SORAYA: Ang Asawa Kong Mandurugo

4 0 0
                                    

Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya hanggang sa pagbuwis ng buhay . Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon.

Pag-ibig  din daw ang pinakamasarap na pakiramdam sa mundo ayon sa mga nakatatanda. Lahat daw ng tao ay iibig isang punto sa kanilang buhay. Mayroong isang tao o bagay na pagbubuhusan mo ng iyong pagmamahal at magiging mundo mo.

Ang kwentong ito ay nagmula sa isang  letter sender na nagpapatago sa pangalang Hector. Isang binatang taga- Maynila na nayayang magbakasyon  sa probinsya ng kanyang kaibigan. At doon nagsimula ang malaking pagbabago sa kanyang buhay ...isang kaganapang ni sa hinagap ay hinding- hindi niya akalaing kanyang mararanasan...

Taong 1966
San Enrique, Iloilo

Dala ng kuryosidad at natural na pagiging mahilig sa pamamasyal, hindi nagdalawang isip ang 20 taong gulang na si Hector na paunlakan ang kanyang matalik na kaibigang si Angelo nang yayain siya nitong magbakasyon sa probinsyang pinagmulan nito- ang Iloilo.

Hindi niya rin maintindihan ang kanyang sarili kung bakit tila ba nakaramdam siya ng kakaibang klase ng pagkasabik na marating ang nasabing lugar.

At kagaya ni Angelo, mababait ang pamilya ng kanyang kaibigan. Mainit ang naging pagtanggap sa kanya ng mga ito. Kaya naman palagay ang kanyang loob kahit na estranghero siya sa lugar.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now