw.
​Hindi ko kailangang makipag-unahan upang makuha kong kapareha si Amelita. Walang ibang lalaking ibig makipagsayaw sa kanya.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now