Chapter 93

477 39 4
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 93°°°

•••Vleane's POV•••

"Mga bata mag iingat kayo doon,"ani ng isang kabute na may katandaan na din, kaedaran siya siguro ni Tatang Kabute o baka asawa niya ito

Ngumiti ako sa kanya ng abutan niya ako ng isang garapon na may lamang asin, sapamamagitan ng baging na nasa likuran nito

"Magagamit niyo iyan laban sa mga aswang,"ani niya sa amin kaya kinuha ko iyon at inilagay sa backpack na dala ko

May kanya kanya kaming bag na dala, dahil nandoon ang mga gamit at damit na aming kailangan, higit sa lahat ay ang mga sandata namin na panlaban sa mga aswang na aming kakaharapin

"Ako si Nanang Tesya niyo,"pagpapakilala nito,"Asawa ko si Tatang Kabute,"sabay ngiti,"Ako na ang magpapatuloy ng kwento niya, tutal abala siya sa mga alaga niya eh,"sumimangot ito na halatang nagseselos kaya napangiti nalang ako

"Halata nga po eh,"pagsang ayon ni Angela,

"Sa dulong bahagi ng bayan ng mga aswang, may dalawang puno na nagsisilbing pintuan palabas doon, madadaanan ninyo ang isang ilog, pwede kayong maligo doon,"nakangiti niyang saad,"May tulay doon para makarating kayo sa Bayan ng mga Aswang,"

"Hay makakaligo na din tayo noon,"napapailing nalang ako sa turan niya, hindi talaga siya mapapakali kapag hindi nakaligo

"May kagubatan kayong madadaanan bago makarating sa Nayon ng nga masasamang elemento, doon ay puro kadiliman lang at walang araw,"

"Paktay na talaga,"komento niya, napangiti nalang ako dahil takot siya sa dilim, naaalala ko kapag nagba blackout ay sumisigaw siya at nagwawala,"Umayos ka Vleane,"banta niya sa akin ng makitang napapangiti na lang ako

"Dalawang araw naman ang lalakbayin niyo para makapunta sa Merkado,"ani nito sa amin,"Mga masasamang elemento at nilalang ang nakatira doon, na pinarusahan ni Bathala kagaya ng mga engkanto sa Anakraw, Baryo Dilim ang tawag doon,"

"Merkado? Mga tindahan at bilihan ng kung ano ano?,"tanong ni Jane kay Nanang Tesya

"Oo, anak,"tugon nito,"Sa Baryo Dilim makikita ninyo ang lahi ng mga kapre, tikbalang, nunong itim, dwendeng itim, maligno, tiyanak at iba pa, kaya mag iingat kayo doon,"

"Buhay pa kaya tayo kapag nakarating sa kaharian?,"tanong ni Angela sa akin kaya napangiti nalang ako sa kanya

"Oo naman,"tugon ni Nanang,"Sa bawat Bayan na madadaanan ninyo ah makakakuha kayo ng mga sandata, kapag nanalo kayo sa dwelo, sabi nga ng aking asawa, saka ligtas na kayo kapag nakarating kayo sa Merkado, doon makikita ninyo ang lahat ng kailangan ninyo,"

Napabuga nalang ako ng hangin dahil baka abutin kami ng buwan bago makarating sa kaharian para mahanap ang akong gabay kung hindi ang Reyna o Prinsesa na aming ililigtas, baka nasa kaharian ng Engcantasia sila nakatita

"Ang huling Bayan,"ani nito sa amin,"Ang Bayan at pinaka sentro ng Engcantasia ay tinatawag na Bayan ng Perlas, dahil halo halo na ang mga nakatira doon, napakalawak ng bayang iyon, na halos tatlong araw bago mo marating ang palasyo,"

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon