Chapter 84

473 36 1
                                    

-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 84°°°

Halos isang oras at kalahati ang nakalipas ay dumating na sina Nica, kaagad silang bumaba ng jeep at nagmamadaling pinuntahan ang kubo kung nasaan naroroon ang lahat

Kaagad na nilapitan ni Amanda ang nakadapang natutulog na si Vleane at maging ito ay napamulagat ng makita ang malaki at malalim na sugat nito

Kaagad na naupo ito s atabi ni Vleane at inilabas na mula sa bag nito ang mha dapat na gamitin para tahiin ang sugat ng dalaga

"Magandang gabi po,"bati nalang ni Amanda ng makalapit si Lolo Ernie sabay mano sa matanda at kay Angela na napangiti nalang, sumunod na nagmano amg dalawang kapatid nito

"Kumain muna tayo,"yaya  ni Lolo Ernie,"Bago mo tahiin iyang sugat ni Vleane, apo,"

"Ah, sige po,"tugon ni Amanda,"Ihahanda ko lang po ang mga dapat gamitin, saka kailangan ko po ng maligamgam at malinis na tubig,"tumango nalang si Lucas bago inihanda ang takure at nagsalang doon sa lutuan para magpainit

Ilang sandali pa ay sabay sabah na silang kumakain ng hapunan, nagku kwentuhan, kamustahan at kaunting tanungan

Mabilis na tinapos ni Amanda ang pagkain bago inayos ang gamit at ang pagkakahiga ni Vleane

"Wala po akong pampamanhid, Lo,"ani nito,"Baka masaktan si Vleane,"may pag aalalang sambit nito

"Lucas, itali niyo ang mga kamay at paa ni Vleane,"utos ng matanda,"Para hindi siya gumalaw, higpitan niyo,"

Kahit nag aalangan ay sumunod nan ang tatlong binata, tinalian nila anv dalawang kamay at paa ni Vleane, bago simulan nag pagtatahi ng sugat nito

Napapapikit nalang si Lucas ng madinig niya ang pagdaing at pag iyak ni Vleane, kahit na nakapikit ito, pinipilit nitong gumalaw pero hindi nito magawa dahil sa pagkakatali ng kanyang mga kamay at paa

Napapailing nalang sila sa reaksiyon mg mukha ni Lucas, dahil batid nila na nasasaktan din ito sa nakikita at nadidinig na pag iyak at pagdaing ng babaing mahal nito

Maging sila ay napaiwas nalang din ng tingin, pero ng hindi na nila matiis ay lumabas sila ng kubo at pumunta sa isa pang kubo kung saan sila nagpapalipas ng oras o kaya ay pagkatapos makakain

Tahimik lang nakikiramdam sa kapaligiran, ni isa ay walang nagsasalita sa kanila, dinig pa din nila ang pagsigaw ni Vleane, naaawaan sila ay wala silang magawa, masyadong malayo ang ospital sa Baryo nila kaya hindi nila madala ang dalaga,

"Malalagpasan din niya iyan,"ani ni Angela,"Malakas si Vleane, malakasang loob niya at malaki ang Pananalig niya sa ating Diyos,"

"Sana nga po,"ani ni Nica, nakapikit lang ito at umuusal ng dasal para malagpasan ng kanyang ate ang gabing iyon

"Masyadong tahimik,"ani ni Lolo Ernie,"Ilang araw nalang ay kapistahan na,"

"Oo nga po eh,"pagsang ayon naman ni Brent,"Nagsisimula na po silang magkabit ng mga banderitas sa Bayan, mga palamuti sa kani kanilang mga kabahayan,"

"Wala na ba sila Rigor?,"takang tanong ni Nica,"Hindi tayo makakapagdaos ng Kapistahan hanggang nandiyan sila,"

"Wala na sila,"ani ni Cris, na ikinanlaki ng kanilang mga mata,

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now