Chapter 106

442 42 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 106°°°

•••Vleane's POV•••

Grabe ang sakit ng ulo ko, halos dalawang araw akong hindi nakasama sa kanila sa pag iikot sa Merkado, ang lakas pala ng tama ng alak nila dito

"Ano nahimasmasan ka na ba?,"pang aasar na tanong sa akin ni Angela

"Ang sakit ng ulo ko,"angal ko sabay inom ng malamig na tubig,"Grabe ang lakas ng tama ng alak nila,"

"Sabihin mo ginawa mong juice at tubig ang alak nila,"ani ni Jane,"Halos isang tunggaan lang ang ginawa mo sa sampung basong malalaki,"

"Magkano panalo natin?,"tanong ko sa kanila

"Nasa bente pirasong perang ginto ang napanalunan natin, pwera pa doon sa mga naghahagis ng ginto habang nagsasayaw kayo ng mabahong tikbalang na iyon,"paliwanag ni Eniah sa akin na ikinatawa ko nalang,"Pang gastos na natin ng halos apat na araw ang lahat ng iyon,"

"Mabuti naman,"ani ko sabay tungga ng malamig na tubig at hilot sa sintido ko,"Nasaa na pala sina Reyna Ceres at Prinsesa Eayah?,"tanong ko

"May susunduin daw silang dalawa,"sagot ni Jane sa akin,"Maya maya nandito na ang mga iyon,"

Kaya napatango nalang ako, kailangan ko ng kumilos para makita ang gabay ko, kailangan na namin makabalik sa mundo namin habang hindi pa natatapos ang kapistahan doon

Baka bigla lumusob sina Rigor, kawawa ang mga tao lalo na sila Lolo, wala silang kalaban laban sa mga aswang na iyon

Napatingin ako ng biglang bumukas ang pintuan, unang pumasok si Prinsesa Eayah na nakangiti bago ang binatang kasunod nito na tila galing sa maharlikang pamilya

Halatang napakasungit nito dahil salubong ang makakapal at maiitim nitong kilay, nagtama ang paningin namin kaya napataas ang kilay ko ng irapan ako nito

Aba may attitude ang bisita namin ah,

"Pinaglihi sa sama ng loob?,"bulong ko kay Jane na tumawa lang ng mahina

"Mga bata,"ani ni Reyna Ceres,"Siya si Prinsipe Kitharu, ang Prinsipe ng mundong ito,"

Kaya pala masungit kasi Prinsipe pala, kaya napaiwas nalang ako ng tingin ng titigan niya ako, wala akong panahon na abalahin ang sarili ko s akanya kahit pa na napaka perpekto ng kanyang itsura at talaga namang napaka gwapo niya, pero isa siyang engkantado at may kapangyarihan para gawing perpekto ang kanilang itsura

"Kamahalan,"yukong pagbibigay pugay ng kambal ganoon din si Prinsesa Eayah, kaya naman gumaya na din kami sa kanila







•••Third Person's POV•••

Matapos nilang maipakilala sa Prinsipe ng kahariang iyon ay nakipagkwentuhan pa ito sa mag ina habang sila ay nakikinig lang sa mga iyon

"Kamusta po pala si Prinsesa Mishka?,"tanong ni Prinsesa Eayah

Umiling lang ang masungit na Prinsipe at halata sa mukha nito ang lungkot

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now