Chapter 113

440 30 2
                                    


°°°Chapter 113°°°

•••Third Person's POV•••

"Walang sinuman ang makikialam sa inyong lahat!,"sigaw ni Rigor sa kanyang mga alagad maging sa mga kaibigan ni Vleane,"Laban namin ito ni Vleane! Manood kayong lahat kung papaano ko papatayin ang Babaylang ito!,"sabay turo sa kanya

Napangisi lang siya sa mga tinuran nito, alam niya hindi pa niya oras kaya kakayanin niya labanan iyon hanggang sa makaharap na nila ang amang aswang na si Ronelio at ang buong angkan nito

"Pagkatapos ko kay Vleane,"sabay ngisi nito,"Kainin na ninyo ang kanyang mga kasama, wala kayong ititira kahit buto ng mga iyan! Lalo na ang lalaking iyan!,"sabay turo kay Lucas, na nakahanda ng sugurin si Rigor

Natawa lang ito ng makita ang itsura ni Lucas, halatang gigil ito na makaharap ang bjnayang aswang, pinaikutan sila ng mga alagad nito kaya hindi sila makalapit kay Vleane

"Huwag niyo akong intindihin,"ani niya,"Maging maingat kayo at maging handa,"sabi pa niya sa kanyang mga kaibigan bago nginitian si Lucas para mapanatag iyon

"Iyan na ang huling ngiting maibibigay mo sa kanya,"seryoso at nagbabantang saad ni Rigor,"Kung ako sana ang pinili mo, magiging maayos at tahimik sana ang lahat,"

"Magkaiba tayo, Rigor,"saad niya,"Magkalaban tayo at magkaiba ng ipinaglalaban,"

Tumingala nalang si Rigor para pigilan ang mag tangis ng kanyang mga ngipin dahil sa sobrang galit lalo na sa binatang pinili ni Vleane

Tinignan nito ng masama si Lucas na noon ay nakatingin kay Vleane na punong puno ng pag aalala, dahil sa nakita ng binatang aswang ay lumipad ito para sugurin si Lucas, uunahin na niya itong patayin para mapasakanya na si Vleane

Mabilis na lumipad si Rigor na ikinagulat nilang lahat, dahil sa mabalasik nitong kaanyuan at nakaamba na ang natutulis nitong kuko na itutusok na sa dibdib ng binata pero bago mangyari iyon ay may humarang na kay Rigor

Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita kung sino iyon at kung saan tumusok ang matutulis nitong kuko

"VLEANE!!!,"sigaw at kurong sambit nilang lahat ng makita na si Vleane ang humarang sapagitan nila Lucas at Rigor

"V-Vleane,"nautal na sbit ni Rigor ng matauhan,"Pasensiya kana, di ko sinasadya,"

Hinugot kaagad ni Rigor ang mga kukong bumaon sa balikat ni Vleane, nahuli siya ng kaunti kaya sa balikat siya natamaan ng pag atake ni Rigor dahil king nauna siya ay s amismong dibdib niya tatama ang mga mahahaba at matatalas nitong kuko

"Pasensiya na Vleane,"nalilitong saad ni Rigor ng makitang maraming dugo ang lumalabas sa malaking sugat na tinamo nito sa kanyang mga kamay

Napaluhod nalang si Vleane habang sapo ang kanyang kanang balikat, nakayuko at nakatakip sa kanyang mga mukha ang kanyang mahabang buhok

Hindi naman malaman ng mga kasama nila kung abo ang gagawin dahil napapaikutan sila ng mga alagad nito na halos triple ang dami kaysa sa kanila, bawat isa sa kanila ay pito ang nagbabantay

"Vleane,"anas ni Lucas, nakalapit na ito sa kanya dahil nasa bandang likuran lang niya ito,"Sana hindi muna iyon ginawa,"may pag aalalang sabi nito sa kanya, umiling lang siya bago iniangat ang kanyang paningin kay Rigor na nasa di kalayuan

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon