KAYATONG-Tahanan Ng Mga Engkanto

10 0 0
                                    

KAYATONG -ang pamosong lugar ng mga engkanto sa probinsiya. Kapag pinaunlakan mo ang imbitasyon nila lalo na ang kumain ng itim na kanin, hinding-hindi ka na makakabalik pa sa normal na mundo.


Taong 1988
Brgy. Mangansag, Corcuera, Romblon

Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay. Karanasan ito ng asawa  ng pinsan ng Mama ko--si Tito Jimmy.

Ayon kay tito Jimmy, 15years siya nang maganap ang isang pangyayari na naging malaking dagok sa kanilanh pamilya.

Tandang-tanda pa ni Jimmy ang araw na iyon. Naglalaro sila ng mga pinsan niya  nang mapansin niya na dumating ang kanyang lolo Dado. Alam  na  niya kung anong pakay  nito.

Agad niyang sinalubong ang abuelo at  nagmano rito. " Kaawaan ka ng Diyos, apo. Nasaan si Rosing , nariyan ba?" anang lolo Dado. "Opo Tang, nandiyan po si Mamay sa loob. Hihingi na naman po kayo ng upos kay Mamay, no?"

(Upos--Simara/Corcuera term for tabako na siyang usong-uso noon)

"Ikaw talaga Jimmy, apo, alam na alam mo na ang ipinupunta ko rito." ang natutuwang sagot  ng matanda. Tnapik muna siya  nito sa balikat bago tinungo ang pinto  ng bahay nila.

Itinuloy  naman  ni Jimmy ang pakikipaglaro sa mga pinsan niya. Hindi nila namalayan ang pagtakbo ng oras.

" Uy mga bata, tama na iyan. Hanagob na, magsiuwi na kayo sa mga bahay niyo. Jimmy, puntahan mo ang Tatang mo at kakain na tayo."

Nakinig ang mga bata kabilang na si Jimmy. Agad siyang tumalima upang sundin ang utos  ng kanyang Mamay Rosing. Pero nagtaka siya dahil wala g tao sa bahay ng lolo niya.

Nagtanong siya sa mga katabing  bahay na mga kamag-anak din nila pero wala rin doon ang matanda.

"O nasaan na ang Tatang mo?"

"E May, wala po roon sa  bahay  niya si Tatang. Nagpunta na rin ako sa mga Angkol Charlie at Angkol Encio pero wala rin doon."

Nagulat si Aling Rosing sa sinabi ng  anak na si Jimmy. Hindi umaalis ng  bahay ang Tatang  niya. Kung umaalis man ito ay kina Charlie at Encio lang pumupunta.

"Saan kaya nagpunta ang matandang iyon? Nagtampo siguro dahil hindi ko nabigyan ng upos. Pero saan  naman kaya naroon iyon?" anang Rosing na kinakausap ang sarili.

"O sige na kumain na tayo. Baka mamaya e  dumating din ang Tatang niyo. Oy Jimmy, maghugas ka muna ng kamay kung anu-ano ang hinawakan niyo sa paglalaro kanina."

"Opo, May."

Tales Of YGWhere stories live. Discover now