IKATLONG MATA NI SAGAN

3 0 0
                                    

IKATLONG MATA NI SAGAN


MAGANDANG UMAGA INGKONG.

 ITAGO NYO NA LANG PO AKO SA PANGALANG SAGAN.

 NAIS KO SANANG IBAHAGI SAYO ANG KWENTO KO TUNGKOL SA AKING NASILAYAN WALONG TAON NA ANG LUMIPAS.. 

TAONG 2013

SIBUGAY, ZAMBOANGA

 HINDI NAMAN ITO TUNGKOL SA MGA ASWANG AT MANGKUKULAM  PERO IBANG-IBA ITO SA AKING MGA NAGING KARANASAN TUNGKOL SA KABABALAGHAN.

AYON SA MGA MANGGAGAMOT NA NARIRITO SA AMIN, MAGING SILA AY  NAPAKADALANG LANG MAKAKITA NG GANONG URI NG NILALANG. ITONG MGA PANAHONG ITO, INGKONG, AY KASALUKUYAN AKONG NASA EDAD DISI OTSO. BATANG-BATA PA AKO  PERO ALAM KO  KUNG MAY KAKAIBA SA  AKING MGA NAKIKITA.

KUNG DI NYO NAITATANONG, MERON AKONG IKATLONG MATA NA KINUMPIRMA NA MISMO NG MGA ALBULARYO DITO SAAMIN. LAHAT NG ALBULARYONG TUMINGIN SAAKIN AY GUMAWA NG RITWAL UPANG LUMITAW ANG AKING IKATLONG MATA.  NORMAL NAMAN ANG PAKIRAMDAM KAPAG MERON KA NITO.. YUN NGA LANG , MAKIKITA MO ANG LAHAT NG MGA NILALANG NA HINDI NASISILAYAN NG MGA ORDINARYONG MGA MATA NG ISANG TAO.

MAHIRAP PARA SA AMING MGA BINIYAYAAN NG IKATLONG MATA ANG GANITONG PANGYAYARI. ANG KARAMIHAN KASI SA AMIN AY NAMAMATAY SA BANGUNGOT, KUNG HINDI NAMAN AY INAATAKE SA PUSO DAHIL SA MGA NILALANG NA  NASISILAYAN. 

 PARA SA AKIN , ANG PAGKAKAROON NG IKATLONG MATA AY TILA ISANG SUMPA. KUNG PWEDE NGA LANG NA MAIPASARA ITO AY GAGAWIN KO. PERO HINDI IYON MAAARI DAHIL MARAMING KAPALIT AT KABAYARAN ANG HINIHINGI SA PAGSASARA NG BIYAYANG GANITO. AYON KASI SA MGA ALBULARYO,  KAPAG IPINASARA KO NANG SAPILITAN ANG AKING IKATLONG MATA, AY MAAARING MAAPEKTUHAN NITO ANG HABA NG AKING BUHAY. KUMBAGA, MAWAWALAN AKO NG ILANG TAONG BUHAY KAPAG PINILIT KO ANG NAIS KONG IYON.

NANG MALAMAN KO IYON, INGKONG ,AY PAUNTI-UNTING TINATANGGAP KO NA LANG ANG KAPALARAN KONG ITO.

ISANG ARAW, HABANG AKO AY NAKAHIGA SA AMING DUYAN AY MERONG KAKAIBANG NILALANG NA BUMISITA SAAKIN.

 NAGMAMASID AKO NG MGA ORAS NA YUN  SA MALAWAK NA PALAYAN HABANG  NAGPAPAANTOK . NANG AKMANG PIPIKIT NA AKO  AY MERONG ISANG MALIIT NA PARANG TAO ANG LUMAPIT SA AKIN. MERON ITONG MGA PAKPAK AT KAYUMANGGI ANG KULAY NG MGA BALAT. TILA SA INSEKTO RIN ANG MALALAKING MATA NG NASABING NILALANG, PURONG ITIM.

NANG MASIPAT KO ANG NILALANG NA YUN AY AGAD NAMAN AKONG NAPAUPO DAHIL SA GULAT . HANGGANG SA ILANG MINUTO LAMANG ANG LUMIPAS AY MERON AKONG NARINIG NA ISANG BOSES SA AKING ISIPAN..

BOSES: MAMAYANG GABI, LUMABAS KA..  LUMABAS KA, MAMAYANG GABI, SAGAN! 

PATULOY KO PA RING NARIRINIG ANG PAGSASALITA NIYA SA AKING ISIPAN HABANG UNTI-UNTING SIYANG LUMALAYO SA AKIN. KAHIT NANG TULUYAN NA SIYANG MAWALA SA AKING PANINGIN AY NARIRINIG KO PA RIN ANG MAHIWAGA NIYANG BOSES SA AKING ISIPAN.

 HINDI NA AKO NATATAKOT SA MGA GANONG NILALANG GAWA NG SANAY NA SANAY NA AKONG. MINSAN NGA AY NAKAKAKITA AKO NG MGA NAGLALAKAD NA TAO NA MGA WALANG ULO. MINSAN NAMAN AY MGA KALULUWA SA DI KALAYUAN NG AMING BAHAY, BIGLA  NA  LANG LUMILITAW SA KALSADA.

ANG PINAKAMALALA NA AKING NASILAYAN, INGKONG, AY ANG BABAENG NAKASABIT SA ISANG BALETE DITO SA AMIN. TUWING SASAPIT ANG GABI AY NASISILAYAN KO ANG NILALANG NA YUN NA ANIMOY MERONG NAKATARAK NA BOLO SA  KANYANG DIBDIB!  DI IYON GUMAGALAW  AT TANGING PAGTITIG LAMANG ANG GINAGAWA SA AKIN.

 HINAHAYAAN KO LANG ANG MGA GANONG URI NG NILALANG GAWA NG HINDI NAMAN NILA AKO GINAGAMBALA MAGING ANG AKING PAMILYA. ANG KINAKATAKUTAN KO LANG TALAGA AY ANG BISITAHIN AKO NG MGA NILALANG NA IYON  SA AKING MGA PANAGINIP.

LABIS KONG IKINAKATAKOT ANG MADAGANAN NG BATIBAT , INGKONG ,DAHIL ALAM KONG TOTOO ANG NILALANG NA YUN. MINSAN NA AKONG NAKAKITA NG GANONG URI NG NILALANG SA AMING BAHAY NA PALAKAD-LAKAD SA AMING SALA. 

NOONG ORAS NA  NA NAKAKITA AKO NG BATIBAT AY HINDI AKO NATULOG SA BUONG MAGDAMAG. AYON KASI SA MGA MANGGAGAMOT NA ANG PINUPUNTIRYA NG BATIBAT AY ANG MGA TAONG MERONG IKATLONG MATA AT LAPITIN NG MGA ELEMENTO.

SUMAPIT ANG GABI NG MISMONG ARAW NA YUN AY NAGING MAAYOS NAMAN ANG MGA  KAGANAPAN SA  AMING BAHAY. MATAPOS NAMING KUMAIN NG HAPUNAN AY AGAD DIN NAMAN AKONG TUMUNGO SAAKING KWARTO UPANG MAHIGA NA.

  MAAGA AKONG NATUTULOG  GAWA NG MARAMI KAMING TINITINDANG KAKANIN SA TUWING UMAGA. YUN LANG DIN KASI ANG ALAM NAMING TRABAHO UPANG MAIRAOS ANG ARAW-ARAW NA PANGANGAILANGAN  NG AMING PAMILYA .

 HABANG AKO AY NAKAHIGA AY HALOS HINDI AKO MAPAKALI SA AKING KATRE. GINAWA KO NA ANG LAHAT PARA MAKATULOG PERO HINDI TALAGA AKO DINADALAW NG ANTOK. ILANG MINUTO PA ANG LUMIPAS AY BIGLA AKONG NATIGILAN SA AKING PAGKAKAHIGA. MERON KASI AKONG NARINIG NA BOSES NOONG MGA ORAS NA YUN NA NAGSASABI NG

BOSES: LUMABAS KA.... LUMABAS KA!

MARAHAS  KONG NILAGYAN NG UNAN ANG AKING TENGA UPANG HINDI KO NA MARINIG ANG TINIG NA YUN.. PERO KAHIT ANONG GAWIN KO AY HINDI PA RIN IYON  TUMITIGIL,  KAYA ANG GINAWA KO AY SINUNOD KO NA LAMANG ANG NAIS NG NILALANG NA YUN PARA NAMAN AY MATAHIMIK NA.

PAGLABAS KO NG AKING SILID AY AGAD NAMAN AKONG TUMUNGO SA KWARTO NG AKING MGA MAGULANG UPANG MAGPAALAM NA LALABAS MUNA AKO SAGLIT.

 NANAY: BASTA BUMALIK KAAGAD, HA, SAGAN. HUWAG KANG MAGPAPAGABI DYAN SA LABAS.. TSAKA DYAN KA LANG SA MAY BAKURAN. TITINGNAN KITA MAMAYA. 

MATAPOS KONG MAKAPAGPAALAM AY AGAD DIN NAMAN AKONG LUMABAS NG AMING TAHANAN. SINARADO KO LANG NG KONTE ANG AMING PINTO UPANG HINDI IYON MAPASUKAN NG MGA INSEKTONG LUMILIPAD-LIPAD SA LABAS NG AMING BAHAY.

 HABANG AKO AY NAKAUPO SA AMING BAKURAN AY PATINGIN-TINGIN PA AKO NOON SA KALANGITAN. NAPAKARAMI KASING BITUIN NG MGA ORAS NA YUN KAYA WILING-WILI AKO SA PAGSIPAT SA MGA IYON.

 HANGGANG SA MAKALIPAS LAMANG ANG ILANG MINUTO AY BIGLANG MERONG ISANG MALAKING IBON ANG DUMAAN SA ITAAS NG AMING BAHAY. SA IBABAW NAMAN NG IBONG IYON AY MERONG ISANG BABAENG NAG-IIWAN NG LIWANAG NA SYANG LABIS KONG IKINAMANGHA!

NANG MAKITA KO IYON  AY AGAD  AKONG KUMARIPAS NG TAKBO PAPASOK NG BAHAY NAMIN  HANGGANG SA MARATING KO ANG AKING SILID. DI KO ALAM KUNG ANONG NILALANG ANG DALAWANG IYON GAWA NG IYON ANG UNANG PAGKAKATAON NA MASILAYAN KO ANG  KAGAYA NILA.

NATAKOT AKO BIGLA  SA KADAHILANANG NAPAKALAKI NG IBONG SINASAKYAN NG BABAE   KUNG SUSUMAHIN AY KAYANG KAININ NG IBON NA YUN NG BUO ANG AMING  BAHAY!

UMIPAS ANG ISANG ORAS, INGKONG ,HINDI KO NA NAMALAYANG NAKATULOG AKO SA PAG-IISIP SA MGA KAKAIBANG NAGAGANAP SA PALIGID. KINAUMAGAHAN , WALA NA AKONG NARIRINIG NA BOSES SA AKING ISIPAN. ANIMOY NATAPOS NA NG NILALANG NA YUN ANG KANYANG NAIS IPAKITA SA AKIN. MARAHIL AY MAYROONG DAHILAN AT MAY KINALAMAN IYON SA MGA MARARANASAN KO PA SA MGA SUSUNOD NA TAON NG AKING BUHAY.

 MAPAHANGGANG SA NGAYON INGKONG AY PALAISIPAN PA RIN SA AKIN KUNG ANONG URI NG NILALANG ANG MGA  IYON.

MAGING ANG MGA TAONG PINAGSABIHAN KO NG TUNGKOL DOON, AY WALANG MAKAPAGSABI SA PAGKAKAKILANLAN NG DALAWANG NILALANG, NA AKING NASIPAT SA LABAS NG AMING BAHAY.

MINSAN NGA, INGKONG ,NAPAGKAKAMALAN NA AKONG BALIW DAHIL SA PINIPILIT KO ANG IBA NA PANIWALAAN  ANG AKING MGA NAKITA.

 KAYA NANG LUMAON, NATUTO NA AKO, INGKONG. MAS PINILI KO NA LAMANG NA ITAGO ANG LAHAT NG AKING MGA NAKIKITA DAHIL WALA RIN NAMANG NANINIWALA.

MARAMI PA AKONG KWENTO SAYO, INGKONG, KAYA ABANG-ABANG LANG.

 MARAMING SALAMAT.. UMAASA AKO NA SANAY MARINIG KO ANG KWENTO KONG ITO SA CHANNEL MO.

SO:

Merina Las Culacha

Jordan Gabiaso

Bethlisa

Itachi Kun

Andrea Coronel

Opaw Opaw

Renelda Mercadal

Charles Jordan San Jose

Janus Guiang

Chacha Salazar

PhabPhab Jai

Emelita De Leon

Alfie Peralta


Tales Of YGWhere stories live. Discover now