Haligi Ng Tahanan 1

4 0 0
                                    


"Tay...anong karne po ito? Ibang klase po iyong sarap...malinamnam...parang bago po sa panlasa ko"

"Sige lang, anak..kain ka lang nang kain. Makita lang kitang busog ay parang busog na rin ako."


 Ang ama ay tinagurian bilang haligi ng ating mga tahanan. Sapagkat siya ang tumatayong proteksyon ng kanyang buong pamilya. Bilang haligi, siya ang inaasahan ng ina at mga anak na pagkukunan nila ng tibay at lakas.

Ngunit paano kung ang amang inaasahan ng anak na poprotekta sa kaniya ay siya pa palang magdudulot ng panganib sa kanyang buhay? 

Ang mismong maghahatid sa kanya sa hukay!

1969

Negros Occidental

 Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming nakakulong ni Nanay dito sa aming bahay. Ang bahay na minsang napuno ng saya at pagmamahalan. Ngunit ito rin ang naging saksi sa karumal-dumal na sinapit ng nag-iisa kong kapatid sa kamay ng aming tatay! Sa bahay na ito nagganap ang masalimuot naming kapalaran ni Nanay.

Kailan kaya matatapos ang bangungot na aming nararanasan? Nang sa gayon ay matakasan na namin ang aking ama na isa palang kampon ng kadiliman, isang aswang!

Malinaw na malinaw pa sa aking isipan kung paano nagsimula ang lahat...

  Hawak ang tabak, hinahawan ko ang aking dinaraanan sa gitna ng mga nagtataasang tanim na balinghoy.

Isang sombrerong balanggot ang tumatabing sa akin mula sa nakakapasong init ng araw.

  Sa pagpili ng tanim, dinadaklot ko ang sanga balinghoy gamit ang aking dalawang kamay at maingat itong binubunot. Dahil doon, nadadala ang mga ugat at ang mga bunga mula sa ilalim ng lupa. Tinatagpas ko ito ng tabak at inilalagay sa isang malapad na sako kasama ang iba pang mga bunga na kabububnot ko rin lang.

  Katulong ko ang aking Tatay Anselmo. Bilang panganay at nasa 15 taong gulang na ay ako ang naaatasan sa mga mabibigat na gawain sa bahay man o sa aming hanapbuhay.

  Dalawa lamang kaming magkapatid ni Lito. Noong 3 taong gulang pa lamang ang kapatid ko ay iniwan na kami ng aming Nanay sa di malamang dahilan. Basta ang natatandaan ko, bigla na lamang itong nawala isang araw. Masama ang loob ko sa kanya hanggang ngayon. Wala rin kaming balita kung nasaan na ba siya. Ayaw kasi ni Tatay kapag siya ang paksa namin  bahay. 

Bagamat nagtatampo ako dahil iniwan niya kami- lalo na ang pobre kong kapatid na si Lito, na higit na kailangan ang kanyang pag- aaruga noong mga panahong iyon - hindi ko pa rin maiwasan na mangulila paminsan- minsan sa pagmamahal ng isang ina.

"Bilisan mo na riyan, Romeo...baka nagugutom na ang utod mo. Magluluto pa tayo pag- uwi sa balay." ani tatay.

  "Opo, Tay...nagugutom na nga rin po ako." tugon ko naman at mas binilisan ang aking pagtatrabaho.

  Medyo malayo rin ang aming bukid mula sa aming bahay. Dito sa amin sa Negros, karamihan, kahit mahirap lamang ay may pag- aari na lupang pwedeng gawing sakahan. Dito nagmumula ang aming ikinabubuhay.

  Pasado alas onse ay naghahanda na kami ni Tatay sa pag- uwi. Ang orasan namin ng mga panahong ito ay ang Haring Araw. Hindi ko alam kung paano..basta ang mga matatanda,  kabisado nila ang oras sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa araw.

  Ang nababatid ko lamang ay kapag nasa gitna, mismong nakatapat sa tao, alas dose iyon. 

  Nauuna sa akin si Tatay sa paglalakad habang pauwi kami. Masukal ang aming dinaraanan kaya maingat din kami sa mga mababangis na hayop gaya ng ahas at baboy- ramo na maaari naming makaengkwentro. At kung sakali man, maririnig iyon agad  ni Tatay. Malakas kasi ang kanyang pandinig at pakiramdam. Isa pa, mayroon naman kaming tangan na panlaban sa anumang mabangis na hayop, ang dalawa naming matatalas na tabak.

Tales Of YGWhere stories live. Discover now