Chapter 36

517 36 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 36°°°

•••Third Person's POV•••

Nakangiting iwinawasiwas na sabay ni Jude ang bakal at itak nitong hawak, kung paano tumagos ang mga iyon sa katawan ng mga aswang at pumutol sa ulo ng mga iyon, mababakas din sa mukha nito ang kasiyahan at kaligayahan sa pagpuksa sa mga aswang

Habang si Calvin naman ay halos mapuna na ng mga sugat mula sa pagkagat at kalmot ng mga aswang, pero patuloy pa din itong lumalaban gamit ang baril at maliit na balisong nito

Isa isa nitong ginigilitan ang mga aswang na malapit sa kanya at binabaril naman ang nasa malayo at papaatake

Samantala si Vleane ay walang habas na hinahampas ang mga asong tumatalon at handa na siyang sakmalin, walang pakundangan kung hampasin niya iyon ng buntot ng pagi

Mya maya pa ay lumapit sa kanilang apat ang matanda

"Apo, ayos ka lang ba ha?," may pag aalalang tanong nito kay Calvin,"Mukhang marami kang pinsalang natamo ah,"kaagad naman nitong nilapitan ang pinsan ni Lucas at inalalayan

Muntikan ng maputulan ng ulo si Calvin ng atakihin ito ng isang aswang, pero mabilis ang matanda at kaagad nitong nasalo ang matatalas na kuko ng aswang sapamamagitan ng matalas nitong itak na ikinaputol naman ng kamay ng nasabing aswang

"Mamatay kang salot ka!," sigaw naman ni Vleane sabay hampas ng buntot ng pagi sa katawan ng aswang kaya umusok iyon at namatay

Nang mapansin ng mapansin naman ng mga aswang na unti unti ng nauubos at namamatay ang kanilang mga kasamahan, dahan dahan na silang nagsisipaglayo hanggang sa tuluyan na ngang nagsipag atras ang mga iyon

"Humanda ka, Rene!," banta ng pinaka pinuno ng mga aswang,"Hindi namin ito palalagpasin! Babalikan namin at sisiguraduhin na mapapatay namin ang iyong mga apo! Hahanapin ka namin kahit saang sulok kapa magtago!,"galit na wika ng pinuno ng mga iyon

Napangiti nalang ang matandan habang pinagmamasdan nila ang pag alis ng grupo ng mga iyon

"Ah, Lolo,"ani ni Jude,"Hindi po ba natin sila hahabulin? Baka po makatakas ang mga iyon,"

"Hindi na muna sa ngayon,"tanggi ng matanda,"Kailangan muna natin maghanda saka tignan ninyo sugatan itong isa ninyong kasamahan, tara dalhin natin siya sa bahay para malapatan ng paunang lunas,"pagyayaya nito sa kanila

Kaagad na silang umalis doon para magtungo sa bahay ng matanda para magamot si Calvin, ginamot na anga niti ang sugatang binata

May kinuha iyong botelya na naglalaman ng ibat ibang uri ng halamang gamot na nakababad sa tubig, matapos malinisan ang mga sugat gamit ang dahon ng bayanas ay kaagad na kumuha ng ilang dahin mula sa botelya ang matanda at itinapal sa sugat ni Calvin

"Apo, tiisin mo lang ha?,"paalala nito,"Medyo mahapdi lang ito ng kaunti pero mabisa namang maghilom ang mga sugat mo, Ikaw naman sister doon kana magpahinga sa kwarto ko,"ani nito sa kanya na ikinatango nalang niya

At matapos nga magamot ang sugat ng dalawang binata ay nagpahinga na din ang mga iyon habang nakabantay sa kanila ang matanda


Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon