Chapter 64

464 46 1
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 64°°°

•••Third Person's POV•••

Halos paliparin na ni Vleane ane kanyang motor dahil sa kanyang pagmamadali, hindi na niya alintana ang mabako at maalikabok ang daanan palabas ng highway

Hindi man lang siya lumilingon, diretso lang anv kanyang tingin sa unahan habang pinapatakbo ang motor niya

Kinakabahan na siya dahil baka mapahamak ang kanyang kapatid, si Sister Angela at ang magkapatid na kasama nito

Napasulyap siya sa salamin ng kanyang motor at nakita niya ang apat na malalaking asong itim na sumusunod sa kanya, napangisi nalang siya dahil alam niya na siya ang pakay ng mga iyon

Sa ulunan niya ay may lumilipad ding tatlong malalaking ibon kaya lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kanyang motor

"Sige, humabol kayo kung kayo niyo!!,"sigaw niya sabay tawa habang pinapakain ng alikabok ang mga iyon,"Aba may checkpoint pa ah,"bulalas niya ng makita ang limang malalaking baboy na kulay itim

Mas lalo niya pang binilisan ang kanyang motor, bigla niya iyong inihinto iyon at iniikot bago binunot ang dalawang baril na nasa bewang niya

"Wala akong panahon makipag ubusan ng lakas sa inyo,"sabay paputok ng sunod sunod sa limang baboy na umaatake sa kanya

Nilingon pa niya ang mga humahabol sa kanya, malapit na iyon kaya kailangan niyang mapatay ang mga nasa harapan niya bago makaabot ang mga iyon sa kanya at masakmal siya

Tuloy tuloy lang siya sa pagbaril sa limang aswang, bawat aswang na matamaan ng kanyang bala ay umuusok at umaatungal sa sakit

Nalulusaw ang kanilang mga balat at laman habang bumabaon ang kakaibang bala na kanyang ginagamit

Wala siyang pakialam sa mga iyon basta mabilis lang siyang sumusuksok ng bala sa bawat baril na mauubusan

Patambling siyang bumaba sa kanyang motor ng talunan siya ng limang aso, gumulong siya sa damuhan at binunot ang kanyang dalawang pilak na patalim bago itinarak sa leeg ng isang asong sasakmal sa kanyang hita at braso

Ang isa ay pinugutan niya ng ulo habang inaapakan ang isa na siyang nasaksak niya sa leeg, gigil na idiniin niya ang sapatos sa ulo ng aso bago iyong nadurog at kumalat sa lupa ang utak nito at gumulong ang mga mata, hindi na din nito nagawa pang makaiyak

Mabilis niyang sinalubong ang tatlo pang natitira na patakbong pasugod sa kanya, tumakbo din siya na sumugod sa maga iyon ay pinagbabaril niya dahil wala na siyang oras na magtagal doon, nararamdaman niyang nasa panganib na ang mga kasama ng kanyang kapatid at maging ito din

Nang mapatay na niya ang mga iyon ay kaagad siyang sumakay sa kanyang motor, hindi na niya pinansin pa ang mga lumilipad

Mabilis na niyang pinaandar iyon, nakikita na niya sa di kalayuan ang ilaw na nagmumula sa jeep na dala ng nga iyon

Dahil alam niha kapag ganoong oras ay wala ng naglalakas ng loob na bumiyahe palabas at papasok ng kanilang Baryo

Lalo na at walang kailaw ilaw at kabahayan sa mahabang kalsada na halos aabutin ng tatlong oras ang biyahe bago makarating sa bungad ng Baryo







Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now