Chapter 41

566 43 7
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 41°°°

•••Third Person's POV•••

Alas Otso ng Gabi

Habang naghahanda silang lahat para matulog ay may isang tricycle ang huminto sa labas ng bakuran nila Lolo Rene kaya nagkatinginan silang lahat dahil wala naman silang inaasahang bisita ng gabing iyon,

"Ako na ang titingin,"ani ni Lolo Rene sa kanila, kaya napatango nalang silang apat bago iyon tumayo at tinungo ang pintuan para mapagsino ang dumating

"Lolo Rene! Lolo Rene!," tawag ng isang boses babae mula sa labas ng bakuran

"Sandali!,"sigaw ng matanda habang binunuksan ang pintuan,"Sino ba iyan ha?!,"

"Si Julia po ito, Lolo Rene,"nagpakilala ito kaya dali dali ding tumayos silang tatlo at lumapit na sa pintuan,

Napalabas naman ng silid si Vleane na nakasuot pa din ng abito, dahil ayaw niyang mabastos ng mga kasama

Kaagad na lumabas ng pintuan si Lolo Rene, napasunod naman silang apat, may dalang malaking bag si Julia habang sapo nito ang may kalakihang tiyan nito

"Bilisan niyo po,"ani ni Vleane na nakatingin sa di kalayuan,"Nasa paligid na po ang mga aswang Lolo Rene!,"

Kaya kaagad na tinulungan ng tatlong binata ang pinsan at Lolo nila sa pagpasok ng dala nitong bag at sa pag alalay sa babae

Lumabas naman siya para mapapasok ang mga iyon dahil nakikita na niyang papasugod na ang mga aswang

"A-aray!," daing ni Julia na sapo ang tiyan, nasa bungad pa lang sila ng pintuan ng makaramdam ng pananakit ng tiyan kaya napayuko ito

"Bilisan niyo na po!," malakas niyang sigaw ng makitang nagpalit na ng mga kaanyuan ang anim na lalake na kanina ay naglalakad lang papalapit sa kanila,"Nandito na po sila!," ani niya na hinarap na ang mga iyon dahil papasok pa lang sa loob ang buntis

"Tulungan na kita,"ani nj Lucas napatango nalang siya bago iniabot sa binata ang buntot ng pagi na nasa bewang niya

"Mag iingat ka,"ani niya bago tumakbo papasalubong sa tatlong malalaking asong itim

Habang hinarap naman ni
Lucas nag tatlong malalaking itim na baboy

"To the reacue kami!," ani ni Jude na hawak na ang itak ni Lolo Rene at si Calvin naman ay isa pang buntoy ng pagi

"Si Lolo na ang bahala kay Julia,"ani naman ni Calvin kaya nagtalikuran na silang tatlo para harapin ang mga aswang

Nakikita nila na mabilos na kumikilos si Vleane gamit ang pilak nitong patalim na may magkabilaang talim

Kapag tumatama sa katawan ng aswang ay naghuhuromentado ang mga iyon sa sakit at kaagad umuusok ang katawan ng mga iyon, kahit ang suot nitong boots ay may patalim na lumalabas sa bawat gilid

Kaya hindi nakakaligtas ang mga papasugod na aswang na nas gilod niya, mabilis niyang tinagpas ang ulo ng isang aso bago hinarap ang isa pa na akma ng susunggab s akabyang leeg, mabilis niyang naisaksak ang patalim na nakalitaw sa harapang bahagi ng kanyang syot na sapatos

"Bilisan niyo na diyan!," sigaw ito sa kanilang tatlo ng sabay niyang tinarakan ang leeg ng dalawang aso na sabay na sumugod sa magkabilaang gid niya, napangisi nalang siya ng mangisay ang mga iyon

"Wow ang galing,"ani ni Nude ng makitang patay na ang tatlong aswang

Habang si Lucas naman ay panay ang hampas ng buntot ng pagi sa baboy na nasa harapan nito, umuusok ang katawan sa bawat latay ng buntot ng pagi

Sina Jude at Calvin naman ay magkasabay na sinugod ang kalaban nila, hinampas naman ng buntot ng pagi ni Calvin ang kaharap niya sabay tagpas ng ulo ni Jude doon,

Kaya gumulong ang ulo nito habang binalingan naman nila ang isa pa na umaangil, tumakbo iyon papatakas pero nakita nilang napahinto iyon bigla ay nakadinig sila ng mahinang pagsabog mula sa aswang

Kaya napalingon sila kay Vleane na nakaturo ang hintuturo nito sa aswang na papatakas kaya tinapos na niya iyon kaagad

"Kaya mo naman pala lahat eh,"ani ni Calvin,"Pero pinalaban mo pa kami,"

"Oo nga,"ani din ni Jude,"Nadumihan pa tuloy kami ngayon, bakit mo ba ginawa iyon ha?,"

"Para mahasa kayong lumaban at pumatay ng mga aswang, hindi iyong puro kriminal nalang ang napapatay niyo,"paliwanag niya,"Para mas lumakas pa ang pisikal ninyong lakas, ok po ba mga Sir?,"

"Ok sa alright, Maam,"sabay tumayo ng tuwid at sumaludo sa kanya kaya natawa nalang siyang nauna ng pumasok sa loob ng bahay

Nagngitian nalang silang tatlo dahil nahuhuli na nila ang ugali ni Vleane at unti unti na nila itong nakakasundo

Mahirap kasi pakisamahan ito, hindi kagaya ni Angela na palangiti at madaldal, samantalang si Vleane ay tahimik, seryoso at cold pa minsan sa kanila

Kaya masaya silang nakasama nila iyon at makikilala pa nila ng matagal

Dalawa sila ni Julia ang natulog sa kwarto, habang ang tatlong binata ay sa sala natulog at si Lolo Rene ay sa mahabang upuan na yari sa kawayan nahiga habang nakikiramdam sa paligid nila

Ganoon din si Vleane, binabantayan niya ang kanyang katabi dahil baka bigla na naman itong dumaing na masakit ang tiyan

Nakikiramdam din siya mula sa labas ng bahay dahil baka sugutin na naman sila ng mga aswang na kasamahan ng anim na kanilang napatay

Bumangon siya, kinuha ang pulang libreta at binasa ang bawat dasal na nakasulat doon

At kapag nasasaulo na niya ay pinupunit niya ang bawat pahina at saka ngunguyain at lukunukin hindi naman siya nahihirapan dahil maliit lang ang libretang iyon,nakasulat sa maliliit na letra ang bawat orasyon at dasal na kanyang sinasaulo

Lumabas siya ng silid ng maramdamang tulog na ang katabing buntis, pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig, nadatnan niya doon na nakaupo si Lolo Rene

"Hindi ka din ba makatulog, iha?," tanong nito sa kanya

"Opo,"tugon niya,"Eh ikaw po ba?," tanonh niya

"Pareho lang tayo,"tugon nito at inabutan siya ng isang tasang kape,"Pero iyong tatlo sa sala mga bagsak at tulog na,"

Napangiti nalang siya sa sinabi ni Lolo Rene, alam niya na naninibago ang katawan ng tatlo dahil sunod sunod ang pakikipaglaban nila sa mga aswang ng halos tatlong araw

"Apo, salamat sa tulong mo,"umpisa ni Lolo Rene,"Sa una pa lang ang laku na ng naitulong mo sa amin, lalo na kanina, kung wala ka baka nakain na kami lahat,"sabay tawa nito

"Wala po iyon, Lo,"tugon niya,"Kahit sino ay gagawin iyon,"

"Malaking tulong at abala din ang pagsama mo sa mga apo ko, kahit na hindi ka namin kaano ano ay sumama ka at tumulong,"nakangiting saad nito sa kanya,"Sayang at Madre ka, bagay na bagay kayo ng apo kong si Lucas,"sabay tawa kaya napayuko nalang siya dahil ramdam niya ang pamumula ng magkabilaang pisngi niya

"Nakiusap lang po sina Mang Lino at Aling Niña na samahan ko silang tatlo,"tugon niya,"Saka wala naman po ako gaanong naitulong eh,"

"Anong wala? Halos ikaw ang pumatay sa mga aswang doon sa bukid ni Domeng at ngayongg gabi,"ani nito"May kakayahan ka apo, bakit di mo ginagamit? Saka bakit iba ang pinili mong daan?,"

"Mahabang kwento, Lo,"tugon niya,"Malalaman niyo po sa huli,"nakangiti niyang saad

"Ikaw ang bahala, apo,"sabay tapik sa balikat niya bago iyon umalis at nagtungo na sa tulugan nito

Napangiti nalang siya ng mapait, tumulo ang luha ng hindi niya namamalayan kaya mabilis niya iyong pinahid bago bumalik sa silid para magpahinga na din

Dahil ramdam na niya ang pagod sa kanyang katawan at gusto na niya matulog ng mahimbing







Itutuloy

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon