Chapter 77

469 44 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 77°°°

Dahil sa umatras na ang grupo ng lahing Kalibunan ay mabilisan na nilang nilabanan nag mga aswang na nasa harapan nila

Nginisihan lang niya ang Gabunan na kanina pa siya pinagmamasdan habang lumalaban, kanina ay nahirapan siyang labanan ito dahil na din sa daming aswang na sumusugod sa kanya at dahil na din sa liksi nitong taglay at bilis,

Pero ngayon ay nasasabayan na niya iyon dahil ang mga alagd nito ay nasa mga kasama niya ang mga atensiyon at hindi sa kanya kaya ito na ang kanyang nilabanan ng oras na iyon

Dalawang Gabunan ang kanyang kinakalaban ng mga sandaling iyon, gamit ang kanyang katana na baliktad ang talim, hindi siya papayag na makatakas ang dalawang ito para maghasik pa ng lagim

"Tapusin na natin ito!,"ani niya sa mga kasama na sumigaw lang dahil abala din ang mga ito sa kani kanilang mga kalaban

Mabilis niyang nailagan ang mga atake ng mga ito bago sinaksak ang isang Gabunan sa leeg nito gamit ang pilak na punyal, umangil iyon at lalo pang nagalit at nanggigil na mapatay siya at makain

Habang ang isa naman ay sinunggaban siya sa kanyang balikat, nadaplisan naman iyon mula sa bibig nito na may matatalas at matatalim na mga ngipin

Nalangiwi siya ng maramdaman ang kirot, dumagdag pa iyon mula sa kanyang iniindang sakit sa tagiliran at hita

Pero tiniis niya iyon oara mapatay ang dalawa niyang kalaban, inuna muna niya ang Gabunan na may saksak sa leeg nito, hinugot niya ang pilak na punyal bago pinutulan ng ulo ang lalaking Gabunan na mas malaki pa sa isa na ngayon ay galit na galit na sa kanya, dahil pinatay niya ang kasama niyo

Ngumisi siya ng makitang nagliliyab na sa galit ang mapupula nitong mga mata, gamit ang isang daliri ay sumenyas siya na lumapit ito kaya mabilis iyong sumugod sa kanya

Inihanda naman niya ang kanyang sarili, bago sinabayan ang mabilis nitong pagsugod

Pansin niya na halos malapit ng maubos ang mga aswang na kalaban ng kanyang mga kaibigan, kaya mas binilisan pa niya ang pagkilos para mapatay ang kaharap na Gabunan

"Hanggang dito ka na lang!,"sigaw niya bago tinagpas ang leeg ng kaharap, gumulong ang ulo nito sa paanan niya kaya napaluhod nalang siya dahil sa sobrang pagod, gutom at antok

Napaluhod siya habang nakatusok sa lupa ang kanyang katana na siyang umaalalay sa kanyang bigat, napayuko siya habang nakangiwi

Nahihilo at nanlalabo na din ang kanyang paningin dahil sa maraming dugo na ang nawawala sa kanhan dahil sa tinamong sugat sa kanyang tagiliran at balikat

"Vleane!,"sigaw na mula kina Nica at Angela, bago siya nilapitan ng dalawa kasunod ang tatlong binata

"Ate, ayos ka lang ba?,"nag aalalang tanong nito sa kanya habang niyuyugyog ang kanyang balikat

"Vleane, ayos ka lang ba talaga?,"tanong ni Angela na nasa kabilang balikat naman niya,"Oh my God,"napatutop ng bibig ang dalaga,"May sugat siya sa balikat,"

"Mayroon din po, Sister Angela sa tagiliran!,"nag aalalang sambit ni Nica,"Ate, kumibo ka naman, ayos ka lang po ba?,"yugyog nito sa kanya, hindi na kasi siya kumikibo, nawalan nalang siya ng malay habang nakaluhod at nakahawak sa kanyang katana

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now