Chapter 44

515 37 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 44°°°

•••Third Person's POV•••

Alas otso ng Umaga

"Sinabihan na kita at binalaan Vleane,"ani ni Sister Helena sa kanya,"Pero sumama kapa sa kanila!,"galit na sambit nito

Tatlong araw na simula ng makauwi sila galing sa Bicol kung saan sinundo nila ang Lolo Rene nila Lucas at Jude, inilihim nila iyon sa dalawang Madre pero dahil kay Jorie ay nalaman ng mga iyon ang ginawa niyang pagtakas dahil na din sa tulong ni Angela

"Labag sa batas iyon bilang isang Madre,"ani naman ni Mother Santa,"Madre ka ba talaga Vleane?,"

"Ikaw lang ang nakakaalam ng katotohanan niyan, Mother Santa,"naka smirk niyang tugon,"Alam mo kung ano ang kagustuhan ko at nilalaman ng puso ko,"

Napailing nalang si Mother Santa sa mga pinagsasabi niya, tinitigan lang siya noon at napapangiti dahil nakuha na nito ang kagustuhan niya

"Bweno,"ani ni Mother Santa,"Tutal apat na taon kana dito kaya papayagan na kitang lumabas at sundin ang kagustuhan mo,"niyakap siya nito bago tinapik sa balikat

"Salamat po, Mother Santa,"niyakap din niya iyon ng mahigpit,"Mami miss po kita,"

"Dumalaw kana lang dito kung ayos na ang lahat,"sabi pa nito sa kanya kaya napangiti nalang si Angela para sa kaibigan

"Opo,"tugon niya,"Mag iingat ka po, Mother,"sabay halik sa kamay nito at pisngi

Kaya kaagad na umalis si Mother Santa sa opisina pero bago iyon ay nginitian muna siya ng palihim kaya niyaya na niya si Angela na lumabas na din at pumunta sa kwarto nilang dalawa para magligpit ng sarili niyang gamit








Alas Diyes ng Umaga,

"Tutuloy kana ba talaga, Vleane?,"tanong ni Angela sa kanyang kaibigan

"Oo, Gel,"ani niya,"Tutal pinapaalis na ako ni Mother Santa eh,"tugon niya,"Saka ito naman ang gusto mo diba?,"

"Oo,"diretsang sagot ni Angela,"Pero saan ang punta mo? Babalik kana ba sa inyo?,"

"Oo,"tugon niya,"Namimiss ko na din sina Lolo Ernie at Veronica eh,"sagot niya,"Halos dalawang taon na hindi ko sila nakita, ang huling kita ko sa kanila ay iyong sila ang dumalaw sa atin bago tayo ipadala dito,"

"Oo nga eh,"sagot nito,"Namimiss ko na din sina Lolo at Nica, sumama nalang kaya ako sayo?,"

"Umayos ka, Angela,"saway niya,"Baka bigla siya bumangon at sakalin ka,"pagbabanta niya

"Oo na,"nakasimangot na sagot nito sa kanya,"Mami miss kita Vleane,"sabay yakap sa kanya

"Alam mo naman kung saan ako matatagpuan diba?,"ani niya,"Saka may iiwan akong gamit sayo para panlaban mo sa aswang kung makasagupa ka, saka tawagan mo ang cellphone number na iiwanan ko sayo kung sakalaning hindi mo ako makontak kung pupunta ka doon,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now