Mang Kulas

3 0 0
                                    

Bilisan mo , Piling . Isarado mo na agad ang tarangkahan at baka nasundan ako ng aswang!

1978
( Hindi ko na babanggitin ang eksaktong lugar )

Tawagin niyo na lamang akong Rodelio. Nais kong ibahagi ang aking karanasan tungkol sa isa sa pinakakilala , at hanggang sa kasalukuyang panahon ay patuloy pa ring kinatatakutan --- ang mga 
aswang!

Nagsimula ang mga kakaibang engkwentro ko sa aswang noong nasa probinsya pa lamang kami ng aking mga magulang . Doon ako isinilang , nagkaisip , nagkaroon ng kaibigan at nag-aral . Halos kalahati ng buhay ko ay doon ko ginugol .

Mahirap man ang buhay na aking kinagisnan ay nagpapasalamat ako sa Maykapal , dahil natutunan ko  sa murang edad pa lamang  ang pahalagahan maging ang mga simpleng bagay .

Malayo man kami sa teknolohiya at kabishanan , nabubuhay naman kami noon ng masaya at malaya . Katulad ng mga ibong malayang lumilipad habang sumasabay sa agos ng buhay .

Busog din kami noon sa pagmamahal at pangaral mula sa aming mga magulang .

Lima kaming magkakapatid at ako ang panganay . Kaya naman ako ang madalas na kasama noon ng aming Tatay sa pangingisda . Tumutulong din ako sa kanila ni Nanay sa bukid kapag walang pasok sa eskwelahan.

Kasama ko naman ang sumunod sa akin na si Ricardo sa pangangahoy , pag-aasikaso ng mga alaga naming hayop at pag-iigib .

Kung ngayon ay sagana sa malaking halaga  ng pera na baon ang mga mag-aaral , kami noon ay masayang-masaya na basta mayroon kaming baong nilagang kamote , balinghoy , saging , sinangag na mais , mani at kung anu-ano pang mga pagkaing probinsya .

At ang pinakamasarap na inumin noon sa amin at paboritong-paborito nina Tatay ay ang tuba . Tuwing hapon ay inuutusan niya akong bumili doon sa kumpare niya ng isang pitsel na tuba . Kung minsan , magkasalo sila ni Nanay sa pag-inom . Pantanggal pagod sa maghapong pagtatrabaho nila sa para sa aming pamilya.

Tandang-tanda ko pa noong minsang palihim akong tumikim ng tuba . Napakatamis pala ! Kaya pala gustong-gusto nila at kahit araw-araw nilang inumin ay hindi sila nagsasawa sa lasa .

Isang gabi , naalimpungatan ako nang makarinig  ako ng ingay na tila ba may sumisigaw . Hinihintay ko noon ang pag-uwi ni Tatay galing sa kumpare niya kaya lamang ay hindi ko namalayan na nakatulog  pala ako habang nakasubsob ang mukha sa lamesa.

Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Tatay , tila ba humahangos at parang takot na takot .

Tatay: Bilisan mo , Piling . Isarado mo na agad ang tarangkahan at baka nasundan ako ng aswang !

Nakalapit na ako noon sa kanila at labis ang pagkasindak na aking nadama nang marinig ang tinuran ng aking ama. Pero mas doble ang pagkagulat ni Nanay at halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan . Kaya dali-dali kong tinungo ang tarangkahan at mabilis iyong sinaraduhan .

Tatay: Hayop na aswang yon! Nag-anyong baka pa at sinayawan ako , akala siguro ng lintik na iyon ay lasing na lasing ako sa tuba .

Ikinuwento sa amin ni Tatay na kaya siya ginabi ng uwi ay napasarap daw ang inuman nila ng kumpare niya . Pero dahil sanay na siya  ay hindi na agad nalalasing lalo na sa tuba .

No'ng pauwi na raw siya ay naramdaman niyang parang may sumusunod sa kaniya . At hindi nga siya nagkamali nang bigla siyang lumingon , karimlan lang ang sumalubong sa kanya , pero nang magpapapatuloy na sana siyang muli sa paglalakad ay biglang humarang sa kanya ang isang baka !

Natural na nagulat siya at nagtaka . Imposibleng may ligaw na bakang nakawala sa tali ng ganoong dis oras na ng gabi . Kinabahan daw si tatay  nang tila hindi umaalis ang baka at nanatiling nakaharang sa daraanan niya .

Tales Of YGWhere stories live. Discover now