Chapter 68

523 43 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 68°°°

•••Vleane's POV•••

"Kamusta kayo ni Lucas?,"nakangiting pagtatanong ni Angela sa akin habang inaayos ko ang kanyang abito

Pupunta kasi kami sa simbahan kung saan siya nagpa destino para daw makasama na niya kami

"Anong kamusta kami?,"takang tanong ko,"Maayos naman siya at ako, walang sakit at malusog,"tugon ko

"Hay naku, Vleane,"ani niya sa akin na nakasimangot, natatawa nalang ako sa itsura niya,"Huwag kang manhid at tanga ok? Alam mo kung ano ang sinasabi ko, kaya magtapat kana,"

"Grabe ka naman,"tugon ko na naupo sa higaan niya,"Ano ba ang gusto mong malaman?,"tanong ko

"Kung ano na ang status niyo,"nakangiti niyang sabi sa akin

"Tsismosa ka din pala noh?,"sabi ko sa kanya sabay tawa,"Wala kang malalaman sa akin,"tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto niya, naabutan ko sina Lucas na nasa sala kasama ang ilan pang mga kaibigan niya

"Sir Lucas,"tawag ni Angela na ikknalingon nito sa amin, nagtama ang paningin namjn bago siya ngumiti sa akin kaya tampulam tuloy kami ng tukso,

"Ano po iyon, Sister Angela?,"nakangiti nitong tanong sa katabi ko sabay lapit sa amin,"Hi, Vleane,"

Natawa nalang si Angela ng makitang namumula ang magkabilaang pisngi ko ng batiin ako ni Lucas

Napaiwas nalang ako ng tingin at saktonh napatingin ako sa labasng bahay, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Rigor doon na nakatayo at mukhang hinihintay ako nito

"Sandali,"ani ko sabay lakad ng mabilis para puntahan si Rigor sa labas

"Vleane, sandali,"habol ni Angela sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa, mabilis akong naglakad papunta kay Rigor para kausapin ito







"Sino iyon, Nica?,"tanong ni Angela ng makitang may nilapitang lalake si Vleane

"Si Rigor po,"tugon nito,"Nakababatang kapatid ng napatay nating aswang noong nakaraang gabi,"

"Kilala ni Vleane?,"tanong ni Lucas na nakakunot ang noo habang pinagmamasdana ng dalawa sa di kalayuan

"Opo,"paliwanag pa nito,"Sa totoo po niyan ay nililigawan niya si Ate at ipinagkalat sa Bayan na malapit na silang ikasal nito, sa mismong araw ng kapistahan,"

"Naku, paano kana, Lucas?,"tanong ni Calvin,"Mukhang aswang pa ang karibal mo,"

"Hindi pwede,"ani ni Jude,"Si Vleane ay para lang kay insan, by hooked or by crooked, lalabanan natin kahit na ang angkan niya,"sabay akbay kay Lucasna seryoso lang na nakatingin sa dalawa

"Mukhang nagseselos ka ah,"puna ni Jorie,"Alam ko ang nangyari sa inyo sa may kubo, kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya,"bulong nito sa binata, pero hindi siya nito pinansin

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon