Chapter 51

507 55 8
                                    

A/N

Hello po sa inyong lahat

Magpapasalamat lang po ako dahil sa hindi po kayo nagsasawa sa paghihintay sa pag aupdate ko

Salamat din po sa pagbabasa, sa mga Comment na nakakatuwa at lalong lalo sa pag Vote niyo sa lahat ng kwento ko

Kaya lalo ko pong pag iigihan ang bawat chapter para lang po sa inyong lahat,

Ingat po kayo lagi at salamat po sa inyong lahat

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 51°°°

•••Vleane's POV•••

Halos alas dose na ng hating gabi ng makarating kami kina Maya kagabi, pero ang ipinagpasalamat ko ay wala na kaming nakaharap o naka engkwentrong mga aswang habang papauwi kami

Nakilala ko na din ang isa pa nilang kapatid na si Ate Amanda at ang kanilang Nanay Alicia at ang ama nilang si Tatay Rommel, halos lahat sila ay mababait at palangiti kaya nakapalagayan ko na sila ng loob dahil iba sila kung magtrato ng kanilang bisita

"Mukhang uulan pa yata ah,"pansin ni Tatay Rommel ang biglang pagkulimlim ng kalangitan,"Maputik at madulas sa daanan papunta sa bahay nila Lolo Ernie, Sister,"ani nito sa akin na ikinangiwi ko,

Hindi ako makakilos at makaporma kung ganito lagi ang suot ko, aakalain nilang mabait ako, mahinhin at maka Diyos, pero totoo namang maka Diyos ako, pero pumapatay ako ng kampon ng kadiliman

"Eh Tay Rommel at Nay Alicia,"ani ko na napapangiwi,"At sa inyo din,"sabay tingin sa apat nilang anak,"Ang totoo po niyan eh, hindi
po talaga ako isang tunay na Madre,"napayukong saad ko, inalis ko ang takip sa ulo ko

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko lalo na sa buhok ko na may mga highlight, o diba saang Madre ka makakakita ng isang Madre n ang buhok may highlight na golden brown diba?

"Nagtagal po ako ng mahigit tatlong taon sa kombento dahil sa pakiusap ng namatay kong kakambal na siyang tunay na Madre na ipagpatuloy ang kanyang napiling propesiyon, kaya kahit labag man sa batas ng simbahan at sa Diyos ay ginawa ko po, pero nag aral po muna ako ng isang buwan bago makapasok sa kombento,"

Napayuko ako ng marinig ko silang napabugtong hininga, hindi ko na kasi kayang magpanggap lalo na iyonh nakita nila Brent kagabi na dala ko sa backpack ko

"Kaya pala ang astig mo kagabu,"bulalas ni Brent na nakangiti pa sa akin, kaya nahiya naman ako sa sinabi niya,"May mga dala kang pangontra at panlaban sa mga aswang, lalo na ang ginawa mo sadalawang manananggal, napatay mo ng hindi mo nalalapitan,"

"Vleane,"ani ni Tatay Rommel,"May kaalaman kaba? Isa ka bang Babaylan o Manggagamot?," diretsang tanong niya sa akin

"May kaalaman po ako sapag gagamot, pero hindi po ako Babaylan,"tugon ko sa kanila, ayaw ko kasi na tinatawag akong Babaylan o napagkakamalang Babaylan kahit na iyon ang totoo,"Mang gagamot lang po ako,"

"Aba kasing galing mo siguro manggamot si Lolo Ernie,"ani ni Nanay Alicia sa akin

Sasagot pa sana ako ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, napabuga nalang ako ng hangin dahil paalis na sana ako ng mga sandaling iyo, ihahatid sana ako ni Brent kaso bigla nga umulan ng malakas

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now