T6

2 0 0
                                    

T A G A P A G M A N A     Vl

(Ang TAGAPAGLIGTAS Ng TAGAPAGMANA)

*Exclusively Written For Ingkong*


Isang taon ang matuling lumipas. . .  naikasal na rin kami ni Rosaly . Naghanap kami ng mas malaking mauupahan. Nagkasundo kasi kami ni  Manong Ben na magkakasama pa rin kami dapat sa bahay upang mabantayan si Roma. Naging masaya at maayos ulit ang lahat . Tuluyan na rin kaming napamahal kay Nanang Cita lalo't napakarami talaga nilang pagkakatulad ng aming ina.

Nagkaroon kami ng munting salu-salo bilang selebrasyon sa ika-18 kaarawan ni Roma.

Carling :  Isa ka ng ganap na dalaga , Roma . Natutuwa kami at nag-aaral kang mabuti . Kung nabubuhay pa si Mamay ay tiyak na masayang-masaya rin siya , lalo na at kapiling na natin ngayon ang tiyahing matagal na niyang hinihintay na makasama .

Roma: Oo nga , 'Nong Carling. Sayang at hindi na sila nagkita at nagkasama ni Mamay.

Carling :  Lalong lumabas ang taglay mong ganda , Roma . Natitiyak kong maraming kabinataan ang mabibighani sayo . Hindi naman kita pinagbabawalang magpaligaw at makipag nobyo, kaya lamang,  alam mo naman siguro na mahirap makahanap ng lalaking totoong magmamahal sayo . Iyong . . . kayang tanggapin ang tunay mong pagkatao . Bilang nakatatandang kapatid mo , ayokong makita kang nasasaktan .

Malungkot na ngiti ang naging tugon sa akin ni Roma . Alam kong hindi namin siya mapipigilan kung sakaling dumating man ang pagkakataong matuto siyang umibig . At handa kaming gawin ang lahat upang maprotektahan ang aming bunsong kapatid .

Roma: Huwag kayong mag-alala , 'Nong . Alam ko naman na walang karapatang magmahal ang isang halimaw na katulad ko . Isa pa , nakapokus lang talaga ako sa aking pag-aaral . Hindi rin ako nakikipagkaibigan dahil alam ko namang  lalayuan nila ako sa sandaling malaman nila ang sikreto ko .

Puso ko ang mas higit na nadudurog para sa aking kapatid . Dapat ay normal lamang siyang namumuhay kagaya ng ibang mga kadalagahan . . . ngunit dahil sa sumpang kanyang minana , may posibilidad na maging katulad ang kapalaran niya kay Nanang Romancita . . . na pinagkaitan ng tadhana na maging masaya .

(BG Music)

Isang araw , pauwi na noon si Roma galing eskwela nang may mga kalalakihang biglang humarang sa kanya . At nang tingnan niya ang mga ito , namukhaan niya ang isa  , na sa tingin niya ay pinaka-lider ng grupo .

Raul: Teka lang , napakasuplada mo naman talaga . Gusto lang naming makipagkaibigan . Ako nga pala si Raul . . . alam mo, matagal na kitang crush . Kaya lamang napakailap mo. Ano nga pala ang pangalan mo ?

Roma: P-pasensya na kayo  p-pero nagmamadali kasi ako. Kaya pwede lang paraanin niyo na ako? 

Raul : ( laughs sarcastically ) Kita nyo na mga pare ? Hard to get si Miss beautiful , kaya lalo akong nanggigigil sa'yo, eh ! Dito ka na muna , masaya kaming kasama . Tinitiyak kong mag-eenjoy ka . . .

Nag-alala si Roma  lalo na at malapit na noong sumapit ang gabi . Ayaw niyang makita ng mga ito ang isa niya pang katauhan.

Sinubukan niyang takasan ang mga ito ngunit agad siyang inabutan . Ang lugar na kinaroroonan nila ay  walang gaanong  dumadaan ng mga oras na iyon . Hindi niya rin alam kung bakit hindi siya sinundo ni Rico ng araw na iyon . Sa kabila ng pagiging aswang , nakaramdam pa rin ng takot si Roma para sa kanyang kaligtasan .

Bukod sa hindi siya malapit sa ibang lalaki maliban sa aming mga kapatid niya , iba rin ang pakiramdam niya sa mga lalaking iyon , lalo na  sa nagpakilalang Raul .

Napasigaw siya ng malakas nang pagtulungan siyang hawakan ng mga lalaki habang si Raul naman ay nakangisi na tila demonyo. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa mga eksena.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now