Chapter 43

519 34 2
                                    


-----•••••-----•••••-----•••••-----

°°°Chapter 43°°°

•••Third Person's POV•••

Kinabukasan nga,

"Julie apo ko," ani ni Lolo Domeng habang nag aalmusal silang lahat,"Sasama na ako kina Lucas papaluwas para doon na maniraham kasama ang mga tiyo at tiya mo,"

Napangiti nalang sina Lucas at Jude ng madinig ang sinabi ng kanilang Lolo sa pinsan nilang buntis habang nag aalmusal

"Eh nasaan ba ang asawa mo?," tanong pa ni Lolo Domeng

"Wala na po, Lo,"nakayukong sambit ni Julie,"Iniwanan na po niya ako sumama sa ibang babae,"malungkot na sagot nito

Napamura nalang si Lolo Domeng dahil sa narinig mula sa apo nito na anak ng bunsong anak na namatay na ng dahil sa malubhang sakit nito

"Eh ano ang plano mo?," tanong ni Lolo Domeng, hindi naman nagsasalita ang mga kaharap nila dahil usapan iyon ng dalawa,"Aalis na ako,"

"Iyon nga po kaya ako umuwi,"sagot nito,"Gusto ko po sana na makitira dito kasama ka, Lolo, kaso aalis kana din po pala eh, kaya wala na po ako mapupuntahan,"

Nagkatinginan naman ang tatlo habang tahimik lang na kumakain si Vleane

"Sumama kana lang sa amin, Ate Julie,"yaya ni Lucas,"Doon kana lang tumira sa amin,"

Napatingin naman si Julie sa pinsan na bahagyang nakangiti, ganoon din sina Jude at Calvin

"Tama po si Lucas, Ate Julie,"pagsang ayon naman ni Jude,"Welcome ka po sa amin, saka kung magpapaiwan ka po dito ay baka mapahamak ka lang po saka iyang anak mo,"

Napapangiti nalang si Lolo Domeng sa mga naririnig mula sa mga apo nito

"Salamat sa inyo,"ani ni Julie na tila maiiyak na dahil sa tuwa

"O siya sige, bilisan na natin ang pag aalmusal para makaalis na tayong lahat,"ani ni Lolo Domeng, kaya napatango naman silang lahat dahil sa sinabi nito

Matapos naman silang makakain ay inayos na ng tatlong binata ang mga gamit nila sa sasakyan kasama na ang gamit ni Lolo Domeng at ni Julie, matapos iyon ay tumulong pa ang tatlo s apag aayos at pagsasara sa bahay ng kanilang Lolo

Habang silang dalawa ni Julie ay nakatayo lang sa tabi ng sasakyan habang nakamasid sa ginagawa ng apat

"Sister Vleane,"ani ni Julie,"Salamat sa pagtulong niyo sa akin kagabi,"

"Wala iyon,"ani niyang nakangiti,"Kahit sino gagawin ang ganoon lalo na kung may kakayahan namang timulong,"

"Pero alam mo,"ani nito,"Napa pabilib ako sayo, ang galing mo makipaglaban kagabi, nakita ko ang liksi at galing mo. Para ka ngang hindi Madre eh,"

Natawa nalang siya sa huling sinabi nito habang napapailing nalang sa nadidinig

"Ganyan din ang sinasabi nila sa akin,"ani niya,"Dapat daw nag pulis o naging aswang hunter nalang daw ako kaysa sa naging Madre, kasi hindi daw talaga bagay,"

Aswang Killer: Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon