LOLO ETAL 3 (ANG MAMPUPUGOT)

8 0 0
                                    

Ang kabataan ay isa sa pinakamahalagang parte ng buhay ng isang tao. Ito iyong panahon na puno ng masasayang alalala. Mga sandaling wala pang problema. Basta makapaglaro kasama ang mga kaibigan sobrang sapat na.

Ayon kay Lolo Etal...naranasan niya rin halos lahat iyan. Pero hindi puro saya..dahil nga may mga naging karanasan din siya na hindi ordinaryo at maaaring hindi paniwalaan ng iba. Pero totoo...

16 taong gulang si Lolo Etal nang maganap ang isa na namang nakakahadlok (nakakatakot) na pangyayari... at ito ay isa rin sa hindi niya malilimutang karanasan kung saan kasama niya ang lolo ko- ang nakatatanda niyang kapatid na si Lolo Arturo.

Taong 1981
Sitio Sohotton

"O Arturo , ikaw na ang bahala dito sa bayay. Kami ay pa- uma (pabukid) na ng Tatang mo. Nakapagluto na ako ng nilagang balinghoy para sa pamahaw (almusal). Nainit ko na rin ang tirang pinangat na isra(isda) kagabi. May asukar (asukal) diyan kung sakali ayaw nyo mag-ulam ng isra." mahabang litanya ng kanilang ina na kasalukuyang naghahanda sa pag-alis.

" Iyong bilin namin ng Nanang niyo wag mong kalilimutan, ha." wika naman ng kanilang ama.

Mahigpit na bilin nila sa mga anak na sina Arturo at Etal na huwag na huwag  pupunta sa dagat. Lalo na kung wala kasamang nakatatanda.

"Opo Nang, Tang. Ako na po ang bahala rito sa bayay. Maglilinis po muna ako habang tulog pa si bunso. Sabay na po kaming kakain ng pamahaw. Ingat po kayo." sagot ko sa kanila.

Nang makaalis ang mga magulang ay sinimulan  na ni Arturo ang paglilinis. Inuna niyang walisan ang kanilang bakuran. Diniligan niya rin ang mga tanim sa palibot ng kanilang bahay. May atis, papaya, mangga, talong, okra, sili at kalabasa. Malaking tulong rin ang mga ito sa kanila  dahil dito nanggagaling ang kanilang  suplay ng gulay.

Alas siete y media na nang magising ang kapatid niyang  si Etal. Masaya nilang pinagsaluhan ang almusal na inianda ng kanilang butihing ina.

Noon kasi, dito  sa probinsya halos isang beses lang kami makatikim ng kanin sa isang araw. Kung minsan hindi pa nga, eh. Mas madalas na nilagang balinghoy o kamote, nilagang saging, bualaw na mais at suman. Kung minsan giniling na mais iyong pinaka-kanin namin.

Pero dahil sanay na kami at ito na iyong aming kinagisnan hindi kami nagrereklamo. Kung ano ang nasa hapag pinasasalamatan namin ang nasa itaas.

" Manong Turing, sina Toto nasa liwas!" masayang balita ni Etal kay Arturo. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinagkainan nila.

Itinigil niya muna ang ginagawa at magkasunod silang  lumabas ng bahay. Naroon nga si Toto kasama ang mga pinsan nila at iba pang mga kaibigan.

" Manong Turing , Etal, paragat kami ngayon. Masarap lumangoy at taob. Tara!" masayang yaya ni Toto sa kanila.

'Naku, hindi kami pwede, To, eh. Kabilin-bilinan nina Tatang na huwag kaming pupunta sa ragat. Di ba ganoon din ang sabi sa inyo ng mga magulang nyo?" sagot ni Arturo.

"Oo nga To, baka dumating ang mga mampupugot at mahuli tayo. Tapos gavawin tayong bihag. Tapos pupugutan tayo ng ulo!" sang-ayon naman ni Etal.

" Naku tinatakot lang nila tayo. Kayo naman nagpapaniwala. Hindi naman talaga totoo iyon. E di sana may nakuha na dito sa lugar natin." wika ni Toto pagkatapos ay ngumisi.

" Kung ayaw nyo e di kami na lang. Tara na mga kasama. Duwag naman pala ang mga iyan eh!" asar pa ni Toto sa kanila.

" Dumaan muna tayo sa manggahan sa parang. Kuha tayo ng manggang babaunin natin, To." suhestiyon naman ng pinsan nilang si Rene. Pagkatapos ay umalis na ang mga ito.

Tales Of YGOnde histórias criam vida. Descubra agora