Chapter 120

477 35 3
                                    


°°°Chapter 120°°°

•••Third Person's POV•••

"Kamusta mahal kong Ernie?,"bungad ng isang magandang babae kay Lolo Ernie pagbalik nito sa kanilang bahay

"Lucresia?!,"gulat na tanong niya dito,"Papanong ganyang ang itsura mo?!,"

Tumawa lang iyon ng malakas habang abala naman ang mgankasama nitong aswang sa paligid

"Dahil sayo mahal ko,"ani nito,"Dahil sa pang iiwan mo sa akin, dahil sa sakit na idinulot mo at higit sa lahat dahil ipinagpalit mo ako sa matalik kong kaibigan!,"galit na sigaw nito sa kanya

"Matagal na iyon, Lucresia,"paliwanag niya,"Matanda na ako, ganoon ka din kaya sana kinalimutan muna iyon,"mahinang sabi niya sa kaharap

Naglakad ng dahan dahan papalapit ito sa kanya, habang siya naman ay titig na titig sa maamo at magandang mukha ng dati niyang kasintahan

Ang babaing kanyang unang minahal bago ang kanyang kabiyak na si Thelma na matalik na kaibigan nito

Nakilala niya si Thelma dahil na din sa kasintahan at hindi niya alam na may pagtingin sa kanya ang dalagang kaibigan nito

Lumamlam ang mga pagtitig ni Lolo Ernie sa kaharap, hindi niya alam na may nalalabi pa siyang pagmamahal dito, dahil sa ilang dekada na silang hindi nagkita, ngayon na nasa harapan na niya ito ay bumalik ang lahat ng pagmamahal niya

"Sumama kana sa akin, Mahal ko, mamuhay ulit tayo ng masaya, bumuo ng pamilya kasama ang anak natin,"malumanay na saad nito sa kanya

Umiling iling lang siya bilang tugon sa kaharap na ngayon ay nanlisik na ang mga mata sa kanya

"Mahal mo pa din ba hanggang ngayon ang traydor kong kaibigan?,"galit na tanong nito,"Nang dahil sa inyong dalawa hindi na naging normal ang pamumuhay ko simula noon!,"

"Bakit anong nangyari?,"takang tanong niya sa kaharap

"Dahil sa sakit na idinulot niyong dalawa sa akin!,"sigaw nito,"Dahil sa pagkawala ng anak natin ay tinanggap ko ang pagiging hukluban ng aking ina at ang pagiging gabunan ng aking ama ng mamatay silang dalawa!,"

"Isa ka ng hukluban at ganunan?!,"gulat na tanong niya, napalunok nalang ng laway si Lolo Ernie dahil alam niya na wala siyang kalaban laban sa kaharap

Malakas na uri ng elemento ang hukluban, mas malakas pa sa mangkukulam at mambabarang, tapos isa pa itong gabunan, piangsanib ang dalawang kakayahan at kapangyarihan sa iisang tao kaya mas malakas na ito ngayon

"Papatayin kita, Ernie!,"sigaw nito,"Pero bago iyon nasaan ang kambal nating anak?!,"

"Patay na ang isa sa kanila,"diretsang tugon niya,"Nang magkaanak kami ni Thelma ay ipinaampon ko ang isang anak natin at iyong natira ay namatay,"

"Aaahhhhh!!! Hindeeee!!,"galit na sigaw nito, namula ang mga mata ni Lucresia

Ang kaninang maganda, kaakit akit at may maamong mukha ay biglang naging isang matandang babae na halos kaedaran lang ni Lolo Ernie, kulubot ang balat at baluktot na ang likurang bahagi ng katawan

(Photo of Lucresia na isang makapangyarihang Hukluban👇👇👇👇)

#photoarenotmine
#CCTO

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now