Chapter 89

452 35 3
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 89°°°

•••Third Person's POV•••

Pagkalipas ng Tatlong Araw

Tatlong araw na simula ng manggaling sila sa bahay nila Kapitan at dalawang araw nalang ay Kapistahan na sa Baryo Aguada

"Namatay na ang anak ni Kapitan,"pagbabalita ni Lolo Ernie ng umagang iyon,"Kaninang madaling araw namatay,"

"Iyon talaga ang mangyayari,"ani niyang nakadama ng lungkot,"Kung sinunod lang nila ang sinabi ko, kakalabanin ko ang Hari ng mga engkantong itim, pero napag isip isip ko din na tama lang iyom dahil sa ginawa nila sa tirahan ng mga iyon,"

"Iyon nga ang masama eh,"ani ni Nica,"Ipinagkalat sa Pamilihang Bayan na duwag ka daw, wala kwenta at higit sa lahat ay mapagpanggap na manggagamot,"

"Hayaan mo sila,"ani niya, wala na siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito sa buong Baryo,"Huwag lang kami magkakaharap dahil ibubuking ko ang baho niya,"sabay ngisi

"Vleane,"tawag ni Lucas, nilingon niya iyon at tinignan ang leeg nito at ang dibdib, naka sando lang kasi ito kaya kitang kita pa din niya ang mga kissmark doon

"Tse!,"ani niya na ikinatawa ng mga kasama nila,"Bumalik ka doon at burado na ang mga kiss mark mo,"

"Ayaw mo nga,"ani nito sa kanya,"Gusto ko ikaw na ang gumawa at maglagay sa akin,"nakangisi nitong saad sabay taas baba ng makapal na kilay nito

"Yuck!,"ani niya sabay irap dito,"Mandiri ka nga, Lucas,"sabay tingin sa labas, nadinig niyang natawa nalang ito

"Mga kabataan nga naman,"naiiling na sabi ni Lolo Ernie,"Ginagawa ng laro at biro ang paglalagau ng kiss mark,"

"Lolo, pinagtangkaan po akong reypin eh,"sumbong ni Lucas,"Hindi naman inawat ni Jude, pano may kahalikan siya eh,"

"Tumigil nga kayo,"saway niya,"Doon kayo magreklamo sa Barangay,"sabay tayo at tinalikuran na ang mga iyon, humabol pa si Lucas pero tinignan lang niya ng masama iyo kaya napanguso nalang bago bumalik sa pagkakaupo

Tinawanan lang ito ng mga kasama kaya lalong napasimangot si Lucas, sinisisi si Jude dahil hindi nito inawat ang mga babaing nagsu swimming na dinumog sila at pinaghahalikan

Nagkwentuhan nalang silang lahat habang nasa kwarto naman si Vleane na nahiga habang nag iisip ng kung ano ano

"Iba ang ugali ni Kap,"umpisa ni Nica,"Ibang iba sa kanyang ama,"

"Kwento kana dali,"ani ni Jane,"Pagtsismisan natin ang walang kwentang Kapitan ninyo,"sabay tawa

Pinag uusapan nila ang nangyari kina Kapitan at ang trato ng mga iyon sa kanila, kaya napapailing nalang si Lolo Ernie, iba ang ugali ng bago nilang Kapitan kaysa sa pinalitan nitong ama

"Sige,"ani ni Nica at nag umpisa na itong magkwento tungkol sa mag ama at ang pagkakaiba ng dalawang ito

Namatay na ng nakaraang taon ang ama nito kaya ito na ang pumalit na Kapitan ng aming Baryo, marami ang may ayaw dito dahil sa kasamaan ng ugali, pero dahil sa mapera ito ay siya ang nanalo ng magkaroon ng paghalal para sa bagong Kapitan ng kanilang Baryo

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now