Chapter 02

920 75 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 02°°°

•••Third Person's POV•••

Baryo San Gabriel

Sitio San Jose

Pinamumugaran na ito ng mga iba't ibang klase at uri ng mga aswang kahit noon pa man,

May mga Busaw, Tiktik, Kubot, mga Aniningaw, kilkigan at kung anu ano pang klaseng mga aswang, kabilang na din dito ang mga Mambabarang, Mangkukulam at Manlalason

May isang simbahan ang Baryo  San Gabriel na siyang pinaka sentro ng lahat ng Sitio na bumubuo sa Baryo San Gabriel, iyo ang pinakamalaki at pinakamatandang simbahan, sa tabi niyo ay may kombento na ding itinayo para sa mga Madre at Pari na doon na naninirahan

May dalawang bagong Madre ang dumating doon ito ay sina Sister Vleane at si Sister Angela , may naabutan na silang isang Madre na matagal ng naninilbihan sa simbahang iyon, ito ay si Mother Jessica na siyang pinaka matanda sa kanilang tatlo at matagal na itong Madre

Si Sister Vleane naman ang pinaka bata na kasisimula pa lamang sa kanyang tungkulin bilang isang alagad ng Diyos na sa kanyang edad na nasa dalawamput apat ay isa na siyang ganap na Madre

Kasama nila ang tatlong sakristan na doon din nakatira sa kombento o inampon na ng mga Pari ang tatlong bata dahil sa mga ulila na ang mga ito sa kani kanilang mga magulang

Kasama din nila ang isang tagapagluto at ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan kapag may pupunthan

Sila ay ang mag asawang Manong Carlito at Aling Naida na matagal ng naninilbihan sa simbahan

Nauna na silang manilbihan sa isang Pari hanggang sa naging dalawa na ang mga ito,

Na ngayon naman ay naging Pari na din ang kanilang anak sa tulong na din ng dalawang Pari na matagal na nilang pinagsisilbihan

Ang Baryo San Gabriel ay talagang nababalutan na ito ng kababalaghan kahit noong unang panahon pa

May mga napapabalitang mga engkanto, may mga ibat ibang uri ng lamang lupa, mga espiritu at lalong lalo na ng mga aswang

Nararamdaman na ito lalo na sa bukirin kung saan magkakalayo ang mga kabahayan

Kaya ang mga Madreng iyon ay sanay na sanay na sa mga ganoong kababalaghan, kahit na sa kanilang mga pinanggalingang probinsiya ay nakaka engkwentro din sila ng mga ganoong pangyayari

May mga kaalaman din ang mga ito sa ibat ibang klaseng orasyon at may taglay na mga anting anting, bukod pa sa matibay na paniniwala at pananalig sa ating Panginoon

Sa kanilang tatlo itong si Sister Vleane ay ang kakaiba, dahil noong naninilbihan pa ito sa ibang Madre at sa simbahan ay may kakaiba na itong tinataglay na kakayahan

Dahil ang ama ni Sister Vleane ay napamanahan din sa pagiging albularyo at manggagamot ng ama nito noon na lolo niya

At naipamana din ito sa kanya dahil sa nag iisa siyang anak, ipinama sa kanya ang mga kaalaman ng kanyang ama

Minsan ng makatungtong na siya sa kanyang edad na labing limang taong gulang, ay nakaya na niyang pigilan ang isang naghuhurumintadong kalabaw

Marami ang humanga sa kanyang lakas kahit na sabihin pang isa lang siyang babae at kung titignan ay aakalain mong napakahinhin dahil sa mala anghel niyang itsura

Pati ang kanyang mga magulang ay namangha dahil sa kakaibang kilos at kakayahan ng kanilang anak







Hanggang sa isang araw

May napansin silang isang maliit na bukol sa braso ng batang si Vleane at kapag kanila itong hinahawakan o pinipisil ay nararamdam nila na para ba iyong isang matigas na bato na nabuo sa braso nito

Ang kanilang hinala ay baka ito ang nagbigay ng kakaibang kakayahan sa panggagamot ng kanilang anak

Dahil bukod sa taglay na lakas ay nakamamangha din ang taglay nitong pakikipag usap sa mga hayop

At higit sa lahat ay kaya niyang intindihin ang mga ingay ng mga ito

Marami ang nagkainteres kay Sister Vleane, may gustong tumulong sa kanya para maturuan pa ng mga ibat ibang orasyon

May iba din na gustong pag aralin si Vleane sa pagiging isang Doctor

Pero lahat ay tinanggihan iyon ng kanyang mga magulang, dahil ang gusto nila ay maging isang Madre ang kanilang nag iisang anak para maglingkod sa Panginoong Diyos

Ang dalawang Madre naman na sina Angela at Jessica ay kabilang din ang pamilya nila sa mga angkan ng mga Antingero

Dahil ang kani kanilang mga ama ay isa ding antingero at babaylan at ang kani kanila ding mga ina

Kahit na mga Madre na ang mga ito, ay bukas palad pa din sila lalo na kapag may mga humihingi ng tulong sa kanila

Lalo na sa panggagamot gamit ang kaalaman nila sa kanan ay gunagawa pa din iyon ng dalawang Madre

Ilang beses na din na nasubukan ang kanilang mga kakayahan laban sa mga kampon ng kadiliman tulad ng mga engkanto, barang, mga masasang espiritu at ibat ibang klase ng mga lamang lupa at higit sa lahat ay ang labanan sa mga aswang

May maliit na Sitio na sakop ng Baryo San Gabriel na nasa pinaka loob looban pa ng Baryo na iyon

Ang Sitio iyon ay pinangalanan na Sitio San Jose, dito nanirahan ang ilang mga taong hindi na nakahanap pa ng matitirahan sa mismong Baryo San Gabriel

Dahil nga sa bandang kagubatan na ang Sitio San Jose ay pinamamahayan o pinamumugaran na ito ng ibat ibang uri ng mga aswang

At kung minsan ay umaatake ang mga ito sa mga taong naninirahan malapit lang doon o sa mismong lugar na iyon

May dalawang antingero na nakatira sa Sitio San Jose noon, ilang mga taon din ang ginawa nilang pakikipaglaban sa mga aswang, hanggang sa nakalimutan na nila ang kani kanilang mga kaligayahan at buhay pag ibig,

Hanggang sa tumanda na sila at humina na ang kanilang mga pangangatawan

Dahil nga sa katandaan nila ay nanghina at namatay sila sa pakikipaglaban sa mga aswang

Wala silang napamanahan ng kanilang mga kakayahan at mga taglay, kaya nitong mga nakaraamg taon, ay nagiging agresibo na ang mga aswang

Pero ang hindi inaasahan ng lahat ng mga taong nakatira sa Sitio San Jose pati na ang buong Baryo San Gabriel kasama na ang mga Pari at Madre ay ang muling pag atake at pagsasabog ng lagim na gawa ng mga aswang at mga elemento

Lalo na at inuumpisahan na ng mga iyon na patayin at unahin ang kanilang mga alagang hayop na kahit na sa karatig Sitio ay nagaganap na din

Unang araw pa lamang doon ni Lucas ay nakita na kaagad niya ang nangyari sa babaing biktima na siyang kamag anak pa pala ng kanyang pinsan at matalik na kaibigang si Calvin

Doon niya nakita ang karumaldumal na pagpatay kahit na nakakakita na siya ng mga patayan sa Lungsod pero doon niya lang nakita ang kakaibang kamatayan ng babae








Itutuloy

Please dont forget to leave a Comment or reaction😂😂😂

And please Vote if it is good or not🤗🤗🤗🤗

Thank you

•••••akiralei28

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now