T9

3 0 0
                                    


T A G A P A G M A N A    lX

(Ang Pagtutuos at Mga Rebelasyon)

*Exclusively Written For Ingkong*

 Gulong-gulo ang isip ni Xandro dahil sa mga ipinagtapat sa kanya ni Mang Celso ngunit hindi niya pa rin kayang paniwalaan na si Roma ay masamang tao. . . na ito rin iyong Romang nagdulot ng matinding pighati sa pamilya niya. Na ang pinakamamahal niyang si Roma ay isang. . . halimaw!

 Sa ilang buwang pagbisita niya sa bahay namin ay wala naman siyang napansing palatandaan ng pagiging aswang ng aming pamilya. At mabait ang nobya niya, kaya nga siya nahulog dito. Busilak ang puso ni Roma at hinding-hindi nito magagawang manakit ng ibang tao.

Xandro : P-pero paano nga kung tama si Tatay? Paano nga kung . . . ? Hindi! Hindi ko dapat pagdudahan si Roma. Mahal ko siya at alam kong mahal din niya ako! Ipaglalaban ko siya sa pamilya ko anuman ang mangyari!

 Ipinagpatuloy pa rin ni Xandro ang pakikipagkita sa kapatid ko  sa kabila ng mga babala ng kanyang ama. Laking pasasalamat na rin niya dahil hindi na siya muling kinausap ni  Mang Celso tungkol kay Roma.

Ang buong akala ng binata,  natauhan ang Tatay niya at napagtantong kamukha lang talaga ng kanyang nobya ang Romang dumayo noon sa kanilang probinsya. Walang kamalay-malay si Xandro na lihim pala siyang sinusundan ni Mang Celso.

Celso : Kung ganoon, diyan ka pala nagtatago, Roma! Sige lang, magpakasaya ka. . . sulitin mo na ang mga natitira mong oras dito sa mundo... habang pinaghahandaan ko ang nalalapit na katapusan mo!

Matapos matunton ni  Mang Celso ang tinitirhan namin,  pinaghandaan niyang mabuti kung paano tatapusin ang buhay ng aking kapatid.  Wala nang makakapigil sa balak niyang paniningil sa kaaway niyang mortal . . . na matindi ang paniniwala niyang walang iba kundi ang kapatid kong nobya ng anak niyang si Xandro!

Celso : Maipaghihiganti ko na rin kayo, mga anak ko! Aida. . . Ana! Malapit ng magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ninyo!

(BG Music)

 Laking gulat ni Xandro ng isang araw ay sabihan siya ng amang si  Mang Celso na gusto na nitong mamanhikan sila kay Roma.

Xandro : P-pero Tay. . . nag-aaral pa ho si Roma. May usapan kaming magtatapos muna siya at tutulong sa pamilya niya bago kami magpakasal. 

Celso : Ano ka ba anak. Hindi naman porket namanhikan tayo ay magpapakasal na kayo. Baka kasi makawala pa iyang nobya mo. Kaya mabuti na iyong sigurado. Isa pa, samantalahin mo na ang pagkakataong malakas pa ang lola mo para mabasbasan din niya kayo. . .

 Nagtataka man sa biglang ikinilos at biglang desisyon ng ama, natuwa na rin si Xandro sa pag-aakalang sinsero ang amang si Mang  Celso sa balak nito. Kaya naman agad niyang ipinaalam sa amin ang balak nilang pamamanhikan.

Hindi sana kami papayag dahil sa susunod na kabilugan ng buwan pala iyon magaganap. Kaya lamang ay ayaw naming maghinala si Xandro at ang kanyang pamilya.

Inilihim sa amin ni Roma ang tungkol sa nangyari noong ipinakilala siya ni Xandro sa pamilya nito. Ganunpaman, noong araw ng pamamanhikan ay may naramdaman akong kakaiba sa aming mga bisita, lalo na sa ama ni Xandro. Madalas ko siyang mahuling tila matalim ang pagkakatitig sa aming bunsong kapatid.

Alam kong masamang mag-isip ng masama sa kapwa pero nakaramdam talaga ako ng hindi maipaliwanag na kaba. . . at mas lalo ko  pang ipinagtaka ay ng hindi harapin ni Nanang Romancita ang aming mga bisita. Nanatili lamang siyang nakakulong sa silid nila ni Roma.

Roma : N-nong. . . Paano kung makita nila ako mamaya kapag inatake ako ng pagiging ----.

Carling : Huwag kang mag-alala, Roma. Nandito lang kami, hinding-hindi ka namin pababayaan, pipilitin naming maitaboy na sila pauwi bago pa tuluyang lumabas ang buwan.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now