Chapter 94

452 40 2
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 94°°°

•••Third Person's POV•••

Nasa bungad na sila ng Bayan ng Anakraw, bungad pa lang ay sumalubong na sa kanila ang mainit na hangin at alikabok ang sumalubong at bumungad sa kanilang tatlo

"Ang init,"angal ni Angela,"Nakakauhaw, buti at nakakatiis sila sa ganitong panahon noh?,"

"Hay naku, Angela,"ani niya,"Di kapa makakaligo ok? Kaya tara na at maghanap na tayo ng mabibilhan ng mga gamit panlaban sa mga aswang,"

"Kapag walang mabilhan,"ani ni Jane,"Kailangan natin lumaban sa isang dwelo kung sino ang mga maghahamon, kaya sana lang ay alam natin ang laro o laban na iyon,"

"Mahahasa na naman tayo,"ani niya kay Angela,"Kailangan na natin magpatuloy,"

Kaya agad silang pumasok sa looban ng Bayan ng Anakraw, habang naglalakad sila ay nakikiramdam sila sa kapaligiran

Ang lahat ng halaman, bulaklak ay halos patay at lanta na dahil sa sobrang init, lalo na at malapit na ang katanghaliang tapat ng mga sandaling iyon

Tagaktak na din ang pawis ng nilang dalawa maliban kay Angela na nagdala talaga ng payong at pamaypay para tabuyin ang init na nararamdaman nito kaya napapasimangot nalang silang dalawa

Ilang minuto pa ang lumipas ng makarating na sila sa mga kabahayan, doon ay nakita nila ang mga bahay na gawa sa malalaking dahon ng anahaw,

Ang mga batang engkanto na naglalaro ay biglang napahinto ng masilayan silang papasok sa Bayan ng mga ito

Ang mga matatandang engkanto ay biglang bumalasik ang mga kaanyuan dahil may nakapasok na naman sa kanilang teritoryo

Ang kulay ng mga ito ay berde na mahahalintulad sa lumot, may mga matang purong puti, may mahahabang tainga, mga ngipin na matatalas na kagaya ng sa piranha, mga kukong mahahaba at nangingitim na dahil sa dumi o dugong natuyo na nakakapit doon

Walang pang itaasang mga kalalakihan, tanging maliit na yela lamang ang nakabalot sa ibabang parteng kanilang mga katawan

"Girls, malalaki din kaya ang hotdog nila?,"biglang tanong ni Jane na ikinatawa ni Angela habang siya ay tumingala at nagpipigil ng tawa

Dahil sa kaseryusuhan nila ay bigla nalang iyong nagtanong ng ganoon sa kanila

"Mga dayong mortal,"ani ng isang matandang engkanto, may hawak iyong baston, nasa likuran nito ang lahat ng kalalakihang engkanto na may hawak na kanya kanyang sandata

"Mawalang galang na po,"ani niya na namumula pa ang pisngi dahil sa nagpipigil ng tawa kanina,"Napadaan lang po kami dahil may hinahanap po kami, hindi po kami manggugulo at hindi din po kami naghahanap ng away,"ani niya

"Eh bakit tumatawa iyang kasama mo?,"tanong ng isang batang lalake sabay turo sa katabi niya

Pinandilatan niya ng mata ang dalawa kaya napayuko nalang ang mga iyon dahil sa takot sa kanya

"Pasensiya na po kayo,"ani niya,"Napadaan lang po talaga kami, saka may pinag uusapan po silang dalawa kaya nagtatawanan po sila at hindi po kayo iniinsulto,"

"Marami na kayong dumayo dito ay ganyan din ang hinahanap,"ani ng matandang engkanto, nasa kabahayan naman ang lahat ng mga batang babae at lahat ng kababaihan

May maliit na tela na tumatakip sa maseselang bahagi ng kani kanilang katawan

Mga nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanilang tatlo

Aswang Killer: Season 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant