Chapter 11

613 46 8
                                    

A/N:

Ang Chapter 12 po ay kasunod ng Chapter 46, kasi nagloko po ang wattpad ko nung nag update po ako

Kaya nawala po ang Chapter 12, ngayon ko lang po nabasa dahil nag eedit po ako ng ilang Chapters

Salamat po, ingat po kayo

And happy reading po

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 11°°°

Habang hinihintay nila si Lucas, na naghahanda ng kanilang pananghalian ay nagtanong naman si Aling Rosita sa tatlo

"Ano ang nangyari kagabi?," tanong ni Aling Rosita sa magkakapatid

"Regina, Tita Rosita,"ani ni Aimy,"Hindi na po nila kami titigilan, uubusin po nila kami, tayong lahat na may kinalaman sa pagkamatay ng mag ina noong pinunong aswang,"

Napabugtong hininga nalang si Aling Rosita at tinignan si Regina, na kung hindi dahil sa kalokohan nito ay hindi mapapahamak ang mga kaibigan ng mga ito at walang mamamatay

"Tara na po sa kusina,"yaya ni Lucas na sabay ngiti sa mag iina, hindi maikakailang may crush si Regina sa kanilang kuya kaya napatango nalang silang lahat bago sumunod sa naunang binata

Tahimik silang lahat habang kumakain ng tanghalian, hindi na nila namalayan na dumating na pala ang kanilang mga magulang at may kasama itong dalawang Madre

"Mga anak,"ani ni Mang Lino ng bumungad sila sa kusina

"Tay! Nay!," tumayong tumakbo ang tatlo papalapit sa kanilang mga magulang

Yumakap ng mahigpit, natuwa naman si Lucas ng makitang ligtas ang kanilang mga magulang bago dumako ang tingin niya sa dalawang Madre lalo na sa katabi ng kanilang Nanay na nakatingin sa mag ina na napahinto sa pagkain

"Nay, Tay,"ani ni Lucas sabay mano,"Saan po ba kayo galing at pinag alala niyo po kami,"

"Oo nga po,"pagsang ayon ni Cassie,"Mano po Sister Vleane, Sister Angela,"sabay kuha ng kamay ng dalawang Madre

"Kaawaan kayo ng Diyos,"kuro ng dalawa ng magmano silang magkapatid

"Nandito pala kayo, Rosita,"bati ni Aling Niña,"Kamusta kayo?,"

"Nay, Tay,"awat ni Lucas matapos makapagmano kay Vleane,"Mamaya na po tayo mag usap, kumain po muna tayo nila Sister,"ani nito

"Mabuti pa nga,"tugon ni Mang Lino at pinaupo na nila ang dalawang Madre bago sabay sabay na dumulog sa hapag kainan

"Sino po ang nagluto?," tanong ni Sister Angela na nakita nilang nasiko ng katabi nitong si Sister Vleane,"Nagtatanong lang naman eh, kasi ang sarap,"

"Si kuya po,"tugon ni Cassie na napapangiti,"Siya po ang kusinero ng pamilya namin,"

"Maswerte ang magiging nobya o mapapangasawa ng kuya mo,"dagdag pa ni Angela na nakangiti,"Kasi perfect husband material na siya, nasa kanya na ang lahat ng hahanapin ng kahit sinong babae,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now