CDL

6 0 0
                                    

CASA  DE LIGAYA 1

Author: Ythela Garcia




Teaser: (for fb caption sa promotion)

Free cheese is always available on mouse's trap..at si Amanda ay maihahambing sa isang marupok  na daga. Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag nahulog siya sa patibong ng pusa?

Dear Ms. Jolly (or Ms. X po ba?)

Itago nyo na lamang po ako sa pangalang Amanda. Mas kilala bilang  "Mandy".

29 years old  at kasalukuyang nakatira sa Lopez, Quezon. 

Nais ko sanang ibahagi sa inyo ang aking hindi malilimutang karanasan at sana ay kapulutan ito  ng aral ng iyong mga tagapakinig.

2018
Batangas

PROBLEMADO ako habang nakaupo sa isang silya malapit sa Ferris Wheel. Normal na tanawin na sa akin ang mga batang naglalaro at naghahabulan sa parang tuwing hapon. Dito rin nakapwesto ang Perya kung saan kami nagtatrabaho ng kinakasama kong si Loki. 

Palipat-lipat kami  ng lugar kung saan may pyestahan. Ngayon lamang kami nakarating sa lugar. Mababait naman ang mga tao at madaling pakisamahan.

Pero halos hindi ko  nakikita ang mga nasa paligid. Tila tumatagos ang tingin ko sa kawalan. Napakarami kasing bagay ang gumugulo sa aking isipan. Halos isang linggo ng mahina ang kita sa perya. Nakapanlulumo lang dahil kung dati kumikita kami ni Loki ng 700 a day,   ngayon ay nasa 300 na lamang ang kita namin at kung minamalas pa minsan ay wala kaming kita.

Hindi ko naman kabisado ang lugar kaya wala akong mahanap na pwede sanang sideline para pantustos sa pang araw-araw naming pangangailangan.

Sawang-sawa na ako sa instant noodles at delata, sa totoo lang. Isang beses sa isang linggo na lamang kung makatikim ako ng matinong pagkain at hindi ako sanay sa ganitong buhay.

Bigla akong napabuntunghininga ng malalim nang maalala ko si William at ang anak naming si Winston...

Mandy: (Halos pabulong at malungkot ang boses) Kumusta na kaya ang mag-ama ko? Lalong-lalo na si Winston? Miss na miss na kita, anak...sana mapatawad mo si Mama kung iniwan ko kayo para sumama kay Loki...

Hindi ko  napigilan  ang pagtulo ng luha sa aking pisngi dahil sa biglang pagkirot ng aking dibdib. Pero natigilan ako at agad na pinahid ang mga luha ko nang marinig ko ang malakas na pagtawag sken ni Loki.

MALAPAD ang ngiti nya nang pumasok ako sa kwartong tinutuluyan namin pansamantala. April pa lang at aabutin kami ng Hunyo sa lugar dahil magkaiba raw ang selebrasyon ng pista kada sitio ng barangay Aroma.

Loki: May good news ako sa'yo mahal!

May nahanap na ako na pwede mong pasukan. Malaki ang kita! Ako na ang bahala sa mga trabaho mo rito sa perya.

Mandy: S-saan naman yan, mahal?

Loki: Sa Casa! Casa De Ligaya, Mandy! Sigurado akong kapag nakita ka ng may-ari, tanggap ka na agad. Sa ganda at seksi ba naman ng mahal ko, tiyak na malaking pera ang ipapasok mo sa Casa!

Pagkarinig sa sinabi ni Loki ay naglaho ang pagkasabik na nararamdaman ko kanina. Napalitan iyon ng pagkadismaya at panliliit ko sa aking sarili. Ni minsan ay hindi ko pinangarap na magtrabaho sa ganoong klase ng lugar. 

Mandy: Huwag mong sabihing...p-pumayag ka??

Agad napawi ang ngiti ni Loki pagkakita sa naging ekspresyon ko. Mababakas ang guilt sa mukha nya.

Mandy: Tangina naman, Loki! Sa dami ng pwede kong pasukan, bakit 'yan pa napili mo?! Oo, nangaliwa ako...sumama ako sa'yo at iniwan ko ang mag-ama ko. Pero Loki, HINDI AKO PUTA! Naggawa ko lang iyon dahil mahal kita!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tales Of YGWhere stories live. Discover now