LIHIM NA LAGUSAN

2 0 0
                                    

Nanang Antang: Nakikita mo ba, Pepe, iyong malaking puno sa  baybay? Ilang hakbang mula sa kinalalagyan ng mga baroto?

Pepe: Opo, Nang. B-bakit po? May kinalaman po ba iyon sa ikukuwento ninyo sa akin ngayon?

Nanang: Napakahusay mo talaga, apo. Tama ka, may kaugnayan nga iyon sa naging karanasan ni Eleazar. Sa pampang malapit sa bahay nina Andong, mayroon ding puno na halos katulad na katulad noong nasa baybay. Malakas ang paniniwala ng aking ama na iyon daw ay lihim na lagusan patungo sa ibang dimensyon, kagaya na lamang ng daigdig ng mga kataw at mga encanto!

_______________________________________

Aswang, multo, maligno.  Bahagi na ng kulturang Filipino ang kwentuhang kababalaghan at katatakutan lalo na tuwing sasapit ang Undas.

Mula sa mga pahina ng aklat at mga pelikula at palabas sa telebisyon, at ngayon sa iba't ibang bahagi ng internet, hindi maubos-ubos ang mga kwentong hiwaga at kakaibang nilalang.

Ang ibabahagi ko ngayon sa inyo ay ang isa sa mga pambihirang karanasan ng aking pinsan sa kabilang isla. Kung natatandaan ninyo si  Angkol Andong, iyong tiyuhin kong madalas makasama noon nina Mamay at Angkol Miyong, sa  pabaylihan man o sa trabaho, kwento ito ng anak niyang bunso.

1963
Simara, Romblon
Naunang mag-asawa ang aming ina sa ibang mga pinsan niya. At mula nang magkaroon sila ng kani-kaniyang pamilya, bihira na rin silang magkita-kita.

Si Mamay Consuelo ay naging abala kasama ang aking ama at madalas ay nasa Capiz sila. Si Angkol Andong naman, taga-Mindoro ang ang napangasawa- si Ante Leona. Nonay ang tawag namin sa kanya at halos ng buong pamilya. Nagkaroon sila ni Angkol Andong ng 6 supling. Apat na lalaki at dalawang babae.

Namana ni Angkol Andong ang husay ng Tatang Simon  niya sa pamamana o pangingisda. Ganoon din ang pagiging mahusay sa pagsanggut ng  tuba. Palibhasa ay maraming silang tanim na niyog.

Dahil ibang lugar ang pinagmulan, medyo nahirapan ang aking tiyuhin na pakibagayan ang kanyang esposa. May mga panahon daw kasi noon na sa halip na tulungan siya sa bukid ni Ante Nonay, o kaya ay mag-asikaso sa mga anak nila at sa gawaing bahay, maghapon itong nasa sugalan. Kaya naman nagkaroon ng hinala noon si Angkol Andong na hindi niya anak si Arturo. Ngunit tinanggap na lamang niya ang masakit na katotohanang iyon dahil sa labis na pag-ibig niya sa kanyang asawa.

Nanang Antang: Nakikita mo ba, Pepe, iyong malaking puno sa baybay? Ilang hakbang mula sa kinalalagyan ng mga baroto?

Pepe: Opo, Nang. Bakit po? May kinalaman po ba iyon sa ikukuwento ninyo sa akin ngayon?

Nanang: Napakahusay mo talaga, apo. Tama ka, may kaugnayan nga iyon sa naging karanasan ni Eleazar. Sa pampang malapit sa bahay nina Andong, mayroon ding puno na halos katulad na katulad noong nasa baybay. Malakas ang paniniwala ng aking ama na iyon daw ay lihim na lagusan patungo sa ibang dimensyon, kagaya na lamang ng daigdig ng mga kataw at mga encanto!

Ayon sa aking abuela, bata pa lang daw ang kanyang ama ay may nagpapakita na rito na mga kakaibang nilalang, at isa na roon ang tinatawag nilang Kataw.

Maganda ngunit mapanganib . Iyan ang paglalarawan ng mga Cebuano at Hiligaynon sa Kataw. Kalahating tao, kalahating isda. Mas kilala bilang mga Sirena.

Madalas sa dagat si Angkol Andong dahil nga namamana ito. Kung minsan, inaabot ng gabi sa pamimingwit.  Halos araw-araw ay nadadaanan niya ang matandang puno sa may pampang.

Nanang: Totoong misteryoso ang punong iyon, apo. Ilang dekada na ang lumipas ngunit nananatili pa rin yong nakatayo roon. Hindi natinag man lamang kahit ilang bagyo at lindol na ang dumaan sa isla ng Simara, at ganundin dito sa atin sa Calatrava. Ayon pa kay Simon, bigla na lamang silang nakakaamoy ng kakaibang halimuyak mula sa matandang puno. Kung minsan, tila raw may masarap na putaheng talaga namang kahali-halina ang amoy. At sa sandaling nabiktima ka ng halimuyak na iyon, magiging bihag ka na ng puno habamhuhay. Hindi ka na makakalabas pang muli, lalong hindi ka na makakabalik pa sa mundo ng mga mortal.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now