SUMPA

3 0 0
                                    

SUMPA


HI INGKONG, ITAGO NYO NA LANG PO AKO SA PANGALANG MANING.. 

NAIS KO SANANG IBAHAGI ANG KWENTO KO SA CHANNEL NYO.. BAGONG-BAGO LANG ITO SA IYONG PANDINIG INGKONG, DAHIL WALA PANG GANITONG KWENTO SA CHANNEL MO.

 ISA NGA PALA AKO SA MGA MASUGID MONG TAGAPAKINIG, HINDI LANG AKO PALA-KOMENTO PERO PALAGI AKONG NAKIKINIG NG MGA INILALABAS MONG KWENTO..

UMPISAHAN NA NATIN ANG ISTORYA—

MERONG SABI-SABING KUMAKALAT DITO SA AMING BARYO NOONG TAONG 1980.. IKINUWENTO LANG ITO SA AKIN NG LOLA KO, INGKONG , KAYA HINDI KO LUBOS AKALAING MAGING AKO AY MARARANASAN ANG GANITONG URI NG PANGYAYARI..

 NAPAKAHIWAGA TALAGA NG ATING MUNDO DAHIL SA MGA NILALANG NA HINDI NATIN ALAM NA NANINIRAHAN KASAMA NATIN.. 

AYON KAY LOLA, NOONG KAPANAHUNAN NYA AY MERONG KUMAKALAT NA KWENTO TUNGKOL SA ISANG LALAKING ISINUMPA SA ISANG ILOG.. SA TUWING SASAPIT ANG KABILUGAN NG BUWAN AY ANG PAG-AHON NG LALAKING IYON UPANG MULING MAGLAKAD SA BARYO NA TINITIRHAN NG LOLA KO , NA SYANG KASALUKUYANG TINITIRHAN KO.. 

ANG LALAKING NAGLALAKAD NA YUN, AYON KAY LOLA, AY ISANG LALAKING ISINUMPA NG KANYANG ASAWANG GINAWAN NYA NG HINDI KAAYA-AYA. NANGALIWA KASI UMANO IYON KAYA WALA NG MAISIP NA GAWIN ANG BABAE KUNG HINDI ANG PARUSAHAN ITO SA PAMAMAGITAN NG LIHIM NA KARUNUNGANG ALAM NG PAMILYA NYA.. 

AT YUN AY ANG PAGSUMPA SA TAO NA MAKULONG SA ISANG ILOG.. WALANG NAKAKAALAM, INGKONG , KUNG SINO ANG LALAKING IYON AT ANG TANGING KUMAKALAT LAMANG AY ANG ISTORYA NIYA.. 

MARAMING SABI-SABI NA KUMAKALAT UKOL DOON PERO ANG PINANINIWALAAN NG HUSTO AY ANG KWENTO NG LOLA KO.. DOON AKO NANIRAHAN  SA PAMAMAHAY NG LOLO’T LOLA KO KAYA ALAM KO ANG UGALI NI LOLA. 

LOLA: ANG PINAKAAYAW KO SA LAHAT AY NaGSISINUNGALING AT GUMAGAWA NG ISTORYA...

GANUN ANG NAKAMULATAN KO SA PAMILYA NAMIN NA HANGGANG NGAYON AY DALA-DALA KO PA.

LOLA: MARAMI NG NAKAKITA SA LALAKING IYON , APO. MINSAN ,NASISIPAT IYON NG MGA LOKAL NA NANINIRAHAN DITO SA ATIN NA NAGLALAKAD NG DIS ORAS NG GABI.. PUNONG-PUNO NG LUMOT AT PUTIK ANG KASUOTAN NIYA AT WALANG HUMPAY  NA HUMIHINGI NG TULONG HABANG NAGLALAKAD.. BAWAT PAGHAKBANG NG PAA KANYANG PAA AY SINASABAYAN  NAMAN NIYA NG PAGSIGAW NG...(LALAKI: TULONG.. T-TULONG...T-TULUNGAN NIYO A-AKO....!)NGUNIT ANG TANGING NAKAKARINIG LAMANG SA KANYA AY IYONG  MGA TAONG MERONG IKATLONG MATA.. MAY MGA MATATANDA NA RIN DITO SA ATIN NA NAGPATUNAY NA TOTOO ANG LALAKING IYON, NA TOTOO ANG SUMPA!

MALIBAN KAY LOLA, MAY ISA PANG NAKAKITA SA LALAKING IYON. SI MANG DOMENG. KATULAD NG LOLA KO, MAY ESPESYAL NA KAKAYAHAN DIN SIYA...  

MANG DOMENG : MINSAN KO NA RING  NAKITA ANG LALAKING IYON, ISANG GABI HABANG  PAUWI AKO  SA AMIN  GALING SA ISANG KASALAN. WALA KASING IBANG DAAN KUNDI DOON SA MAY ILOG.  SANAY NA SANAY NA RIN NAMAN AKONG DUMAAN SA LUGAR NA YUN. NAGKATAON NAMANG KABILUGAN NG BUWAN NOONG MGA PANAHONG IYON. HABANG TUMATAWID  AKO PATUNGO SA KABILANG IBAYO NG ILOG, NAGULANTANG AKO  NG MERONG ISANG LALAKING LUMITAW BIGLA SA DI KALAYUAN NG AKING KINAROROONAN! NAPATIGIL  AKONG BAHAGYA NOONG MGA ORAS NA YUN DAHIL ANG BUONG AKALA KO AY TAONG NAMAMANA LAMANG SA ILOG. 

HINDI NAPANSIN NI MANG DOMENG NOONG MGA ORAS NA YUN NA WALANG NAMAMANA  SA TUWING KABILUGAN NG BUWAN.. NATATAKOT DIN KASI ANG MGA LOKAL DOON NA BAKA LUNURIN SILA NG LALAKING NAPAPABALITANG NAKAKULONG DOON DAHIL SA SUMPA NG KANYANG ASAWA.

 PAGTINGIN NG LALAKI KAY MANG DOMENG AY  SUMIGAW IYON NG

“T-TULOOOONG !”

HABANG NAGLALAKAD PAPALAPIT SA KANYA. NANG MASIPAT  NA MABUTI NI MANG DOMENG NA PARANG MAY KAKAIBA AY AGAD NIYANG BINILISAN PARA MAKAAHON AT PAGKATAPOS AY MABILIS DING KUMARIPAS NG TAKBO.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now