Chapter 91

496 42 5
                                    

A/N

Sa mga nagtatanong po at nag aabang kung may book 2 po itong Aswang killer

Ang masasabi ko lang po ay wala, dahil masyado na po itong mahaba

Baka abutin po ng 150 Chapters kaya di ko na po ginawan ng Book 2

Kaya pasensiya na po talaga kayo,✌✌😊😊

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 91°°°

Kinagabihan,

"Aalis na ba tayo?,"tanong ni Lucas, habang bitbit ang bayong kung saan nakalagay ang mga gamit niya at pangontra sa mga masasamang elemento

"Sandali,"ani niya,"Kakausapin ko muna si Redentor,"

"Sige,"napatango lang ito sa kanya, nasa may kubo sila banda nakatayo, naksarado na din ang bahay kaya kampante na sila bago umali

Ilang sandali pa ay bigla nalamg lumitaw si Redentor sa kanilang harapan

"Kamusta, Babaylan,"yumuko itong bumati sa kanya,"Ano ang kailangan mo?,"

"Ayos lang naman ako,"ani niya,"May kilala ka bang isang itim na tikbalang? May ginahasa ito at ilang araw nalang ay isisilang na ng dalagita ang anak nito,"

Hindi nakakibo si Redentor sa kanyang tanong, tumingala pa ito na tila may iniisip at inaalala kung saan niya huling nakita ang sinasabi ni Vleane sa kanya

"Kung hindi ako nagkakamali,"ani nito,"Siya ang dating heneral bago ko siya pinalitan, isa siyang rebeldeng tikbalang, ayaw sumunod sa mga patakaran ng aming kaharian, isa siyang tampalasang tikbalang, itim talaga ang kanyang kulay,"

"Malakas ba siya?,"tanong niya dito

"Oo,"sagot nito,"Pero kaya mo siyang talunin, patayin mo ang anak niya at iligtas ang dalagita, heto,"sabay abot ng isa pang gjntong buhok na mas mahaba sa buhok nito

"Ano ito at para saan?,"takang tanong niya

"Iyan ang buhok ng tikbalang na iyon,"ani nito,"May nagmamay ari na sa kanya, pero ng namatay ito ay bigla nalang lumitaw iyan sa gintong hawla namin, kung saan lumilitaw ang mga gintong buhok namin kung sakaling mamatay na ang nag mamay ari sa amin,"

"Ah,"napatango siya,"Ano ang gagawin ko dito?,"

"Kainin mo,"pilosopong tugon sa kanya na ikinakunot ng noo niya, nadinig niyang natawa si Lucas at ang kaharap,"Babaylan ka ba talaga? Malamang gamitin mo para mapasunod siya,"

"Salamat sa matinong sagot ha?,"asar niyang sabi kaya nagtawanan ang dalawa na lalo niyang ikinasimangot

"Babaylan,"ani nito,"Gabayan ka nawa ni Bathala, ikaw naman binata, mahalin mo ang babaing ito at wag mo siyang sasaktan at lolokohin, kundi ako mismo ang babalo ng mga buto mo,"babala at bilin nito kay Lucas,"Umalis na kayo, nararamdaman ko na ang awra niya, mag iingat kayo,"pagkasabi niyon ay bigla nalang itong nawala

"Tara na,"yaya niya kay Lucas,"Gamitin na natin iyong tricycle,"

"Sige, sa loob kana,"tumango nalang siya bago pumasok sa loob

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon