Chapter 80

598 49 19
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 80°°°

Kumalat sa buong Baryo Aguada ang ginawa nilang panggagamot sa mga nahawaan ng mga aswang doon, kaya lalong nakilala si Vleane, marami ang nasiyahan dahil may mga lumalaban sa mga aswang

Pero mas marami na siyang kaaway at nagnanais na mapatay siya, lalo na ang angkan nila Rigor, galit na galitang ina nito dahil hindi magawa ng binata na mapatay ang babaing magiging hadlang sa kanilang pamumuno sa Baryong iyon sa nalalapit nakapistahan

"Isang linggo nalang at kapistahan na,"angil ng ina ni Rigor,"Marami na ang maglalalas ng loob na ipagdiriwang ang kapistahan dahil sa babaing iyan!,"

"Huwag po kayong mag alala ina,"ani ni Rigor,"May nakahanda na ho akong plano para sa araw ng kapistahan,"

"Aasahan ko ba iyan o hindi?,"nagdududa nitong tanonh sa kanya

"Sigurado po ito, Ina,"nakangising saad ni Rigor habang nakangisi ng nakakakilabot,"Gagawa po ako ng paraan para hindi maging maganda ang kanilang kapistahan!,"

Hindi na kumibo ang kna nito na mataman lang siyang pinagmamasdan, alam nito na malakas ang bunsong anak kaya hahayaan nalang niya ito

"Isasama ko ang ilang lahing Gabunan at Kalibunan, para mas maganda ang palabas,"

Napatango nalang ang ina nito bago sila tuluyang nagplano para sa kapistahan at sa mga hakbang na kanilang gagawin







Sa bahay nila Vleane

"Anong oras ba tayo dumating kanina?,"tanong niya sabay sapo ng ulo,"Hindi ko na namalayang nakauwi na pala tayo, napahimbing tuloy ang tulog ko,"

"Ayos lang iyon,"tugon ni Lucas,"Mas maganda nga iyon kasi nakapagpahinga ka ng maayos, halata kasi ang pagod sa itsura mo,"

"Salamat,"ani niya habang kumakain ng tanghalian

"Mga ala una na tayo nakarating,"ani ni Angela,"Hindi kana namin ginising kasi napaka himbing ng pagkakatulog mo, saka si Lucas na din ang nagdala sayo sa kwarto mo, para hindi kana maistorbo kung gigisinging at babangon kapa,"

Napatango nalang siya bago ipinagpatuloy ang kanyang pagkain

"Lalong magagalit sina Rigor sa ginawa mo, apo,"may pangambang saad nito sa kanya,"Lalo na at isang linggo nalang ay kapistahan na, masyado silang tahimik kaya nakaka kaba, dahil baka may mga plano sila sa mismong araw ng kapistahan,"

"Naka handa na po ako, Lo,"tugon niya,"Oras po na magkaharap kami, sisiguraduhin ko na po na matatalo ko siya,"

"Delikado talaga sila, apo,"ani nito,"Lalo na kung malaman pa iyon ng amang aswang na si Ronelio, baka sumugod ang mga iyon dito,"dagdag nito na ikinanlaki ng kanilang mga dahil sa nadinig

"Kilala mo po ang amang aswang na si Ronelio, Lo?,"takang tanong naman ni Angela, naunahan na siya nitong magtanong

"Aba oo naman po,"tugon ni Lolo Ernie,"Bata pa lang ako ay kalaban na soyang lahat ng mga albularyo, manggagamot at ng mga antingero, hindi ko aakalain na buhay pa siya hanggang ngayon,"

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now