LOLA MACARIA (Layog na Aswang)

10 0 0
                                    

Itago nyo na lamang ako sa pangalang Jeffrey. Kasalukuyang naninirahan ngayon dito sa Alabang at nagtatrabaho bilang isang guro.
Nais kong ibahagi ang isa sa mga pinaka hindi ko malilimutang karanasan, noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Isang pangyayari na akala ko ay hindi ko na matatakasan at tuluyan ng kikitil buhay ko at sa buhay ng aking mga minanahal...

sa probinsiya na aking pinagmulan.

1999
Bicol


Grade 5 ako noon at sa probinsya pa kami nakatira. Ipinagbubuntis pa lang ng aking ina ang bunso kong kapatid. Kasama namin sa bahay ang kapatid ng aking ama na si Tito Arman.

Nagsimula ang lahat ng muntik na mabiktima ng layog ang kapitbahay namin na si Mang Fredo.

Ang layog ay ang tawag sa isang uri ng aswang sa Bicol na may pakpak at nakakalipad. Ang ibang layog daw ay walang pakpak ngunit may kapangyarihang lumutang at maglakbay sa ere. Madalas itong mag- abang sa mga bubong para doon maghintay ng mabibiktima!

At ang tinutukoy nilang aswang ay walang iba kundi ang lola ng kaklase kong si Diego, si Lola Macaria.

Nag- iisang apo ni Lola Macaria si Diego. Ang bali- balita ay nagkainitan raw sa inuman ang ama ni Diego na si Mang Delfin at si Mang Fredo.

Maraming ayaw kay Mang Delfin sa barrio namin dahil may taglay itong kayabangan lalo na kapag nakakainom. Madalas itong maghamon ng away. Si Mang Fredo naman ay likas na matapang, wala itong inuurungan lalo na kung ito ay nasa katwiran. Hindi na ito nakapagtimpi noong oras na iyon, sinuntok nito ang mayabang na si Mang Delfin at napuruhan ang huli.

Isang gabi, habang naglalakad pauwi si Mang Fredo ay bigla na lang siyang hinabol ng isang malaki at mabangis na ibon! Nagkandaputol daw ang mga dahon at sanga ng saging sa paghahabulan nila. Hindi nagpadaig sa takot si Mang Fredo at nilakasan ang loob. Ngunit mabilis ang humahabol sa kanya at sa wari niya raw ng mga oras na iyon ay desidido itong mapatay siya.

Naggawa naman niyang takasan ang humahabol sa kanya ngunit nagtamo siya ng mga sugat sanhi ng kalmot at ng kanyang walang habas na pagtakbo.

Nang makarating siya sa bahay nila ay saka pa lamang niya napagtanto na ang humabol sa kanya ay isang aswang. Ang bantog na aswang sa kanilang lugar, ang nanay ni Mang Delfin!

Hindi naman daw maituturing na masamang aswang ang matanda. Kaya lamang ay gumaganti ito kapag napeperwisyo ang kanyang pamilya.

Ang sumunod na naging biktima ni Lola Macaria ay ang Tito Arman ko. Isang gabi raw habang papunta ito sa dagat para mangisda, may nadaanan itong isang nilalang na nakatuwad at nakatingala sa bilog na buwan.

Dahil sa takot ay hindi na ito tumuloy sa dapat ay pupuntahan sa halip ay naghanda na ito para tumakbo palayo sa lugar na iyon, pauwi dito sa bahay namin.

Ngunit sa malas ay naramdaman ng nilalang na iyon ang presensya niya at nakita siya nito. Laking pasasalamat ni Tito noon dahil hindi siya tinangkang habulin ng nilalang na iyon. Malakas ang kanyang paniniwala na ang nakita niya at ang humabol kay Mang Fredo noong nakaraan ay iisa. Ito ay walang iba kundi ang layog na aswang....si Lola Macaria!

Nasundan pa ang engkwentro ni Tito Arman sa aswang ng minsang dumayo sila ng mga kaibigan niya sa karatig- barrio para magsayaw.

Pero sa daan pa lamang papunta roon ay nakaamoy sila ng napakabahong bagay..animo'y ipot ng manok na hindi maipaliwanag. Pagkatapos ay bigla raw umihip ng malakas ang hangin. Nasa gitna sila noon ng kakahuyan. Nakaugalian na sa amin na tuwing aalis ng bahay, lalo na kung gabi na at dadayo sa malayong lugar ay nagdadala ng balisong ang mga kalalakihan.

Natulala silang lahat ng unti- unting magpakita sa harap nila ang isang nilalang na may nakakatakot na mukha! Nakalutang ito sa ere at matalim na matalim ang pagkakatitig sa kanila lalo na raw sa aking Tito Arman. Naisip niya raw noon na marahil ay namukhaan siya ng aswang noong makita niya itong nakatuwad sa daan. Nang maalala niya ang palaging bilin ng aming lola s a kanila ni Papa ay sinigawan niya ang mga kasama para mailigtas din niya ang mga ito.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now