Chapter 24

535 40 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 24°°°

•••Third Person's POV•••

"Grabe ang nangyari sa kabilang Sitio,"ani ni Calvin habang kasama nila ng mga sandaling iyon sina Angela

"Oo nga eh,"pagsang ayon ni Jude,"Ang daming biktima ng mga aswang, tapos ang dami ding nawawalang tao doon,"

"Sabi mo pa,"ani ni Lucas,"Buti nga dito sa atin wala ng gaanong mga aswang eh,"

"Dahil iyon sa inyo,"ani ni Calvin habang tahimik lang sila ni Angela na kaharap ang mga iyon, nandoon din si Jorie

"Bakit ano ang naitulong nila?," nakataas ang kilay na tanong ni Jorie sa kanila

"Sila ang kasama namin sa pagroronda noon,"paliwanag ni Calvin,"Tapos sila din ang pumapatay ng mga aswang,"

"Paano?," tanong nito,"Eh mga Madre lang naman sila, wala silang kahit anong sandata,"

"Huwag mo silang maliitin,"pagtatanggol ni Lucas,"Malaki ang naitulong nila sa amin,"

"Whatever,"maarteng saad nito sa kanila na nakatitig lang sa dalawa na tahimik lang

"Magroronda na din kami doon,"ani ni Lucas,"Lalo na at malapit na ang kabilugan ng buwan, baka sumugod sila,"

"Sabihan niyo lang kami,"ani ni Vleane,"Sasama kami sa inyo,"

"No need Sister Vleane,"ani ni Jorie,"Baka maging pabigat lang kayo sa amin at mamatay pa kayo doon,"

"Basta sasama kami,"ani ni Angela na hindi na pinansin pa ang mga sinabi ni Jorie,"Mas kailangan natin ang mag ingat dahil lumalakas ang pwersa nila ngayon,"

"Tama ka, Angela,"pagsang ayon ni Calvin,"Sige asahan niyo at dadaanan namin kayo sa susunod na araw, day off naming apat iyon,"

"Sige,"ani ni Vleane bago tumayo,"Mauuna na kami sa inyo,"paalam niya bago tinalikuran ang mga iyon hindi na nila pinakinggan pa ang sinasabi ni Jorie

Napapailing nalang sina Calvin at Lucas, kung hindi lang ito pinsan ni Jude na kaclose nila ay baka iniwanan na nila iyon doon, hindi nila gusto ang tabil ng dila nito at maging ang pag uugali nito

Si Jude nalang ang iniintindi nila at ito na din ang humihingi ng pasensiya sa kanila kapag ganoon na ang ugali nito

Masyado daw kasi itong mapagmataas, mataray at maldita, pero pasalamat sila at di iyon umuubra sa dalawang Madre na palaban din ang ugali ng mga iyon pero hindi naman halata at hindi pinapakita

Lumalabas lang iyon kung ang kagaya ni Jorie ang kanilang kaharap, kapag pinagmamalditahan sila, si Angela na ang sumasagot hababg siya at tinitignan lang iyon ng walang kaemo emosyon at tila inaantok







Sa pusod ng kabundukan

Kung saan maraming rebelde ang nagkukuta at nagtatago, ya hindi alintana ng anim na kalalakihan ang sumuong at puntahan iyon

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now