TIYANAK SA LUMANG BAHAY

6 0 0
                                    

  Ang TIYANAK -(tianak o tianac) ay isang nilalang na nasa mitolohiya ng Pilipinas. Ito ay gumagaya ng anyo ng isang bata. Karaniwang hinuhubog nila ang sarili bilang isang sanggol at umiiyak ito upang makahikayat ng mga walang kamalay- malay na manlalakbay.

Kapag dinampot ito ay magbabalik sa tunay na kaanyuhan at aatakihin bigla  ang may hawak sa kanya. Bukod sa paglaslas sa biktima, natutuwa rin ang tiyanak  pagliligaw ng landas ng mga manlalakbay o pagdukot sa mga bata.

2001
Brgy. Malaya, Pililla, Rizal

Matagal na ring naninirahan ang 45 taong gulang na si Dencio sa Malaya kasama ang kanyang asawang si Lisa. Mayroon silang dalawang anak, ang panganay na si Dylan at ang bunso nilang si Aina.

Katabi ng bahay nila ang isa pang bahay na ang dating nakatira ay pinsan niya. Kaso nung nagkaasawa ito ay doon na nanirahan sa Mindoro.
Ibinilin sa kanila ng pinsan niya na tingnan tingnan ang bahay nitong naiwan para may matutuluyan sila kapag  naibigan na magbakasyon ito ng Rizal kasama ang pamilya.

Kung tawagin nila Dencio iyon ay lumang bahay. Bukod kasi sa sinauna talaga ang yari ay halatang abandonado na iyon. Mayroong dalawang kwarto pero walang ilaw kahit sa banyo. Hindi naman niya maipaayos dahil eksaskto lang din sa pamilya niya ang kanyang kinikita..kung minsan nga ay kulang pa.

Nagtatrabaho si Dencio bilang mason sa konstruksyon. Ang asawa naman niyang si Lisa ay nasa bahay lamang at siya ang nag- aasikaso sa lahat doon lalo na at kapwa nag- aaral pa ang mga anak nila.

Walang sariling banyo sa bahay nina Dencio at dumadayo pa sila sa lumang bahay para maligo at mag- cr.

Isang gabi ng Martes, nagigising siya dahil nakaramdam na naiihi. Medyo nakainom siya dahil nagyaya ang katrabaho niya bago umuwi na tumagay muna sila kahit 1 bote lang ng kwatro kantos. Kaya medyo gumegewang siya habang naglalakad papunta  banyo sa lumang bahay.

Nakapikit pa siya habang umiihi dahil sa sobrang antok...pero napamulat siya nang bigla ay may marinig siyang ingay..tila ba iyon mga yabag at nagmumula sa isang kwarto sa bahay na iyon.

  Nagtaka siya at tila nagising ang diwa..malalim na ang gabi..sa tantiya niya ay malapit ng mag- alas dose. Kaya nagtataka siya dahil kasarapan na ng tulog kapag ganoong oras.

Nawala naman ang ingay kaya naisip niya na baka halusinasyon lamang niya iyon. Marahil ay dala lamang ng kalasingan.

Pero nang matapos na siya sa pag- ihi  ay nakaramdam siya na parang may tao sa likuran niya. Agad niyang kinapa ang lighter na nasa bulsa ng pantalon niya. Hindi na siya nakapagpalit ng damit pambahay dahil nahihilo na siya ng umuwi galing sa trabaho.

Nang mabuhay na niya ang ilaw ng lighter ay may naaninag siya na parang anino...anino ng bata!

Nagtaka siya kung bakit may anino ng bata eh wala namang tao sa lumang bahay. Ang mga anak naman niya ay mga binatimay at dalagita na...at mahimbing na ang tulog sa bahay nila.

Pero naisip rin niya na baka anak iyon ng kapitbahay na naligaw doon para maglaro tapos ay nakatulog kaya inabot ng gabi.

Nang akmang lilingunin niya na ito ay biglang namatay ang apoy ng lighter na hawak niya.

"Teka..ba't namatay? Wala namang kahangin- hangin, ah.." takang tanong niya sa sarili.

Muling naisip ni Dencio na baka epekto lang talaga ng kalasingan niya ang mga nangyayari sa kanya. Pagkatapos ayusin ang pantalon ay handa na siyang bumalik sa bahay nila...kaso nung malapit na siya  pintuan ay may nakita siyang bata na na nakatayo roon.

Hindi na iyon anino lang kundi totoong bata na talaga..pero hindi niya gaanong maaninag ang hitsura dahil nga walang ilaw sa lumang bahay.

Sa tantiya niya ay nasa 4 taong gulang ang batang nasa harapan niya at isa itong lalaki.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now