DAYO 2 (Tunggalian Sa Mabatong Daan)

15 0 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Nanay Ising sa malalakas na katok kaya siya napabalikwas ng bangon. Agad ding sinalakay ng kaba ang dibdib niya na hindi niya mawari lalo na nang makilala ang boses na sumisigaw sa labas ng tahanan nila.

Celso at Celia: Nay! Nay! Buksan niyo ang pinto! Naaaay!  (Natatarantang sigaw at iyakan ng mga bata at sanggol)

Agad na ginising ni Nanay Ising ang iba pang mga anak na sina Noel at Rebecca.

Ising:  Magsibangon kayo, mga anak! Dalian  ninyo!

Nagulat naman ang dalawa nang mamulatan ang kanilang natatarantang Nanay. Hindi na hinintay pa ni Ising na tuluyang makabangon ang dalawang anak, halos patakbo na nitong tinungo ang pintuan (patuloy pa rin ang mga sigaw at iyakan sa labas) at marahas iyong binuksan.

Bumungad sa kanya ang panganay na si Celso kasama ang mag- iina nito na tila ba mga basang sisiw.

Ising: Mahabaging Diyos!  Anong nangyari at bigla kayong napasugod ng ganitong dis oras ng gabi, anak?! Magsipasok kayo rito...at bakit nag- iiyakan ang mga apo ko?

Niluwangan ni Nanay Ising ang pagkakabukas ng dahon ng pinto..pinauna muna ni Celso na makapasok ang kanyang mag- iina habang palinga- linga sa paligid na tila ba may kung ano itong kinatatakutan.

Nang sa wakas ay nakapasok na rin si Celso ay mabilis at marahas nitong isinarado ang pintuan.

Rebecca: Kuya...ate Celia...anong nangyari?!

Agad na dinaluhan ni Rebecca  ang dalawang pamangkin na sina Aida at Ana na patuloy pa rin sa pag- iyak. Si Noel naman ay nagtungo  kusina upang  magtimpla ng kape para sa mga di inaasahang bisita, isa iyon sa mga nakaugalian na sa lugar nila.

Ising: Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Celso. Anong dahilan at napasugod kayo? Kapapanganak lamang ng asawa mo..paano kapag nabinat iyan?

Nanatili lamang tahimik si Celia habang pinapadede ang sanggol nito na noon ay tumahan na rin sa pag- iyak.

Celso: Muntik  nang mabiktima ng hayop na aswang na iyon ang pamilya ko,  Nay!  Mabuti na lamang at nagising ako agad ni Celia nang maramdaman  niyang tila may naglalakad sa bubungan namin.

Ising: Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo..na dito muna kayo lalo at bagong panganak itong asawa mo. Ayan, dahil  katigasan  ng ulo mo, muntik ng mapahamak ang pamilya mo!

Celso:  Huwag niyo na ho akong sermunan, Nay. Hindi na nga ako mapakali rito..lalo pa at natamaan ko ang aswang ng palaso mula sa aking pana. Ang hindi ko lang nasisigiro ay kung napuruhan ko iyon. At tama ang hinala niyo, Nay,  ang aswang at yung dayo naming kapitbahay ay iisa! Si Roma..siya ang aswang na nagkakalat ng lagim dito sa ating lugar!

Ising: D- diyos ko! Sinasabi ko na nga ba!

Rebecca: Kuya..p- paano kung...
B- balikan ka ng a- aswang!?

Nagkatinginan sina Celia, Ising at Celso dahil sa tinuran ni Rebecca. Maging sila ay kinabahan sa posibilidad na balikan nga ng aswang si Celso ng  lalo na at nasugatan iyon ng  huli.

Noel: Magkape na muna tayo para naman mabawasan ang tensyon  sa paligid...

  Singit ni Noel na kararating lamang sa kusina. Kapagdaka ay ipinatong nito sa lamesitang naroon ang tray na yari sa kahoy  na may lamang limang tasa ng kape, kung saan nakapatong din ang gasera.

Rebecca: Salamat lang kuya Noel..Kuya Celso,  ate Celia, sasamahan ko muna sina Aida at Ana sa silid namin. Naabala yata ang tulog ng dalawang ito dahil sa mga nangyari.

  Tumango ang mag- asawa at nagpasalamat kay Rebecca. Pagkatapos ay kanya- kanyang dampot ng tasa ng kape ang mga naiwan sa salas.

Ising:  Doon na muna kayong mag- asawa pansamantala sa silid ko. Dito na lang kami ni Noel sa salas. Ang inaalala ko ay ikaw Celso, anak..paano nga kung balikan ka ni Roma?

Tales Of YGWhere stories live. Discover now