Chapter 88

427 39 1
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 88°°°

Matapos niyang makausap ang nilalang na gumagambala sa dalaga ay lumabas muna siya ng silid para tawagin ang kanyang mga kasama at para na din makapagpausok sa loob ng bahay para umalis ang iba pang elementong nasa loob ng bahay ng mga ito

"Kamusta ang anak ko?,"tanong ng Ginang,"Ako nga pala si Imelda, magagamot mo ba ang anak namin?,"

"Opo,"tugon niya,"Ginagambala siya ng Hari ng mga itim.na engkanto, dahil sa pagkaka kalbo ninyo sa kagubatan, tahanan nila iyon,"

"Wala kaming pakialam sa mga iyan!,"sigaw ng Kapitan,"Ang mahalaga ay gumaling ang anak ko! Kaya mo bang pagalingin o hindi?,"

Nakita niyang napapailing nalang si Angela na nakatayo, kaya napailing din siya kasi hindi man lang ng mga iyon pinaupo ang kasama nilang Madre

"Maaari po ba kaming magpausok ng ensenso at kamangyan, bago soya gamutin? Para umalis na din ang mga kasama ng engkantong iyon?,"tanong niya sa mag asawa

"What?!,"galit na tanong ng ginang,"Magpapausok ka sa loob ng bahay namin?,"tumango lang siya,"Hindi mo ba alam kung gaano ka mahal ang pabango na ginagamit ko sa loob ng bahay at sa silid ng anak ko?,"

"Kailangan po iyon para umalis ang mga gustong tumira dito kasama niyo,"sabat ni Angela na halatang nagtitimpi na dahil sa inis sa mag asawa

"Saka maaari ko bang papasukin ang dalawa pa naming kasama?,"tanong niya,"Hindi ko po kakayanin ang lakas ng Hari ng mga itim na elemento,"

"Hindi pwede!,"sigaw ng Ginang,"Baka may nakawin lang sila dito sa loob ng bahay namin at baka hipuan pa nila ang anak ko,"napapakamot nalang siya sa kanyang batok

Alam ni Angela na naaaburido na ang kanyang kaibigan, alam nito na nagpipigil lang ito

"Kaya mo bang gamutin at mapaalis ang gumagambala sa anak namin?!,"malakas na sigaw ng Kapitan, ngayon nakikita na niya ang tunay na kulay nito

Napapailing nalang siya, kaninang kaharap nila ito sa bahay ay tila maamong tupa, pero ngayon iba na ang ugali nito

"Opo,"tugon niya,"Pero kung hindi ninyo susundin ang mga sinabi ko, wala na po akong magagawa,"

"Peste!,"sigaw nito,"Akala ko ba magaling ka? Purp ka lang pala yabang eh!,"

"Hoy, lalaking mapagmataas,"sigaw niya na hindi na nakapagtimpi,"Para sabihin ko sayo, kasalanan mo kung bakit ginagambala kayo ng mga iyim na engkanto, dahil sa kasakiman mo, na pati ang kagubatan ay inaangkin muna, kaya magdusa kayo ng asawa mong ingrata!,"sabay talikod at bitbit ng bayong,

"Lumayas kayong mga hampas lupa sa pamamahay ko!,"sigaw at taboy ng Ginang

"Aba talagang aalis kami!,"tugon niya, nakita niya ang mga katulong at gwardiya na nakaabang sa kanila,"Oh tignan ninyo ang bayonh na dala namin, baka sabihin ninyo nagnakaw kami sa bahay niyo!," sabay labas ng mga laman na nasa loob

Inilapag nila iyon sa sahig at inisa isa, lahat ay pawang mga gamit sa panggagamot ang nakita nila, nanlaki ang mata ng Kapitan ng makita ang gintong punyal na alam nitong isang antigo

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now