Chapter 72

460 47 2
                                    

A/N:

Hello po sa lahat

Pasensiya na po kung matagal akong hindi nakapag update

Minsan po talaga wala pumapasok sa utak ko🤣🤣🤣🤣 na mga eksena✌✌

So bale tatapusin ko na po ito, baka second week of Feb ay tapos na po ito

Masyado na pong mahaba ang Chapter eh,🤣🤣🤣

Baka hanggang 100 Chapters lang po siya,

So abang abang nalang po

Ingat po kayong lahat

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 72°°°

•••Third Person's POV•••

"Lumaban ka, Lucas!,"sigaw niya ng makitang hinahabol ito ng mga kawal ng heneral,"Kung hindi magiging hapunan ka nila!,"

Nakita niyang sumuot iyon sa halamanan kaya kinabahan siya, pero kailangan niyang matalo ang heneral para matulungan niya ang binata na hinahabol ng mga tikbalang na hindi bababa ang bilang ng mga ito sa dalawampo

Humahalinghing naman ang malaking tikbalang habang yakap niya ang leeg nito, masyado iyong malaki kaya nahihirapan siyang yakapin iyon at labanan

Napapalatak nalang siya habang tumatakbo ang tikbalang at iwinawasiwas siya nito para malaglag sa katawan nito

Pero hindi siya papayag na mahulog dahil tiyak na mapapahamak siya sa oras na mahulog siya,

Kaya pinipilit niyang abutin ang ulo nito kung saan nakita niya ang gintong buhok nitona ang ibig lang sabihin ay wala pang nagmamay ari nito, kaya sisikapin niyang makuha iyon para makadaan sila at makarating sa kanilang pupuntahan

Iniwasiwas siya ng tikbalang kaya tumilapon siya at bumalandra sa katawan ng isang punong kahoy, napaigik siya dahil sa sakit na kanyang naramdaman,

Napaubo at napadura pa siya ng dugo dahil ilang beses pa siyang pinagsisipa ng tikbalang sa kanyang sikmura, pero napapangisi lang siya dahil lalo siyang ginaganahan na makuha ang gintong buhok nito

Alam niya na isa ito sa pinakamalakas na heneral sa lahi nito kaya gagawin niya ang lahat para lang makuha iyon at mapasunod niya ito

"Tapusin na natin ito,"anas niya bago sinugod ang kanyang kaharap

Napasampa na naman siya sa likuran nito, tinalian niya ang mga mata nito para hindi siya makita at mas inisin pa itong lalo

Pinilit niya makalapit sa pinaka ulo nito, kahit na iwinawasiwas siya nito at tumatakbo iyon ng mabilis

Kahit nahihirapan ay hindi talaga siya bumitaw sa pagkakayakap sa leeg nito

Ilang sandali pa ang nakalipas ay humagis na naman siya, pero sa pagkakataong iyon ay nahawakan niya ang gintong buhok at nabunot iyon mula sa ulo ng tikbalang na nagsisigaw dahil sa sakit

"Ano ka ngayon ha?,"sabay pakita niya sa gintong buhok nito,"Mula sa araw na ito ay ako na ang magiging amo mo, susunod ka sa lahat ng sasabihin at iuutos ko sayo,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now