Chapter 97

427 39 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 97°°°

Kinabukasan nga

Kahit hindi nila alam ang oras ng umagang iyon ay nagising sila na tila magaan ang kanilang pakiramdam

Hindi na nila namalayan na napasarap ang kanilang tulog kahit na tirik ang araw sa Baryong iyon

Nakita nilang gising na si Jane at pinagmamasdan ang engkantong nandaya sa kanya, sinamaan nito iyon ng tingin habang hinahasa ang kutsilyo nito

"Kanina kapa gising, Jane?,"tanong niya matapos makapag punas at makapagmumog

"Oo, Vleane,"tugon nito,"Nakahanda na din ang almusal natin, saka nagbilin na iyong matandang engkanto na susunduin tayo mamaya para dalhin doon sa bodega ng sandata nila,"

"Sige,"ani niya at sinenyasan na si Angela na kumain na dahil kailangan na nilang makaalis doon para mapuntahan ang Baryo ng mga aswang

Matapos nilang makapag ayos ng sarili at makapag almusal ay kaagad silang tumayo at lumabas sa kubong iyon

Kaagad naman na kinuha ni Vleane ang bihag nilang engkanto bago sumunod kay Jane papunta sa kung saan sila hinihintay ng matandang engkanto

Pagdating nila doon ay nandoon na ang halos lahat, kaya napangisi nalang siya bago umupo

"Ano na ho ang pasya niyo?,"tanong niya sa mga kaharap,"Gusto na namin umalis ngayong araw, bibigyan niyo ba kami ng mga sandata o hindi?,"

"Huwag kang pumayag, pinuno,"ani ng isang engkanto na nakalaban ni Angela,"Mortal sila at magiging alipin natin sila,"

"Nanalo kami,"ani niya,"Kaya dapat lang na tumupad kayo sa napagkasunduan,"

"Sige,"tugon ng matanda bago bumugtong hininga at sumenyas sa mga engkanto na nasa di kalayuan at nakabantay sa isang kubkng may kalakihan

Ilang sandali pa ay dala dala na ng mga iyon ang mga sandata kung sa sila pipili ng kanilang kukunin

"Iyan na ang lahat,"ani ng matandang engkanto

"Pumili na kayong dalawa,"utos niya,"Bahala na kayo kung ano matipuhan ninyo, pilian niyo na din ako,"

"Sige,"pagsang ayon ng dalawa, habang abala na pumipili ang mga iyon ay nakabantay siya sa paligid nakikiramdam

Nakatingin siya sa pwesto ng mga iyon na nakangisi habang malikot ang kanyang mga mata

"Huwag mo ng tangkain pang tumakas,"ani niya sa kanyang tabi, pero hindi siya nakatingin dito,"Hindu ka makakatakas sa taling iyan dahil kapag nangyari iyon, patay ka,"

"Hayaan mo siya,"ani ng matandang engkanto sa kanya,"Pakawalan muna siya at makakaalis kayo ng ligtas dito,"

"Saka ko siya papakawalan kapag nasa dulong bahagi na kami ng Bayan ninyo,"sabay tayo,"Tara na,"yaya niya sa dalawa habang bitbit ang mga napili nilanh sandata

Napangiti siya ng malapad dahil talagang pangdigma at panlaban sa mga aswang ang napili ng dalawa

Pinahawak niya sa dalawa ang kanyang sandata bago nagsimulamg maglakad papaalis doon

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon