ILAW NG TAHANAN

5 0 0
                                    


Isang gabi, habang umiinom ng tuba si Baltazar, tinawag nito si Zenaida. Natutulog na noon ang mga anak nila at silang dalawa na lamang ang gising.

Baltazar: Ano pang hinihintay mo, mahal kong asawa? Simulan mo na ang pagpapaligaya sa akin...

Nakangisi si Baltazar at nang- uuyam na nakatingin kay Zenaida.

Zenaida: A- ayoko, Baltazar. Para mo ng awa, irespeto mo naman ako bilang asawa mo!

Ngunit lalo lamang uminit ang ulo ng lalaki.
Inihagis nito ang hawak na baso at labis iyong ikinasindak ni Zenaida. Nanlilisik ang mga mata nito nang muling balingan ang babae.

Baltazar: Tumatakbo ang oras , Zenaida. Ayoko sa lahat, iyong pinaghihintay ako.  Anong akala mo, ikaw pa rin iyong hindi makabasag -pinggang dalaga na halos isang taon kong sinuyo? Pagkatapos ng lahat ng mga paghihirap ko sa'yo , anong isinukli mo? Iniputan mo ako sa ulo!!! (pause) Ikuha mo ako ng bagong baso...

Agad na tumalima naman si Zenaida dahil sa takot na muling mag- ingay ang asawa. Ayaw niyang magising ang mga anak niya at masaksihan ng mga ito mga di kanais-nais na bagay na pinaggagagawa at ipinagagawa sa kanya  ng kanilang ama.

Pahablot na inagaw ni Baltazar ang baso sa nangangatal na kamay ni Zenaida. Pagkatapos nitong tumagay ng tuba, nagsimula na itong tumugtog sa pamamagitan ng marahang pagkumpas ng hawak nitong gulok sa ibabaw ng lamesa.

Ganoon ang eksena tuwing malalasing si Baltazar. Pagsasayawin nito ang walang saplot si Zenaida sa ibabaw ng  sangkalan habang tunog ng gulok ang nagsisilbing sonata. Labis itong nasisiyahan habang pinapanuod ang walang maggawa kundi lumuha na si Zenaida. At kapag nagsawa ito, paulit-ulit naman siyang aangkinin ni Baltazar kahit anong tigas ng pagtanggi niya.

***********************************************

Ano nga ba ang papel ng asawang babae at lalaki sa pamilya?

Ang mga babae raw ay dapat magpasakop sa awtoridad ng kanilang mga asawa. Ngunit kahit na nararapat nila iyong gawin, sinasabihan ng paulit-ulit ang mga asawang lalaki kung paano nila dapat tratuhin ang kanilang mga maybahay.

Hindi sila dapat maging diktador lalo pa at malaki rin ang ginagampanang responsibilidad ng mga babae bilang ilaw ng tahanan. Kailangang irespeto rin ng mga asawang lalaki ang opinyon ng kanilang mga kabiyak, mahalin sila at ingatan katulad ng isang babasaging kristal.

Ang mga lalaki, ginagawa ang lahat kapag may naiibigang babae , makuha lamang ang matamis nitong OO. Ang mga babae naman, sa oras na pinagkatiwalaan nila ang isang lalaki, ibinibigay niya rito ang lahat, kasama na ang pagiging tapat at pag-ibig na wagas.

Kaya walang karapatan ang isang lalaki na saktan ang isang babae -lalo na ang kanyang asawa-  sa usaping mental man o pisikal. Hindi nangangahulugang kapag nagpasakop  ang babae sa kanyang kapareha, pag-aari na niya ito at magagawa na niya lahat ng kanyang naisin.

Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin ng aking Nanang Crisanta, istorya ito ng buhay ng kababata niya,  na itinago na lamang niya sa pangalang Zenaida.

Bulaklak, liham at harana-  ilan lamang ito sa mga bagay na nagpapahiwatig ng tradisyunal na paraan ng panliligaw.

Ang paraan na ito ang nakagisnan ng aming mga magulang at ninuno... naabutan ko pa ang ganitong tradisyon. Kaya kung mapalad noon ang mga kadalagahan, hirap naman ang mga kabinataan . At  si Baltazar ay isa lamang sa mga binatang dumaan sa ganoon.

Dahil pahirapan ang panliligaw noon , kinailangan muna niyang dumaan sa butas ng karayom , makamit lamang ang matamis na OO ng iniirog niyang si Zenaida. Mabuti na lamang at isa rin siya sa nagkaroon ng  mga gurong  Thomasites, sila ay mga gurong Americano na dumating sa Pilipinas mula 1901, kaya naman nakagawa si Baltazar ng mga liham na ginamitan ng mga makatang salita.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now