Chapter 09

595 51 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 09°°°


•••Third Perason's POV•••

Kinabukasan nga, nagising nalang sila ng makadinig ng sunod sunod na pagkatok mula sa pintuan ng umagang iyon

Nagkatinginan silang lima kung sino ang kumakatok at kung pagbubuksan ba nila iyon

"Aimy! Ano ba buksan mo itong pintuan!," sigaw ng isang boses lalake sa labas ng bahay nila

"Anak, kami ito,"sunod na tawag ng Nanay Niña niya,"Buksan mo ito, ano bang nangyayari?,"

"Ang kuya at sina Nanay,"mabilis na tumayo ang tinawag na si Aimy na mapagkakamalang isang Nerd

Kaagad na nagsipagtayuan ang mga kasama nito ng makita ang kuya at mga magulang nito kasama ang ate at bunsong kapatid ni Aimy na nakakunot noo at halata sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka

"Anong meron dito at ano ang nangyayari?," takang tanong nito habang nilalapag ang dalang bag sa upuan,"At bakit ang kalat sa labas? Tapos ang pintuan ang damong kalmot? Maging ang bintana puro gasgas?,"sunod sunod na tanong ng tatay nila

"Kuya, Nay, Tay"ani ni Amiy sabay yakap sa mga ito na umiiyak at nanginginig pa sa takot,"Aswang,"

"Aswang?,"takang tanong nito,"Anong aswang? Nagdo droga ba kayo?,"takang tanong ni Lucas na hindi pa din naniniwala sa mga aswang kahit na ilang beses na nila nakakasagupa ang mga ito

Umiling lang si Aimy, naupo ito kasama ang mga kaibigan, na umiiyak na din, umalis muna ang kuya nito at nagtimpla ng kape para mahimasmasan ang inaantok nitong diwa

"Ano ba ang nangyari?,"tanong ng Nanay niya,"Pero bago yan, tawagin niyo muna ang mga magulang o guardian nila, Cassie,"utos ng Nanay nila sa kanyang ate at sa bunso nilang kapatid na si Juan

Tumango ang dalawan at pinuntahan na nila ang bawat magulang o guardian ng mga kaklase ni Aimy para papuntahin doon sa bahay nila at ng makausap ng kanilang mga magulang








Makalipas ang halos kalahating oras ay dumating na ang mga Nanay ng apat na kaklase ni Aimy

"Maupo muna kayo,"ani ng Nanay nila sa apat na dumating,"Kape? Tubig o Juice?," tanong nito

"Si Kuya Lucas ko nga po pala,"pagpapakilala ni Aimy sa mga ito, dahil kahit minsan ay hindi pa nakaharap ng mga iyon ang kanyang kuya, halos dalawang linggo pa lang iyon na naandoon

Tumango ang apat bago dumako ang tingin sa kanilang lima

"Anong mayroon?," tanong ng dalaga,"Regina may ginawa kana naman bang kalokohan? Tapos dinamay mo pa sila?,"

"Ma, sorry po,"ani nito sabay yakap at iyak sa kanya,"Kasalanan ko po ang lahat kung bakit kami hinabol ng mga aswang! Tapos pinatay nila Jorge at Leo ang anak ng mag asawang aswang pati ang inang aswang ay pinatay din namin," kwento nito habang umiiyak

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa nadinig nila mula sa bibig ni Regina habang umiiyak

"Pinatay at kinain din sila ng mga aswang, habang patakas kami pauwi,"dagdag pa ni Aimy habang nakayuko na ding umiiyak ng mga sandaling iyon

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon