MAHIWAGANG SUMBRERO

2 0 0
                                    


MAGANDANG ARAW,  INGKONG!

ITAGO NYO NALANG PO AKO SA PANGALANG MONING. NAIS KO SANANG IBAHAGI SA'YO ANG AKING SARILING KARANASAN. TANDA KO PA ANG TAON, INGKONG,  SA KADAHILANANG IPINANGANAK SA TAONG IYON  ANG AKING BUNSO.

TAONG 1999
ILOILO

DI KO NA PO  BABANGGITIN ANG EKSAKTONG LUGAR GAWA NG MARAMI RIN SA MGA TAGAPAKINIG MO ANG NANINIRAHAN DITO SA AMIN.  AYOKONG MALAMAN NILA NA NAGPADALA AKO NG KWENTO SA'YO KAYA MAS MAINAM NA MANATILING MISTERYO PARA SA IYONG MGA TAGAPAKINIG ANG MISMONG LOKASYON NG KWENTO.

SA PAGKAKATANDA KO , INGKONG , ARAW IYON NG HUWEBES. NASA BAHAY LANG AKO SA KADAHILANANG AYAW AKONG PATRABAHUIN NG MISTER KO. MAS KAILANGAN KASI AKO SA BAHAY PARA MAG-ASIKASO LALO PA AT TATLO ANG AMING ANAK.

MAGBABANDANG ALAS TRES NG HAPON NOON.. ABALA AKO SA PAGLILINIS NG  MGA GAMIT DITO SA AMING TAHANAN. ANG MGA ANAK KO NAMAN NOONG MGA ORAS NA YUN AY NAGLALARO LAMANG SA LABAS NG AMING BAHAY.

KARGA-KARGA NG PANGANAY KONG SI  SANDI (11)  ANG AKING BUNSONG ANAK  NA NOON AY NASA LIMANG BUWANG GULANG PA LAMANG.

HABANG AKO AY NAGLILINIS , MERON AKONG NASIPAT NA ISANG SUMBRERONG NAPAKALIIT!  NAKALAGAY LANG IYON SA ILALIM NG AMING KUSINA AT NAPAPALIBUTAN NA NG ALIKABOK. ANG BUONG AKALA KO SA SUMBRERONG IYON  AY KASUOTAN LAMANG NG MANIKANG BINILI NAMIN NG ASAWA KO PARA SA PANGATLO NAMING ANAK NA BABAE.

DALI-DALI KO NAMANG KINUHA ANG SUMBRERONG IYON AT INILAGAY SA IBABAW APARADOR DOON SA AMING SALA. MATAPOS NUN AY AGAD DIN NAMAN AKONG BUMALIK SA AKING GINAGAWA. PAGBALING KO SA  KALAN NA SYANG SUNOD  KO DAPAT  LILINISIN,  HALOS MAMATAY AKO SA TAKOT DAHIL SAAKING NASILAYAN SA LIKOD NG KALAN!

MANIWALA KAYO O HINDI, MERON AKONG NAKITANG APAT NA DUWENDENG PULA NA MERONG PASAN-PASANG INSEKTO! DI KO MAWARI KUNG ANONG INSEKTO ANG PASAN NG MGA IYON DAHIL SA PAGKAGULAT KO. ANG NARAMDAMAN KO KASI NOONG MGA ORAS NA YUN AY TAKOT NA MAY HALONG PAGKAMANGHA.

'DI KO  SUKAT AKALAING MAKAKAKITA AKO NG GANOONG NILALANG  SA LOOB NG AMING TAHANAN. NANG MARINIG NG MGA ANAK KO ANG INGAY NA AKING NAGAWA AY AGAD NAMANG NAGSIPASOK ANG MGA IYON UPANG TINGNAN ANG AKING KALAGAYAN.

SANDI: NAY! NAPA'NO KA PO?!

NADATNAN AKO NI SANDI NA  NAKAUPO SA SAHIG, TULALA AT NANGINGINIG. INALOG-ALOG PA AKO NG AKING ANAK NOONG MGA ORAS NA YUN UPANG MAHIMASMASAN.

NANG PAUNTI-UNTING BUMALIK NA SA NORMAL ANG AKING PAKIRAMDAM AY AGAD NAMAN AKO NITONG PINAINOM NG MALIGAMGAM NA TUBIG. NGUNIT KAHIT ANONG PANGUNGUSAP NG MGA ANAK KO SA AKIN NOONG MGA ORAS NA YUN AY HINDI KO NAGAWANG SAGUTIN .

MAGING ANG ASAWA KO AY HINDI AKO MAKAUSAP KAYA SA  LABIS NA PAG-AALALA NILA SA AKING KALAGAYAN , AGAD NILANG PINUNTAHAN ANG ISANG ALBULARYO DITO SA AMIN NA ITAGO NALANG NATIN SA PANGALANG TATAY LEBI.

PAGDATING NI NG MATANDA SA AMING BAHAY AY AGAD NAMAN ITONG LUMAPIT SA AKIN AT NAGWIKA...

LEBI : MERON KA BANG NAKITANG KAKAIBA?!

MONING: OO TAY LEBI, M-MGA D-DUWENDE ! MGA D-DUWENDE!!!

NANLALAKI ANG MGA MATANG SAGOT KO SA KANYA. NABABALOT AKO NOON NG MAGKAHALONG  KILABOT AT PAGKAMANGHA.

NANG MARINIG IYON  NI TATAY LEBI AY AGAD NAMAN SIYANG  KUMUHA NG KANDILA HABANG NAG-UUSAL NG MGA KATAGANG TANGING SIYA LAMANG ANG NAKAUUNAWA.

KUMUHA RIN SIYA NG PINGGAN AT ISANG KUTSARANG LANA. INILAGAY NG MATANDA ANG LANANG IYON SA PLATO AT SINUNOG  GAMIT ANG KANDILA HABANG NAG-UUSAL PA RIN . AKO NAMAN NOONG MGA ORAS NA YUN AY TINAKPAN NG MAITIM NA TELA  SA HINDI KO MALAMANG KADAHILANAN..

AYON KAY TATAY LEBI, ANG GINAWA NYANG IYON AY PARA MAKUMPIRMA KUNG ANONG NILALANG ANG AKING MGA NASILAYAN.. 'DI KASI AGAD NANINIWALA ANG MATANDA KAPAG HINDI SYA ANG MISMONG NAKAKITA.

NANG NAKITA NA NYA SA PINGGAN ANG MGA DUWENDE AY DOON SYA NAGWIKA NG

LEBI: MERON KANG KINUHA SA KANILA.. MAAARI KO BANG MALAMAN KONG ANO YUN?

MONING: K-KINUHA!? WALA NAMAN HO AKONG KINUKUHA! NAGLILINIS LANG NAMAN HO AKO.

MATAPOS  IYON AY BIGLANG PUMASOK SA AKING ISIPAN ANG ISANG MALIIT NA SUMBRERO.. DOON KO NAPAGTANTONG MAAARING PAGMAMAY-ARI NG DUWENDE ANG SUMBRERONG AKING NAKITA..

MONING: T-TAY LEBI, MERON HO AKONG NAKITA KANINANG SUMBRERONG MALIIT.. INILAGAY KO HO IYON SA APARADOR!


DAHIL SA SINABI KONG IYON  AY AGAD DIN NAMANG PINUNTAHAN NG MATANDA ANG APARADOR NA AKING TINUTUKOY. NGUNIT SA AKING PAGTATAKA,  PAGTINGIN NYA ROON  AY WALA NAMAN SYANG NAKITANG SUMBRERO. PERO SIGURADO AKONG SA IBABAW  NG APARADOR KO INILAGAY ANG SUMBRERONG NAKITA KO.

AKO NA MISMO ANG LUMAPIT  SA APARADOR  UPANG HANAPIN ANG BAGAY NA IYON NA MAAARING PAG-AARI NGA NG DUWENDE. NGUNIT LAKING GULAT KO DAHIL WALA NA NGA ROON KAHIT BAKAS NG SUMBRERO!

PAULIT-ULIT KONG HINANAP  PERO WALA NA TALAGA! MATAPOS NAMING MABIGO SA PAGHAHANAP AY NAPAGPASIYAHAN NA LAMANG NI TATAY LEBI NA MAG-ALAY NG MGA MATATAMIS PARA SA DUWENDE.

KINAGABIHAN, NAGING NORMAL NAMAN ANG TAGPO SAAMING TAHANAN. IKWINUWENTO KO ANG LAHAT NG AKING KARANASAN SA AKING ASAWA PERO HINDI NAMAN SIYA NANINIWALA SA MGA GANOONG  BAGAY. NAPILITAN LAMANG SIYANG TUMAWAG NG ALBULARYO DAHIL SA UDYOK NG AKING PAMILYA AT MGA KAPITBAHAY.

PAGSAPIT NG TULUGAN AY BIGLANG MERONG DUMALAW SA AKING PANAGINIP.. ISANG MALIIT NA NILALANG ANG KUMAUSAP SA AKIN NA PARA BANG MERON ITONG NAIS IPARATING.

WALANG SUMBRERO ANG NILALANG NA YUN  NA SYANG LABIS KONG IPINAGTAKA.
NAGLALAKAD KAMI NG DUWENDENG WALANG SUMBRERO SA MGA DAMUHAN..

DUWENDE: MONING, SA'YO NA ANG SUMBRERO KO.. PALAGI IYANG NASA BULSA MO KAYA HINDI IYAN MAWAWALA.. PANSIN KO ANG PAGHIHIRAP NG IYONG PAMILYA AT DAHIL BATID KONG MABUTI KANG TAO, KAYA HUWAG KANG MAG-ALALA DAHIL SA MATUTULUNGAN KA NG SUMBRERONG IYAN SA INYONG MGA PANGANGAILANGAN..

NANG MARINIG KO ANG SINABI NG NILALANG NA YUN AY NATULALA AKO AT WALANG NAMUTAWING ANUMANG SALITA MULA SA AKING BIBIG. HANGGANG SA UNTI-UNTI NA AKONG NAGISING..

AGAD  AKONG NAPABALIKWAS NG BANGON NANG MAALALA KO ANG AKING PANAGINIP!  KINAPA KO KAAGAD ANG BULSA NG AKING SUOT AT LAKING GULAT KO  NANG MERON NGA AKONG NAKAPANG MALIIT NA SUMBRERO!

MONING: KUNG GANUN, NAGKATOTOO IYONG PANAGINIP KO?! SALAMAT! MARAMING SALAMAT SA'YO!!! (Naiiyak sa tuwa)

MAGMULA NUNG NAPASAAKIN ANG SUMBRERO NG DUWENDE  AY PALAGI NA AKONG NAKAKAKITA NG MGA DUWENDENG NAGLALAKAD SA LOOB NG AMING BAHAY.. MAGMULA DIN NOON  AY LABIS-LABIS NA SWERTE ANG DUMATING SA AMING BUHAY. NAKAPAGPUNDAR KAMI  NG MALAKING BAHAY AT MGA LUPAIN AT SA WAKAS  NAKARANAS  NA RIN ANG AKING PAMILYA NG KAGINHAWAAN.

NGUNIT PAGKALIPAS  NG WALONG TAON  AY BIGLA NA LANG NAAGNAS ANG SUMBRERONG PALAGING NASA BULSA KO. AYON SA MGA MATATANDA DITO SA AMIN NA MAY ALAM  SA LIHIM NA KARUNUNGAN AY MAAARING NAMATAY NA ANG NAGMAMAY-ARI NG SUMBRERONG HAWAK KO..

MAPAHANGGANG SA NGAYON,  INGKONG , AY HINDING-HINDI KO PARIN MALILIMUTAN NANG MINSAN KONG MASILAYAN ANG ISANG DUWENDE..ANG NILALANG NA NAGBIGAY SA AKIN NG SWERTE AT NAGMAMAY-ARI NG MAHIWAGANG SUMBRERO...

HANGGANG DITO NA LANG PO INGKONG.. MARAMING-MRAMING SALAMAT PO AT MAG-IINGAT PO KAYO PALAGI.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now