Chapter 42

516 36 3
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 42°°°

Samantala

Sa isang kubo na malapit sa paanan ng kabundukan, ay may mga kalalakihang nagpupulong, sila ay mga rebelde o kilala sa tawag na Aswang Hunter

Nasa isang daan ang bilang nila, naghahanda sila para sa pagsalakay sa kuta ng mga aswang na pumatay sa kanilang mga mahal sa buhay

"Ka Ruben,"ani ng isang lalake na nagpapahid ng uling sa mukha,"Nakahanda na ho kami para sa paglusob natin,"

"Uubusin natin ang mga salot na iyan!," gigil na sambit ni Ka Ruben,"Ipapatikim natin ang paghihiganti natin!,"

"Opo, Ka Ruben,"ani ng mga iyon habang inihahanda ang kanilang mga sandata at armas para sa paglusob nila sa kuta ng mga aswang na ilang araw na nilang minamatyagan

"Mamayang hating gabi tayo aalis,"ani ni Ka Ruben,"Maghanda at magpalakas kayo para sa labanang ito,"

"Opo, Ka Ruben,"kuro ng mga iyon na lumabas na ng kubo para maghanda ng kanilang makakain







Sa Kuta ng mga Aswang

"Amang Aswang,"ani ng inutusan nito para alamin ang kalagayan ng mga kasamahan na nasa malayong Probinsiya

"Anong balita?," tanong ni Ronelio sa kaharap

"Patay na po ang tagapagmana ng Babaylan,"ani nito, hindi kaagad nakasagot si Ronelio, nakaramdam siya ng tuwa dahil sa nalaman,"Nasunog ang bahay niya at kasama niyang natupok doon, wala na din po ang libretang pula,"

"Magaling,"ani ng babaing katabi nito na si Regina,"Mahal na Ronelio, hindi na tayo mangangamba sa Banal na libreta at sa babaing tagapagamana ng Babaylan, patay na sila,"

"Kaya maaari na tayong mamuhay ng mapayapa at maghasik ng lagim sa kalupaan,"ani ng matandang aswang,"Maaari na din matuloy ang nalalapit ninyong pag iisang dibdib sa darating na kabilugan ng buwan,"

Napabugtong hininga si Ronelio at ngumiti, hinawakan ang kamay ni Regina para iparamdam doon ang pag sang ayon sa nalalapit nilang pag iisang dibdib

"Kailangan natin maghanda,"ani ni Ronelio,"Kailangan natin magdiwang! Wala na ang kinatatakutan nating tagapagmana na uubos sa ating lahi!,"

Umalulong ang mga aswang na nasa harapan ni Ronelio at nagbunyi sila dahil alam nilang wala ng makakapigil sa kanilang paghahasik ng lagim

Nang gabing iyon ay nagpasya na silang magdiwang para s nalalapit na pag iisang dibdib ng kanilang Amang Aswang at ni Regina na isang mortal

Lahat ay abala at wala silang kaalam alam na nakahanda na ang mga aswang hunters na lusubin sila







Eksaktong Hating Gabi

Handa na ang grupo ni Ka Ruben para ubusin ang mga aswang ng gabing iyon

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now