TAGAPAGMANA 5

2 0 0
                                    

T A G A P A G M A N A V

*Exclusively Written For Ingkong*


Hindi ko alam kung lukso ng dugo ba ang dahilan at pinapasok ko ang aming panauhin na nagpapakilala bilang Romancita . Pinaupo ko muna siya sa upuang kawayan sa salas pagkatapos ay nagtimpla ako ng dalawang kape .

Nang bumalik ako sa salas ay nadatnan ko siyang nakatayo sa harapan ng family picture namin . Titig na titig sya roon . . . .

Pinag aralan ko naman ang kanyang hitsura . Nakasuot siya ng lumang blusa at lampas tuhod na saya , na sa tingin ko ay ilang araw na niyang suot .

Nakalugay ang hanggang bewang niyang buhok na mayroon ng ilang puting hibla . Dahil nakatagilid siya , nakikita ko ang kalahating bahagi ng kanyang mukha . Kahawig talaga siya ng aming ina. Halos magkasing katawan din sila . Habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya ay napansin kong mas kamukha pala siya ni Roma.

Romancita : Kanina ka pa ba riyan , hijo ?

Muntik ko ng mabitawan ang dala kong mga tasa ng kape ng dahil sa pagkagulat .

Sasagot sana ako pero hindi ko maibuka ang aking bibig . Kakaiba ang awra niya . Napaisip tuloy ako kung " Katulad din ba siya nina Nanang , Mamay at Roma ? !"

Romancita : Halika, hijo , maupo tayo . . . At hayaan mo akong magpakilala ng lubusan sa'yo . . .

Nang ngumiti siya sa akin ay saka lamang tila napanatag ang kalooban ko . Naalala ko na naman bigla si Mamay. Halos magkatulad din silang ngumiti . . . Ang kaibahan lamang , maraming emosyon ang mababakas sa mga mata ng aming bisita . May naaninag ako roon na lungkot at pangungulila. Sa pamamagitan lamang ng pagtingin ko sa kanyang mga mata, masasabi kong napakarami niyang itinatago .

Kinuha niya ang inabot kong tasa ng kape ngunit ipinatong niya lamang iyon sa lamesita . Titig na titig siya sa akin at dahil doon ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot na nagpatayo ng mg balahibo ko sa katawan .

Romancita : Sana ay mapatawad ninyo ako kung hindi ako nakapunta noong namatay si Manang Conchita . . . pati na rin ang iyong ina , Carlito .

Labis akong nagulat nang sambitin niya ang pangalan ko. Ibig sabihin . . . kilala niya na pala ako ? At alam niya ring wala na sila Mamay at Nanang ?!

Romancita : Oo , Carlito. Matagal ko ng sinusubaybayan kayong magkakapatid. Kahit noong naririto pa si Belen. Kaya lamang ay nahihiya akong magpakita sa kanya. Batid ko kasing malaki ang galit nila dahil sa aking ginawa . . .

Hindi ko alam kung anong itutugon sa kanya . Lalo na at tila nababasa niya ang laman ng aking isipan .

Romancita : Bunsong kapatid ako ni Manang Conchita. Pero halos magkaedad lamang kami ng iyong ina. Nang matuklasan ko noon ang lihim ng ating pamilya , nagpatulong ako sa aking kasintahan upang tumakas !

(BG Music)

(Flashback)

Romancita POV

Bata pa lamang kami ay natuklasan na namin na may lahing aswang ang aming pamilya . Kaya halos wala kaming mga kaibigan noon . Iniiwasan kami ng mga tao. Kaya naging malungkot ang aming kabataan . Nakiusap lamang noon sa paaralan ang aming magulang dahil gustong - gusto naming mag aral.

Ang buong akala noon nina Mamay at Papay ay iisa lang magiging supling nila . . .si Manang Conchita .

Sa kabila ng pagiging bantog na aswang ng aming pamilya , mayroong nagmahal at tumanggap sa Nanang ninyo . Kahit matindi ang naging pagtutol ng mga magulang ng Tatang ninyo sa pag iibigan nila ni Manang Conchita , sa kasalan pa rin humantong ang lahat.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now