Chapter 116

418 33 4
                                    


°°°Chapter 116°°°

"Kamusta ka ate?,"tanong ni Brent,"Paano ka nakaligtas sa mga abwak? Nag alala kami ng sobra sayo, lalo na sina Nanay at Tatay,"nasa sala sila ng mga sandaling iyon at katatapos lang nilang kumain ng hapunan

"Hindi ako makalabas kaya hindi ako makauwi eh,"tugon ni Amanda

"Paano ka nakaligtas?,"tanong ni Lucas kay Amanda habang nakikinig naman si Vleane sa usapan ng mga iyon

"Iniligtas ako nina ate Lilia ng madinig nila ang sigaw ko,"kwento ni Amanda,"Malapit na ako sa Sitio ng hilahin ako ng isang abwak mula sa isang butas, kasunod ang ilang uwak na sumusugod sa akin,"dagdag pa nito

"Lakasan lang ng loob,"ani ni Lily na napangiti,"Kahit kami hindi na din makalabas dahil sa mga mapinsalang abwak na nasa daan,"

"Mapinsala talaga ang mga abwak,"ani niya, habang nakapikit,"Mabuti nalang at sementado na ang kalsada nito papunta dito kaya hindi na makaabot ang mga abwak na lalake dito, kundi mga uwak nalang ang mamasugod sa inyo,"

"Tama ka, apo,"pag sang ayon ni Lola Lilia,"Pero delikado pa din ang mga uwak, ang mga babaing abwak, sila na ang aasahan ng mga lalaking abwak na makakapambiktima dito,"

"Hayaan niyo po, Lola,"ani niya,"Tutulungan po namin kayo, habang nandito po kami sa Sitio niyo,"

"Salamat mga apo,"pahayag nito,"Pero mas delikado sila lalo na bukas ng gabi,"

"Bakit po?," takang tanong niya sa matanda

"Kasi pupwede silang sumugod kahit na sementadoang kalsada,"tugon ni Lily,"Kaya delikado ang mga tao dito, nakita niyo naman na maraming kahoy at kawayan sa bawat kabahayan diba?,"

"Opo, pero para saan po iyon?,"tanong naman ni Jude,"Saka ano po ang ginagawa ng Kapitan niyo para matulungan kayo?,"

"Wala siyang ginagawa,"ani ni Lily,"Iyong mga kahoy at kawayan ay pampagawa ng bahay, pinapatibay nila ang bawat kabahayan nila para lang hindi sila pasukin ng uwak at mga abwak,"

"Apoy, matutulis na bagay at pilak na itak, iyon po ang panlaban sa mga uwak at abwak, kailangan lang po na maputol ang ulo nila at matusok sa mismong puso para mamatay ang mga lalaling abwak,"pahayag niya sa mga iyon

"Tama na muna iyan mga apo,"awat ni Lola Lilia,"Magpahinga na muna tayo, may bukas pa para pag usapan iyan,"

"Sige po,"kuro nilang lahat kaya sinamahan na sila ni Amanda sa kwarto nito para doon sila matulog ng sama sama,

Habang ang mga binata naman ay sa sala natulog para makapagbantay at dahil wala ng bakanteng silid kaya doon na sila pumuwesto

Naging tahimik at malamig ang gabi para sa mga taga Sitio Bawakan, naging payapa ang kanilang pagtulog ng gabing iyon

Hindi nila alam na may nagbabadyang panganib sa kanilang buhay sa mga susunod na arawa

Samantala, sa labas ng Sitio, unti unting lumalabas ang mga abwak sa bawat butas na nasa kalsada, bawat isang butas ay tatlo hanggang apat na abwak na may malalaking pangangatawan ang umaahon doon at pupwesto sa putol na kalsada na sementado na papasok sa loob ng Sitio

Habang ang mga uwak naman na halos umabot sa isang daan ang bilang ay nasa mga puno naman nakadapo at tahimik lang na nagmamasid sa buong Sitio at naghahanap ng mabibiktima

Aswang Killer: Season 1Where stories live. Discover now